Thursday, February 26, 2009

Blog-blogan

habang sinisipag pa akong magsulat at magbasa,
habang malinaw pa ang mapupungay kong mga mata,
habang hindi pa marupok ang mga buto-buto,
habang hitik ang mga ideya sa aking bungo.

hanggat may perang pang-renta,
hanggat may part-time job para magkapera,
hanggat may naghahanap ng part-time tutor,
hanggat masaya pa ako sa pagtu-tutor.

magba-blog-blogan ako.
magsusulat-sulatan ako.

magsisikap ako upang maging mas matalino,
mas masipag
at mas marangal

at bilang ganti ay diringgin ko
ang tawag ng aking konsensya

na kailanman ay hindi na
maadik pa
sa online scrabble.

Wednesday, February 25, 2009

112



There are four beds in the room—one on each corner. On top of each is a blue green foam that complements the rusty, silver coat of the iron bed. A wooden study table and a shaky brown chair complete the set-up.

If you turn on the foot-long fluorescent lamp opposite the chair (just be careful with the grounded switch), you would clearly see the bar code sticked on the side of the furnitures. UP Diliman Narra Residence Hall. Thin and thick vertical bars. And a series of numbers under. You are not supposed to erase or peel them off.

Now, open the main fluorescent lamp high above the ceiling (the switch is on the mint green wall behind the knob-less door), so you would see the excited, polliwog-looking, blue sperm cells swimming toward the sphere painted boldly on the tall, four-door cabinet. A magnum opus, right?

Sorry for the dangling cobwebs. Mang Calix has not been here for almost a month. I don't have the courage to wrestle with the bigger-than-usual spiders hiding on the busted electric fan, on half-read photocopied books and readings in yellow folders, on faded Levi's jeans, on soiled undies and stockings and more assorted stuff dumped at the top of the cabinet—hoping against hope that their redeemer would arrive soon.

May I request that you do not take advantage of the lock-less closets, especially the one farthest from the room's entrance? But, you are free to inspect the tables and walls. You are free to scrutinize the pile of books I borrowed from different libraries, the librettos, flyers and posters I stolen from various bulletin boards around the campus. Kuya Jimmy wouldn't mind if you take a look at the lyrics of his favorite disco song and monthly calendar on his side of the wall. You can also smell the soon-to-be-used flavored condoms and yet-to-be-read photocopies on his table. Aljay would be happy if he finds out that you admire his hardbound Webster dictionary and biology books with dried leaves on some pages of it. The hentai CDs are not his. He just borrowed them from the room next to ours.

If you smell something fruity, don't think of fruits. It's just Ate Michelle's towel which he always forgets to hang outside. He seems to have a monthly supply of those pink shampoo and conditioners. The colorful tablets and pills and brassieres and high-heeled shoes are also his.

If you gaze at the screened window, a cemented basketball court stands proudly at the center of this square block dormitory. A variety of ornamental plants and vegetables compete with weeds on the green quadrangle.

Sooner, the court would be filled with the last hurrahs of topless undergraduates; the TV room would again be crowded when Jang Geum's time arrived. At midnight, we would go to the lobby and wait for the magbabalut or the rolling burger stand. Have fun, for tomorrow, we have no choice but to leave this home.

Si Rizal At Ang Edukasyon sa Pambansang Transformasyon



Capuyan, Jerson R.
College of Education /BEEd-CA(Eng)
2005-72540
PI 100
Prof. Nelson Turgo

Si Rizal At Ang Edukasyon sa Pambansang Transformasyon

Sa liham ni Rizal, mula sa Alemanya, para sa malapit niyang kaibigan na si Propesor Ferdinand Blumentritt, nabanggit niya na sa sandaling magkaroon na ang Pilipinas ng kinatawan sa korte suprema, babalik siya ng Pilipinas upang magpatayo ng isang paaralan. Hinimok din ni Rizal si Blumentritt na samahan siya sa kanyang hangarin na mabigyan ng magandang edukasyon ang mga Pilipino. (Africa,p.8)

Sinasalamin ng sulat na ito ni Rizal ang mataas na pagpapahalaga ng ating pambansang bayani sa sektor ng edukasyon. Naniniwala siya na sa pamamagitan ng edukasyon, magiging karapat-dapat ang mga Pilipino sa pagkamit ng ganap na kalayaan. At ito nga ay makakamit hindi lamang sa pagkatuto mula sa karanasan kundi sa pagkatuto din sa loob ng paaralan—sa konyeksto ng pag-aaral.

Nitong nakalipas na mga taon ay ngaing mainit na usapin ang kalagayan ng sistema ng edukasyon sa ating bansa—partikular na ang kalagayan ng pampublikong edukasyon. May ilang nagsasabing nagiging komersyalisado na ito gaya na lamang ng nangyayari sa mga pamantasan at kolehiyong pinopondohan ng ating gobyerno. Mayroon umanong pag-aabondona na nagaganap dahil sa paliit nang paliit ang badyet na iniuukol sa mga eskwelahang ito. Idagdag pa natin ang mga hindi matapos-tapos na mga suliranin sa mababang suweldo ng mga guro, sira-sira at masisikip na silid-aralan, mag aklat na pinuputakti ng mali-maling impormasyon, mga guro na kulang umano sa kaalaman at pagsasanay at kung anu-ano pang samu't saring reklamo sa sektor ng edukasyon.

