Thursday, November 15, 2007

pagbati

Pagbati sa aking sarili dahil may blog na rin akong nasimulan! Hindi ko naman talaga plinano na gumawa sa pagkakataong 'to, subalit ito ang itinadhana. Bigla na lamang pumasok sa isip ko na magsimula ng tulad nito upang

-mahimok ko ang sarili ko na magsulat dahil naniniwala ako na mayro'n akong dapat isulat
-mapaunlad ko ang kakayahan na humabi ng mga salita
-magamit ko nang mainam ang talento, oras at yaman na bigay ni Bathala


Sari-saring bagay ang iniisip kong isulat. Ngunit malaking bulto ng mga 'to ay nakalaan para sa panitikang pambata. Ito na marahil ang bukang-liwayway ng aking karera sa pagpapahayag.

Bumasa. Lumaya. Matuto. Magsaya