Hi mam-ser-mam-ser! Bagot? Pagod? May
dinaraing na sakit sa tuhod? Puso o pag-iisip? Mt. Tapulao lang ang katapat ng
mga 'yan.
Sabi ni Pinoy Mountaineer, 2,037+ MASL daw ito. Major! High Peak! |
Quick trivia: Tapulao ang pine tree sa wikang Sambal/Zambal.
Ganito. Pumunta kang Victory Liner terminal
sa Cubao o Monumento. Maghanda ng Php 375.00 at sabihin sa konduktor na ibaba
ka sa Brgy. Dampay-Salaza sa bayan ng Palauig, Zambales. 4-5 hours kang bibiyahe kaya
makakaidlip ka pa.
Kung lamigin ka, magbitbit ng makapal-kapal
na jacket, scarf, kumot o init ng ulo. May libreng wifi pamatay-oras at musika
para makapag-concentrate ka sa pag-e-emote.
Kung marami kang gutom sa katawan, may 1-2
stop overs para mamili at mamili. At umihi na rin.
'Pag pinababa ka na ng konduktor, bumaba ka
na. Nando'n ka na kasi sa susunod mong pit stop. Magta-traysikel ka naman sa
halos walong kilometro ng mabatong daan patungong jump-off. Foreshadowing ang
tawag dito. Kung suwerteng may makakasabay kang 3 pang tao sa trike,
tig-Php75.00 lang kayo. (So Php 75 X 4 =
Php 300.00). Tip, pag-aralan ang pagkain ng alikabok kung hindi pa
marunong. Tanungin rin pala si Manong
Driver kung p'wedeng mag-top load. Malay mo.
Sa eco-center/jump-off ay iwe-welcome ka ni
Ate Krising--ang front desk officer tuwing umaga at waste management officer
naman sa gabi. Sa center, p'wede kang maki-# 1 o 2, maki-almusal, maki-kape,
maki-bihis at maki-iwan ng ibang gamit. Dito, maglalabas ka rin ng Php 30.00
para sa registration fee at Php 700.00 pambayad sa required guide (mapa-day
hike, overnight o multiple day-hike). Fixed ang mga amount na yan. Bawal makipag-bargain. May dalang food si Kuya Guide, pero siyempre, share your blessings.
Pagkatapos ng jorni na ito, manghihinayang ka
sa Php 700.00 mo dahil madali lang naman talaga subayin ang daan patungong
bunker house at summit. Kaya para masulit ang guideship fee, magtanong nang
magtanong sa kanya, magpabuhat ng gamit (kung 'yan ang bulong ng iyong
konsensya. Don't worry, nasa job description naman niya 'yon) o gawin s'yang
photographer.
Unli assault ang ino-offer ng bundok na ito
kaya ihanda ang tuhod sa 18 kilometro ng paglalakad, paggapang at paggulong sa
hindi lang mabato, kundi mabatong-mabato na trail.
Kung anong dali ng direksyon, siyang hirap naman ng trail mismo. |
Pumili |
na ng size |
at shape |
na gusto mo. |
Quick trivia:
Malapad ang trail dahil daanan ito ng mga heavy-duty trucks ng Mineral
Treasures Mining Corporation na huling nagmina ng chromite noong 2010. (Sana totoong natigil na nga.) Malaking bahagi kasi ng Tapulao ay forest over ultramafic rock. (Yehes! May naaalala pa rin ako sa mga environmental lectures.) Minimina ang mga ultramafic/ultrabasic rock.
Buti nahanap 'to ni Kuya John. |
Hula ko ay sinabuyan nila ng mga tipak ng bato ang malupang daan para di
madulas ang mga sasakyan. Pero sabi ni Kuya Bobby, isang guide, hindi raw. Do'n
daw talaga ang mga batong 'yon. Hindi pa rin ako kumbinsido.
Advisable na agahan ang pagti-trek para 'di
masyado masunog sa araw. Kung sakaling mauhaw, may 3 water sources na
naghihintay. Pinakagusto ko ang 2nd water source dahil sa lakas ng daloy,
"linis" at lamig ng tubig. (Kung 'di maselan ang iyong sikmura, sahod
na!)
Nang usisain ko ang guide namin na si Mang
Juan/Kuya John, 4 na bundok daw ang inakyat namin. Medyo magulo ang mga
paliwanag n'ya dahil bago pa lamang siya sa pagga-guide (no'ng Setyembre n'ya lang iniwan ang pagsasaka para maging guide). Ayon kay kuya Bobby
na senior guide na sa edad na 23, heto
ang mga lugar na madadaanan (in chronological order):
- Talakitik
- Sereno
- Duyan-duyan
- Balite
- Malaat (1st water source)
- Zigzag
- Barong Tagalog
- Lower Tapulao
- Daska Avenue /Landslide (O ha! May avenue talaga! Named after the driver na naaksidente sa lugar na 'yon)
- Stack Piles
- Polta Mayor (Polta is Sambal word for door)
- Tapulao
Magulo pa rin sa akin kung alin ang bundok at
alin ang pauso lang talaga ni Kuya guide. Ang sigurado ako, unlimited ang bato
sa Tapulao and they come in all sizes and shapes.
Kung duration naman ng trek ang usapan,
relative yan. Kung hard core ka (e' di ikaw na), kakayanin ng 6-7 hours ang ascent at 3-4 hours and
descent. Kung wala ka namang lakad na
hinahabol, add 1-3 hours lang sa mga
nabanggit kong oras at siguradong makakarating ka pa ng buhay sa iyong paroroonan.