Kaya naman, hindi na nakapagtataka na marami ang nagkokomento na bumababa na raw ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa. Idagdag pa sa mga alegasyong ito ang mga balitang “nangungulelat” ang Pilipinas pagdating sa mga rehiyonal na pagsusulit sa Matematika at Agham. Pati na rin ang magandang reputasyon natin sa paggamit ng wikang Ingles ay unti-unti na ring nasisira.

Ang mga problemang ito ay nagresulta pa sa ilang matitinding suliranin gaya na lamang ng lumalaking bilang ng mga Pilipinong hindi nakakatapos ng pag-aaral. Sa dalawampung mag-aaral na Pilipino ay dadalawa lamang ang nakakapagtapos ng kolehiyo. Ang marami sa kanila ay agad nang sumasabak sa mundo ng pagtatrabaho sa mga pabrika at pagawaan kahit na kakarampot na salapi lamang ang kapalit nito. Marahil, ang mga kalagayang ito ay iilan lamang sa napakalawak na obserbasyon upang masabi natin na bumaba na nga ang eduksayon sa ating bansa.

Sa mga nakalipas na taon, iba't ibang solusyon na ang inihain at sinubukan upang mapigil ang paglala ng sitwasyon ng ating edukasyon. Nagkaroon ng pagbabago sa kurikulum na ginagamit ng Kagawaran ng Edukasyon (Department of Education o DepEd)--mula Basic Education Curriculum ay naging Revised Basic Education Curriculum ito kung saan ay may apat na pangunahing asignatura na lamang—Ingles, Matematika, Agham at Makabayan.

Maraming pag-aaral na rin ang isinagawa upang matukoy ang ugat ng problema na ito. Sari-saring mga bagay na ang sinubukan, iba't ibang tao na ang nagbahagi ng kanilang mga suhestiyon upang masagip ang papalubog na barko ng edukasyon sa ating bansa. Ang usaping ito ay hindi na bago sa ating pandinig. Naghanap na tayo ng mga posibleng solusyon sa kontemporaryong panahon, ngayon naman ay bakit hindi natin suriin ang kung anong mga bagay ang sinasabi ng ating naklipas.

Noon pa man ay isang malaki at mahalagang usapin na ito. Kung magbabalik tayo sa nakaraan—sa ating kasaysayan—sa paghahanap ng mga posibleng kasagutan ay makatatagpo tayo ng maraming opinyon, ngunit mainam na magtuon tayo sa isang personalidad na may matibay na paniniwala na sa pamamagitan ng edukasyon ay lalaya ang ating bayan-- ang ating pambansang bayani, Dr. Jose P. Rizal.

Ayon kay Eufronio M. Alip, isang bihasa sa pag-aaral kay Rizal, may apat na pangunahing ideolohiyang pang-edukasyon si Jose Rizal. Ito ay ang pagpapaunlad ng moral na katauhan, disiplinang pansarili, panlipunang kabatiran at kahusayan sa mga kursong bokasyonal. Ang isang magandang sistema ng edukasyon, ayon kay Rizal, ay dapat naglalayong itanim ang apat na gintong butil na ito sa bawat mag-aaral.

Para kay Rizal, mahalagang ang bawat estudyante ay mayroong magandang asal at wastong pag-uugali. Sa kanyang sukat para sa mga kababaihan ng Malolos ay nabnggit niya na ang pagkakaroon ng kahanga-hangang mga asal ay kinakailangan upang matawag kang isang tunay na mabuting Kristyano. Binigyang-diin ni Rizal na ito ay makakamit kung idadagdag sa kurikulum ang pag-aaral ng iba't ibang relihiyon, dahil ito ang layunin ng relihiyon. Binigyang-diin din niya ang pagkakaroon ng kodigo ng mga mabubuting gawa gaya na lamang ng mga bagay na iminungkahi niya sa La Liga Filipina. Ang ilan sa mga ito ay ang hindi pagsusugal at hindi pag-iinom.

Kung susuriin ay napakasimpleng bagay lamang nito, ngunit napakahirap naman isakatuparan. Naitatanim kaya sa puso ng bawat isa na hindi lamang kaalaman para tumalino ang ating kailangan kundi pati rin ang kabutihan? Aanhin ng ba natin ang matatalino at magagaling na guro kung wala namang puso sa paggawa ng kabutihan sa kapwa? Ang mga ito ay ilan lamang sa mga katanungan na maaaring masambit ni Rizal sa ating kapanahunan.

Ang ikalawang bagay na nais ipaunawa ni Rizal ay ang paghubog ng isang henerasyon na may disiplina sa sarili. Marahil ay nakita ni Rizal ang kabutihang naidulot nito noong siya mismo aynag-aaral din. Ayon sa mga malalapit na kaibigan at kasambahay ay mahigpit na sinunod ni Rizal ang isang iskedyul ng mga gawain na siya rin ang gumawa. Mula paggising sa ganap na ika-apat ng umaga ay tuluy-tuloy na ito sa pag-uukol ng oras sa mga kapaki-pakinabang na gawain hanggang sa oras ng pagtulog, bandang alas-diyes ng gabi.

Ang bagay na ito ay sadyang mahirap ipaunawa sa mga bata, ngunit kung maipapaalam sa kanila ang kabutihang naidudulot nito ay hindi imposibleng maiukit ito sa kanilang pag-uugali.

Mapapansin na ang unang dalawang ideolohiyang pinanghahawakan ni Rizal ay hindi diretsang sinasagot ang mga konkretong suliranin ng kasalukuyan sapagkat higit pa sa dagliang solusyon ang ibinibigay ni Rizal. Ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili at magagandang-asl ay mga bagay na panghabang-buhay. Kung pag-iigtingin pa ng mga guro ang pagtuturo nito sa pamamagitan ng mga aralin at mabuting ehemplo ay posibleng mabigyan ang isang dakilang transformasyon sa ating bayan.

Ikatlo sa halagahan ni Rizal ay ang pagsususlong ng panlipunang kabatiransa mga paaralan. Importanteng humubog ang mga eskwelahan ng mga mag-aaral na nagmamahal at nagmamalasakit sa bayan. Nadurog ang kanyang puso nang masilayan niya ang ilang Pilipinong mag-aaral sa Madrid na naglalasing at nag-uubos ng oras sa paglilibang. Ang mga ito ay hindi man lamang nagpakita ng pagmamalasakit sa bayan gaya ng pagsapi sa Spanish-Filipino Circle, isang grupo ng mga Pilipino at Espanyol na mag-aaral na nagsusulong mga reporma para sa kabutihan ng mga Pilipino.

Ang imahe ni Rizal, bilang isang Pilipinong nakapag-aral at may pag-ibig para sa bayan ay isang magandang halimbawa na maari nating tularan. Batid niya ang ang mga tungkulin niya sa bansa at handa niya itong gampanan. Marami sa atin ngayon ang agad na nakakalimot na suklian ang bayan na tumulong upang makapag-aral tayo ng libre o sa mababang halaga lamang. Marami ang nagbibingi-bingihan o nagbubulag-bulagan sa pagdarahop ng ating bayan. Nais ni Rizal na imulat natin ang ating isipan sa katotohanan na kailangan tayo ng ating bayan.

Ang ika-apat na ideolohiyang pang-edukasyon ay ang pagpapaunlad ng kahusayan sa iba't ibang bokasyon. Noon pa man ay alam na ni Rizal na hindi lahat ay may intelektwal at pinansyal na kakayahan upang kumuha ng isang bachelor's degree sa kolehiyo. Iminungkahi niya ang pagpasok sa mga vocational schools kung saan ay ituturo sa kanila ang ilang mga praktikal na gawain gaya ng pagmamason, pag-uukit, paghahardin, paghahayupan, pananahi at iba pa. Sa kasalukuyan ay itinatguyod ito ng TESDA. Ang mga Pilipinong may teknikal na kahusayan ay kanilang pinapaunlad upang mabigyan sila ng disenteng hanap-buhay. Ngunit nakalulungkot dahil marami pa rin sa ating mga Pilipino ang hinahamak ang mga taong pumapasok sa ganitong linya ng pag-aaral. Nakatutuwang malaman na nitong nakalipas na taon lamang ay ipinatupad ng Kagawaran ng Edukasyon ang isang pagsusulit upang matukoy kung anong propesyon ang nababagay na kunin ng mga nasa mataas na paaralan kapag sila ay tumuntong na ng kolehiyo. Ayon kay Rizal, dapat ay hayaan ng mga magulang at guro ang mga-mag-aaral na piliin ang bojasyon na nais nilang tahakin.

Bukod pa sa mga ideolohiyang ito, may mga kaisipang pang-edukasyon pa ang binanggit ni Rizal gaya na lamang ng mga dapat na katangian ng isang guro, hitsura ng paaralan, mga asignaturang dapat ituro. Ang ilan sa mga ideya niya ay passe na. Ilan dito ay hindi na angkop sa pangkasalukuyang panahon, subalit ang apat na pangunahing ideolohiya niya ay patuloy pa ring nababagay sa ating panahon kahit ang mga ito ay tinuran ni Rizal ilang dekada na ang lumipas.

Hindi na angkop na sisihin natin ang mga mananakop na Espanyol, Amerikano at Hapones sa kasadlakan ng ating edukasyon. Malaya na nga tayo. Ngunit, marami sa atin ang nakagapos pa rin sa kamangmangan. Marami ang hindi nabibigyan ng magandang edukasyon. Marami ang nalumon sa kahirapan dahil sa kamangmangan. Isang hamon sa lahat ang kalagayang ito. Wika nga ni Rizal—ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Ngunit paano magiging pag-asa ng bayan ang kabataang walang alam. Hindi pa huli ang lahat. May magagawa pa tayo, gaya ni Rizal, sa ating munting kapamaraanan.

Sanggunian:
Africa, Bernabe
Alip, Eufronio. Alip and Sons. Manila. 1957
Daroy, Petronilo. Rizal Contrary Essays. Guro Books. 1968

Si Rizal At Ang Diaspora ng mga Pilipino



Capuyan, Jerson R.
College of Education /BEEd-CA(Eng)
2005-72540
PI 100
Prof. Nelson Turgo

Si Rizal At Ang Diaspora ng mga Pilipino

Hindi na kaila sa atin ang lumalaking bilang ng mga Pilipino na nangingibang-bayan. Ayon sa Department of Foreign Affairs o DFA ay may humigi't kumulang 700,000 mga Pilipino ang umaalis ng bansa taun-taon. Hindi pa kabilang dito ang mga kababayang ilegal na lumalabas ng bansa sa iba't ibang kapamaraanan.