Quick trivia: Tuwing Enero naitatala ang
pinakamalamig na temperature sa Tapulao. Lumelevel sa mga Cordillera mountains. Source: The almost ever-reliable Kuya
Bobby.
At mas malamig pa talaga sa nguso ng baboy
ang temperature tuwing madaling araw. Pakiramdam ko ay may hawak-hawak akong
tipak ng yelo tuwing lalabas ng tent.
Advisable na mag-layering kung 'di kakayanin ng mga natutulog mong body
fats ang hagupit ng hamog. Iwasan ang biglaaang pag-inom ng super init na
kape. Napaso ang nilalamig naming dila
dahil sabik mainitan.
Mula sa bunk house, mga 40-50 minutes na lang ang final assault
patungong summit. Mossy forest na ang labanan dito kaya mas maganda ang
vegetation.
Less rocks, more greens! |
Ah basta, mukha siyang mahalaga. Pero dahil
may mga pine trees, siguro matatawag ding Tropical Lower Montane Rain Forest
ang ibang bahagi ng Tapulao. Maraming kayang conifers. Tiba-tiba sa mga
nagkalat na pine cones.
Isa sa mga bagay na inaabangan ng marami sa
Tapulao ay ang mga tanawin. Kumpleto sa view ng mga isla, kailugan, karagatan,
kapatagan at kabundukan ang lugar na ito. Ayon sa sabi-sabi, makikita rin dito
ang Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc dahil nasa tabi lang ito ng West
Philippine Sea. Nakakainis lang dahil hindi ito na-identify ni Kuya Guide
habang kami'y nagjojorni. Nanghula na lang kami na 'yon 'yong nakita naming
mukhang reef.
Somewhere over that island ang Scarborough Shoal. |
Ang pinakaaabangan ko sa lahat ay ang sea of
clouds tuwing umaga. Nang marating namin ang summit, tumaples pa kami baka
sakaling maakit namin si Haring Araw. E itong mga intrimididang mga ulap ay
nakikiusyoso, saglit lang nagpakita ang dagat ng mga ulap at 'di pa namin
nakunan ng larawan.
Sapat na. |
Minsan sa buhay, hindi mo agad nakukuha ang gusto mo. Magandang motibasyon ito upang balik-balikan ang Tapulao. Like 10 days from now.
Buti na lang, may bangin ng mga ulap na
nagpakita no'ng pababa na kami sa bunkhouse. Pinatawag ko agad si Chris Tomlin
at pinakanta ng Indescribable.
Kung pabalik na kayo ng jump-off, congrats!
Mas mabilis na ang descent. Tip, side step, side step din. At piliin ang mga
batong tatapakan. Mas malaki, mas maigi. Magbaon ng maraming trail food nang
'di masiraan ng bait. Magpayong pala o mag-sun block. H'wag pa lang pansinin ang mga land mines na iniiwan ng
mga unggoy (na mailap sa kapwa unggoy tao ). Tanong ko lang, kailangan talagang
sa daan mag-iwan ng bomba?
Alam na. |
Makakabili raw ng ganitong bag sa halagang Php180-200. P'wede pang ipa-customize ang materyales at design. Kailangan magpre-order. |
Pagkarating sa eco-center, maligo na (Php
10.00), magluto at kumain. May mga soft drinks pala sa mini-tindahan ni Ate.
Sinuggest namin sa kanya na damihan ang items sa souvenir shop. T-shirt lang kasi na tig-Php
250. Why not display products na gawa sa indigenous materials? Or the barbecue at banana cue sticks na
nagkalat sa daan? Agree naman si ate.
Last na, pabalik ng Maynila, magtatraysikel
ulit kayo. Php 400 per trike. Good for 4 persons lang ito ha. Diretso na ito sa
Victory Liner terminal sa Iba, Zambales. 16 kilometers. Mga 40-50 minutes. Magdala ng
extra foam kung uupo sa pinakalikuran ng trike. Supermegaultra vibration ang
naghihintay sa 'yo.
O' ayan. Sana ready ka nang mag-Tapulao. Siya
yata ang pinakamataas sa Central Luzon, kaya bragging right din 'pag natapos mo
siya. Siguradong mawawala ang iyong
kabagutan, pagod, sakit ng puso, ulo at pag-iisip.
Kung gusto n'yong kunin ang contact numbers
ng kanilang tourism council officer para sa kahit ano mang concerns (e.g. schedule,
souvenirs), mag-iwan lang ng mensahe sa baba. Kung bet n'yong kuning guide ang
nire-recommend ko na si Kuya Bobby, mag-comment lang at ibibigay ko ang numero
niya. (Disclaimer: Wala akong porsiyento dito ha.)
Mapagpalang jorni!
Ekstrang Silay sa Tapulao
Anong amphibian ito? |
Crawling gem |
Ang pamosong world tree |
Ang payapa ng ganitong eksena |
Zigzag na yata ito o Polta mayor. |
Ang 2nd Water Source |
Forest Fire na naabutan namin. May nakita pa kaming mangangasong may bitbit na patay na usa before this scene. |
Isang taos-pusong payo mula sa mga dingding ng bunkhouse. |
Para sa itinerary at iba pang bagay tungkol sa Tapulao, bisitahin ang blog nina
- Kuya Gideon--ang ating Pinoy Mountaineer
- The Quixotic Hiker
- I am no empty
- Tramping Philippines
- Ivan--ang Batang Lakwatsero