Magkakaiba ang dahilan kung bakit umaalis ng bansa ang marami sa atin. Pangunahing kadahilanan ay pinansyal na pagdarahop. Kung ihahambing ang sahod ng isang overseas Filipino worker sa Hongkong at ng isang guro sa pampublikong paaralan dito sa Pilipinas ay mas mataas pa ang natatanggap ng nauna. Kaya naman mas pinipili ng iba ang maghanap-buhay sa ibang lupain kaysa ang magpakahirap dito sa Pilipinas kapalit ang kakarampot na suweldo.

Kung mapapansin ay malaking bilang ng mga umaalis sa bansa ay mula sa mahihirap na pamilya. Kasabay ng paglapag ng kanilang mga paa sa dayuhang lupain ay ang pag-asang maiaaahon nila sa kumunoy ng kahirapan ang mga kapamilyang iniwan sa Pilipinas.

Sa isang survey na isinagawa ng Pulse Asia Incorporated, napag-alaman na isa sa bawat limang Pilipino ang nagnanais na ring umalis ng Pilipinas upang maghanap ng mas magandang buhay sa ibang bayan. Marami ang nabahala sa resulta ng naturang survey dahil karamihan sa mga gustong umalis ng bansa ay mga nakapag-aral at nasa pang-gitnang uri ng lipunan.


Nitong nakalipas lamang na taon ay isa sa mga kamag-aral ko sa hayskul ang nabalitaan na lamang namin na nasa Canada na. Ang kanyang ina ay matagal nang nagtatrabaho doon, kaya naman siguro ay naisipan na rin nitong kunin silang maagkakapatid. Nalungkot kami sa pag-alis niya subalit sa kabilang banda ay inisip rin namin ang kasiyahang idinulot ng muling pagkakasama nila. Ang mga eksenang tulad nito ay isa lamang sa mga patunay na ang pag-alis ng mga Pilipino o diaspora ay isang pambansang usapin na at dapat bigyang-pansin.

Isa mga isyung ipinupukol sa mga Pilipinong umaalis ng bansa at doon na naninirahan ay ang kawalan nila ng pagmamahal sa bayan o nasyonalismo. Masasabing isang kabalintunaan ang ganitong pahayag. Ang desisyon ng isang Pilipino na manirahan sa ibang bansa ay hindi isang sukatan kung gaano niya kamahal ang Pilipinas. Maging ang pagtatrabaho sa ibang bansa ay hindi isang senyales na wala kang paniniwala na maaring magkaroon ng isang maginhawang buhay sa bansa.

Isang konkretong halimbawa ay ang karanasan ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal. Si Rizal ay nagtungo sa iba't ibang bansa sa mundo upang magpakadalubhasa. Siya ay nagmula sa isang mayamang pamilya kaya naman ay nagawa niyang maglakbay sa maraming bansa sa Europa, Asya, at Amerika. Ngunit, hindi lamang pansariling hangarin ang nagbunsod sa kanya upang mamalagi sa ilang mga bansa. Nag-aalab pa rin sa kanyang puso ang pag-ibig sa inang bayan. Nais niyang matunghayan ang mga kaunlaran na mayroon ang Kanluran upang magkaroon siya ng ideya kung anong mga bagay ang salat pa ang ating bayan. Sa ilang taong pamamalagi ni Rizal sa ibang bayan ay hindi siya nakitaan ng pagtataksil sa bayan. Kailanma'y hindi niya itinatwa ang kanyang lahing pinanggalingan. Sa katunayan ay mas naipakita niya ang kanyang pagiging makabayan nang siya ay nasa lupain ng mga dayuhan dahil walang sumisikil na mga Kastila sa kanya sa pagpapahayag ng kanyang pag-ibig sa bayan.



Naipakita pa rin ni Rizal ang pagiging makabayan kahit wala siya sa lupang-tinubuan. Ito ay isang mahalagang bagay na dapat matutunan ng maraming mga Pilipino na nandarayuhan. Noong si Rizal ay nasa Espanya ay sumapi siya sa isang grupo ng mga Pilipino at Espanyol na nagsusulong ng mga reporma para sa kabutihan ng mga Pilipino. Ito ay ang Circulo Filipino-Hispanico. Gayundin ay kasama si Rizal sa patnugutan ng La Solidaridad, kung saan ay nakasama niya sina Graciano Lopez-Jaena, Marcelo H. del Pilar at ilan pa sa pagkatha ng mga akdang nagpapahiwatig ng pagmamahal sa bayan at pagtuya sa maling pamamalakad ng mga dayuhang Kastila sa Pilipinas.

Nakatutuwang malaman na naipagpapatuloy pa rin ang mga ganitong samahan sa kasalukuyan. May mga komunidad ng mga Pilipino sa iba't ibang estado. Sa mga pagkakataong nagkikita-kita sila at ipinagbubunying Pilipino pa rin sila sa puso at isipan bagamat nasa ibang bayan sila.

Sa panahong nasa Europa si Rizal ay naging napakaproduktibo din niya. Ang pag-aala-ala sa kalagayan ng Pilipinas noong panahong iyon ang naghimok sa kanya upang isulat ang kanyang walang kamatayang mga nobela na Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Malaya niyang ikinatha ang pampulitikang kalagayan ng bansa at gayundin ay naghain siya ng kanyang mga opinyon at solusyon.

Sa konteksto ng panahon ni Rizal ay nakabuti ang kanyang pag-alis dahil lumawak ang kanyang kaalaman at mas lalo niyang naunawaan ang kahalagahan ng edukasyon sa pagkamit ng kalayaan para sa bayan. Subalit sa kasalukuyan, may mga nagsasabing marami ring hindi magagandang naidudulot ang pag-alis ng mga Pilipino sa Pilipinas.

Isa na rito ay pagkakahiwalay ng mga kasapi ng pamilya. Sa isang awitin ng Smokey Mountain ay nasambit ang mga sumusunod na linya:

Mama's a maid in London / I want to believe that she's fine / She could be lonely in London / I want to know why she had to go / I need her, I want to be near her / I've got to be with her / And see to it that we're together once more //

Masakit para sa isang magulang ang iwanan ang kanyang mga anak. Ngunit mas masakit para sa isang anak ang iwanan ng isang magulang. Ito ang naunawaan ko sa awitin. Subalit, kung tatanungin natin ang isang magulang, mas masakit para sa kanya ang hindi mabigyan ng magandang bukas ang kanyang anak, kaya mas pinili niyang kumita ng malaking halaga sa ibang bansa.

Isa pang negatibong epekto ng diaspora ay ang brain drain. Dumarami ang bilang mga propesyonal gaya ng mga doktor, nars, guro, inhinyero ang umaalis ng bansa sa pag-asang mas masusuklian ng karapat-dapat na halaga ang serbisyong kanilang ibibigay sa mga first world countries gaya ng Amerika, Inglatera, Canada at Hapon. Habang tumataas ang bilang ng mga mahuhusay na mga propesyonal ay papaliit naman ang bilang ng mga Pilipinong handang paglingkuran ang mga kapwa Pilipino.

Ang pagiging underemployed ng mga propesyonal na ito sa ibang bansa ay hindi sagwil upang manirahan at maghanap-buhay sila doon. May mga doktor na nagiging nars, may mga gurong nagiging domestic helper.

Sa kabilang banda, may mga positibong epekto rin ang nagaganap na diaspora. Isa na rito ang tulong na hatid sa ekonomiya natin. Ang mga pumapasok na dolyar sa pamamagitan ng remittance ay nagpapatibay sa papalubog rin nating ekonomiya. Ikalawa ay naitatanghal natin sa mundo ang kasipagan at kagalingan ng mga Pilipino. Maraming beses nang hinangaan ng mundo ang kahusayan ng mga Pilipino gaya na lamang sa pagpipinta sa katauhan ni Juan Luna nang manalo ang kanyang Spoliarium sa isang patimpalak. Sa kontemporaryong panahon naman ay kabi-kabila ang pag-ugong ng mga mang-aawit at mga pelikulang Pilipino sa mga patimpalak at film festivals.

Mahirap na ngang pigilan ang diaspora ng mga Pilipino. Lalo pa't ngayon ay halos hindi na isang malaking isyu ang diskriminasyon ng lahi, hindi katulad ng kapanahunan ni Rizal kung saan ay may mga biases ang mga tao sa kanya-kanyang lahi. Ngunit may magagawa pa ang pamahalaan upang hindi dumating ang araw na iilang magagaling na Pilipino na lamang ang natitira sa Pilipinas at pinaglilingkuran ang iilang mga Pilipino lamang. Kung maaayos lamang ang ekonomiya ng bansa, kung mababawasan ang pamumulitika at korapsyon sa pamahalaan ay mahihimok pa ang maraming Pilipino na mamalagi na lamang sa Pilipinas at paunlarin ang mga yaman na mayroon tayo.

Para naman sa mga kababayang nasa ibang bayan, patuloy na pag-alabin ang pagmamahal sa bayan—na ang bawat sakripisyong kanilang ginagawa ay iniaalay nila sa pamilya at bayan. At kagaya ni Rizal, sila ay magbabalik bayang sinilangan dala-dala ang salapi, kaalaman at karanasan na magpapaunlad pa sa ating bayan.




Sanggunian:
Africa, Bernabe
Alip, Eufronio. Alip and Sons. Manila. 1957
Daroy, Petronilo. Rizal Contrary Essays. Guro Books. 1968

Sunday, February 22, 2009

A Week After Our Last

For almost two months, I have been attending the 1:30 or 3:30 pm service in our church. (Cornerstone Christian Church-Robinsons has 5 Sunday services). Last week, I attended the 3:30 pm service with my friends Conrado (who passed away last Monday, Feb.16) and Joan. I had no hint that that would be my my last Sunday service with Conrad.

I sat to the place where we were last Sunday, but the usher asked me to transfer seat. I complied. Though, I was sleep-deprived yesterday, I tried to listen attentively to Pastor Richard Nillo's preaching of God's Word.

Oh God, why was his introduction full of thoughts about how life is so short? That life here on earth is temporary. Had somebody told him about what I'm going through?

"Pasok sa banga!"

I believe God was speaking to me while I was listening to the preaching. I eagerly jot down the preaching titled: MAKE YOUR EVERYDAY COUNT. The text was Isaiah 40:6-8
6 A voice says, "Cry out."
And I said, "What shall I cry?"
"All men are like grass,
and all their glory is like the flowers of the field.
7 The grass withers and the flowers fall,
because the breath of the LORD blows on them.
Surely the people are grass.
8 The grass withers and the flowers fall,
but the word of our God stands forever."

Three key points were shared.

1. Living life with a definite aim.
Why do we do the things that we do? Do those things glorify God?

2. Living life with ordered priorities.
What is most important must take most of your time.
Best order of priorities: God, Family, Career/Ministry.

3. Living life with enthusiasm.
Man's chief and highest end is to glorify God, and fully to enjoy him forever.- Westminster Cathecism


Then the pastor also cited this line from Luke 23:46-
Into your hands I commend my Spirit.

and suddenly, the face of Conrado appeared on my mind. Then the song HOW TO SAVE A LIFE played on my head. Then scenes from the book Bridge to Terabithia came rushing down.

The preaching ended with the statement-- It's not how long you spend your life, but how meaningful it has been.

Before I left, I shook the preacher's hand and thanked him for the message.

I hurriedly went home to attend Conrad's burial. Rivers of tears flowed. That was the first time I felt so emotional in a burial. The sight of grieving parents and loved ones tore my heart. The sight of a friend's box slowly being put inside a hollow rectangular prism and being covered with concrete was too disheartening.

I wanna meet him again someday. But I'm not in a hurry.

Tuesday, February 17, 2009

One Last Song

Hey, this is the song he performed during the Search for TIP Male Model Student Pageant last Feb.3. After 13 days, he died. Perhaps, he was already giving some signs of his departure. Or it is only me who's trying to stitch these strings of thoughts.

But might as well, listen to, sing and read the lyrics of the song.

Across the Universe
The Beatles


Words are flowing out like endless rain into a paper cup,
They slither wildly as they slip away across the universe.
Pools of sorrow, waves of joy are drifting through my open mind,
Possessing and caressing me.
Jai guru deva om.

Nothing's gonna change my world,
Nothing's gonna change my world,
Nothing's gonna change my world,
Nothing's gonna change my world.

Images of broken light which dance before me like a million eyes,
Thay call me on and on across the universe.
Thoughts meander like a restless wind inside a letter box,
They tumble blindly as they make their way across the universe.
Jai guru deva om.

Nothing's gonna change my world,
Nothing's gonna change my world,
Nothing's gonna change my world,
Nothing's gonna change my world.

Sounds of laughter shades of love are ringing through my open ears,
Inciting and inviting me.
Limitless undying love which shines around me like a million suns,
It calls me on and on across the universe.
Jai guru deva om.

Nothing's gonna change my world,
Nothing's gonna change my world,
Nothing's gonna change my world,
Nothing's gonna change my world.

Jai guru deva om,
Jai guru deva om,
Jai guru deva om...

Para kay Conrado Macapulay Jr. na Nagpa-iyak sa Akin (RIP)


Sabi mo sa akin, sumulat o mag-blog lang ako kapag nag-uumapaw ang emosyon ko.
Hindi ko agad sinunod ang payo mo. Sorry ha.
Pero alam mo naman na may natitira pa rin akong pagmamahal sa mga letra't salita,
Di nga lang kasingtingkad ng sa iyo.

Alam mo ba na mula Buzzing Bees
Pintig sa Nagkakaisang Tinig, TIP Voice ay iniidolo kita?
Pinagyabang pa kita sa mga kakilala
Lalo na nung may write-up tungkol sa 'yo sa PDI
Pati UN-sponsored essay writing contest ba naman kasi, umariba ka!

Sabi mo sa akin, hiraman kita ng libro sa Main Lib.
Sagot ko naman "Sige ba!". Ikaw pa, kapatid na turing ko sa'yo.
Nabanggit mo nga na magkakarugtong na ang bituka nating lima
Ako. Ikaw. Si Joan, Alex at Krsna.
Pero , bakit humiwalay ang iyong bituka?

Sabi mo sa akin, mukhang nagbabago na ang trend sa mga beauty pageant.
Akalain mo? Sa dating babading-bading na si Maui
Ay uusbong ang isang maginoong Conrado.
Nagbiro ka pa nga na lamang ka sa talino,
Kaya nakopo mo ang titulong TIP male Model Student.

Pero,paano na sa susunod na taon?
Sinong magpapasa ng korona?
Paano na sa susunod na Linggo?
Sino nang kasama kong magsimba sa Cornerstone?
Sino nang makakakuwentuhan ko tungkol sa kung anu-ano?

No'ng Linggo, tinupad mo ang sinabi mo.
Dumating ka ng maaga para kamo makapagkwentuhan tayo.
(Pero, sorry ka, mas maaga pa rin ako sa 'yo.)

Alam mo ba na habang nakataas ang kamay mo,
Pikit ang mga mata at nakikipag-usap sa Kanya, sinulyapan kita.
Nababahala kasi ako na baka nabo-bored ka na.
Pero nung makita kong taimtim Kang nakikipag-usap sa Kanya,
Napangiti ako.

Gustung-gusto kong isipin na magkikita tayo ulit sa piling Niya.
Ang mahigit sampung taon ng pagkakaibigan na pinagsaluhan natin
Ay hindi sapat.
Marami pa akong gustong ikuwento.
Ililibre pa kita sa McDo.
Ipapabasa ko pa sa 'yo 'yung mga sinulat ko.

Susunduin pa kita minsan sa TIP sa Casal, 8:30.
Magsasabay pa tayo sa air-con bus.
Hindi ba yun naman ang gusto mo? (Mapili ka talaga.)
Maghahanap pa tayo ng lugawan at bibili ng tokneneng.

Sabay pa nating kakantahin ang "Hanging by a Moment With You".
Yun lang naman ang alam ko sa mga default songs mo tuwing videoke.
Iimbitahin pa kita sa 'small group' na pupuntahan ko.

Itutuloy pa natin ang mga ginuhit nating pangarap.
Magiging chemical engineer ka sa isang malaking planta.
At magtuturo naman ako sa mga bata.

Pupuntahan pa kita sa bahay ninyo.
Ipapagising kita sa mama kahit natutulog ka pa.
Hihintayin pa kitang maligo, magbihis.
Ipapatikim mo pa sa akin yung mga luto mo, kahit maalat minsan.

Pang-ikalabing tatlong taludtod na 'to, pero magulo pa rin ang istraktura ng tula ko para sa 'yo.
Ginulo mo ang isip ko Conrado.
Hindi ka man lang kasi nagsasabi na may nararamdaman ka na dyan sa puso mo.
Sana naikwento mo man lang kung bakit ka natumba minsan sa kasilyas ni'yo.

Kagabi, habang tinatanaw kita sa kahon mo,
nainis ako sa 'yo (pinaiyak mo kasi ako)
nagsorry ako sa 'yo (pinaiyak mo kasi ako)
nagpasalamat ako sa 'yo (pinaiyak mo kasi ako).

Nawa, sa higit isang dekada ng pagsasama natin.
Mula Bana-Bana Kids, Buzzing Bees
Hanggang Pintig,Ice Company, at tayong lima nina Alex, Joan at Krsna...
Naramdaman mo ang pagmamahal ko.
Hanggang sa muli kapatid, kaibigan!
Magkikita din tayo.
At tandaan mo, 'pag nagtama ulit ang ating mga mata,
Ako pa rin ang kaibigan na nakilala mo nung Grade 3 tayo.

P.S.
Alam ko nagrema sa'yo yung message nung Sunday.
"We are only one-third natural and two-thirds supernatural."
Alam ko nalagpasan mo na ang reyalidad...ang natural.
Walang pagsidlan ang saya ko no'ng unang dalo mo sa Cornerstone.

Salamat kaibigan at kapatid ko.
Nawa ay maligaya ka kasama ang Cornerstone natin.
Huwag kang makakalimot ha.
Si Jerson ito, laging magmamahal sa 'yo kaibigan.

Jerson and +Conrado 's Song

Conrado, magkaibigan nga tayo. Hindi ko alam na paborito mo rin pala ito. Sana napabasa ko sa'yo yung librong Bridge to Terabithia. Sana pinanood din nating 5 yung movie adaptation niya. Ito kasi yung Official Theme Song ng Movie. Wala akong maalalang sandali na nagkagalit, nagkatampuhan o nag-away man tayo. Ibang klase! Para sa'yo to kaibigan!

How to Save a Life
The Fray

Step one you say we need to talk
He walks you say sit down it's just a talk
He smiles politely back at you
You stare politely right on through
Some sort of window to your right
As he goes left and you stay right
Between the lines of fear and blame
You begin to wonder why you came

CHORUS:
Where did I go wrong, I lost a friend
Somewhere along in the bitterness
And I would have stayed up with you all night
Had I known how to save a life

Let him know that you know best
Cause after all you do know best
Try to slip past his defense
Without granting innocence
Lay down a list of what is wrong
The things you've told him all along
And pray to God he hears you
And pray to God he hears you

CHORUS:
Where did I go wrong, I lost a friend
Somewhere along in the bitterness
And I would have stayed up with you all night
Had I known how to save a life

As he begins to raise his voice
You lower yours and grant him one last choice
Drive until you lose the road
Or break with the ones you've followed
He will do one of two things
He will admit to everything
Or he'll say he's just not the same
And you'll begin to wonder why you came

CHORUS:
Where did I go wrong, I lost a friend
Somewhere along in the bitterness
And I would have stayed up with you all night
Had I known how to save a life

CHORUS:
Where did I go wrong, I lost a friend
Somewhere along in the bitterness
And I would have stayed up with you all night
Had I known how to save a life
How to save a life
How to save a life

CHORUS:
Where did I go wrong, I lost a friend
Somewhere along in the bitterness
And I would have stayed up with you all night
Had I known how to save a life

CHORUS:
Where did I go wrong, I lost a friend
Somewhere along in the bitterness
And I would have stayed up with you all night
Had I known how to save a life
How to save a life


Paanong Iligtas ang Isang Buhay
ng The Fray
salin sa Filipino ni Genaro R. Gojo Cruz

Una’y sabi mo kailangan nating mag-usap
Naglakad siya’t sinabi mong maupo siya, maikling pag-uusap lang ito
Banayad siyang ngumiti sa iyo
Banayad mo rin siyang pinagmasdan
May kung anong durungawan sa iyong kanan
Habang siya ay kumaliwa at ikaw naman ay nanatili sa kanan
Sa pagitan ng pangamba’t pagsisisi
Nagsimula kang magtaka kung bakit pa siya dumating

Saan ako nagkamali, nawala ang aking kaibigan
Saanmang kalupitan
At sana’y sinamahan kita buong magdamag
Sana’y nalaman ko kung paanong magligtas ng buhay

Ipaalam mo sa kanyang ang pinakamabuti’y alam mo
Dahil pagkatapos ng lahat alam mo talaga ang mabuti
Subukan mong unahan siya sa kanyang mga katwiran
Huwag paniwalaan ang kawalang-muwang
Ilatag mo sa kanyang harapan ang listahan ng mga mali
Ang mga bagay na sinasabi mo sa kanya noon
At ipanalangin mo sa Diyos na naririnig ka niya
At ipanalangin mo sa Diyos na naririnig ka niya

Saan ako nagkamali, nawala ang aking kaibigan
Saanmang kalupitan
At sana’y sinamahan kita buong magdamag
Sana’y nalaman ko kung paanong magligtas ng buhay

Habang itinataas niya ang kanyang tinig
Ibaba mo ang sa iyo at bigyan mo siya ng kanyang huling pamimilian
Maglakbay hanggang makarating sa dulo
O huminto sa isang sinusundan mo
Maaring gawin niya ang isa sa dalawang bagay
Aaminin niya sa lahat
O maaaring sabihin niya di na siya tulad ng dati
At magsisimula kang magtaka kung bakit ka pa dumating

Saan ako nagkamali, nawala ang aking kaibigan
Saanmang kalupitan
At sana’y sinamahan kita buong magdamag
Sana’y nalaman ko kung paanong magligtas ng buhay

Saan ako nagkamali, nawala ang aking kaibigan
Saanmang kalupitan
At sana’y sinamahan kita buong magdamag
Sana’y nalaman ko kung paanong magligtas ng buhay
Paanong iligtas ang isang buhay
Paanong iligtas ang isang buhay

Saan ako nagkamali, nawala ang aking kaibigan
Saanmang kalupitan
At sana’y sinamahan kita buong magdamag
Sana’y nalaman ko kung paanong magligtas ng buhay

Saan ako nagkamali, nawala ang aking kaibigan
Saanmang kalupitan
At sana’y sinamahan kita buong magdamag
Sana’y nalaman ko kung paanong magligtas ng buhay
Paanong iligtas ang isang buhay

post-valentine supernatural experience


feb. 15- I checked out my multiply account. I read a Christian friend's post about a song she dedicates to her husband-to-be. The song is FAITHFULLY by Leslie and Eric Ludy.

Faithfully by Eric and Leslie Ludy

Tonight I saw a shooting star
Made me wonder where you are
For years I have been dreaming of you
And I wonder if you're thinking of me too
In this world of cheap romance
And love that only fades after the dance

They say that I'm a fool to wait for something more
How can I really love someone I've never seen before
But I have longed for true love every day that I have lived
And I know that real love is all about learning how to give
So I pray that God will bring you to me
And I pray you'll find me waiting faithfully

Faithfully, I am yours
From now until forever
Faithfully, I will write
Write you a love song with my life
Cause this kind of loves worth waiting for
No matter how long it takes...I am yours
Faithfully

Tonight I saw two lovers kiss
Reminded me of my own loneliness
They say that I'm a fool to keep on praying for you
How can I give up pleasure for a dream that won't come true
But I will keep believing that God still has a plan
And though I can't see you now,
I know that He can
And someday I will give you all of me
Until I find you, I'll be waiting faithfully

Faithfully, I am yours
From now until forever
Faithfully, I will write
Write you a love song with my life
Cause this kind of loves worth waiting for
No matter how long it takes I am yours
Faithfully...

after listening and reading the lyrics of the song, i posted a comment, saying that her post is so timely. just when NBSB/ NGSB people need it.

Then I went to church-Cornerstone Christian Church in Robinsons Nova. My two high school classmates heed my plea and they attended church with me, 'though, the other was 30 minutes late.

Pastor Grace talked about overcoming realities, that is, if you really believe that you are two-thirds supernatural/spiritual and only one-third natural.

I am this type of Christian who always wanted immediate proofs of God's message/promises. God, I wanna experience something supernatural today, I prayed.

Before I went home, I dropped by BOOKSALE BOOKSALE (ground floor of the same mall). Then a strange thing happened. I saw a book by Eric and Leslie Ludy. The names rang a bell. They sounded familiar. I got the book out from its shelf. I recalled that morning's events. Then I had a eureka-ish realization. Oh my, this couple is the same couple who wrote and sang the song I heard this morning. What a weird thing! This is no strange coincidence. This is so supernatural!* I bought the book together with four more titles.

As I was traveling home, I perused the first few pages of the book. Oblivious of the fact that reading while on a moving vehicle with dim shaky lights could contribute to poor vision. When I got home, I whispered my gratefulness to God and my apology for being quite impulsive.

The book is really worth-reading, worth-keeping and worth-sharing. I am (vicariously)learning a lot about love, relationships, faith and God.

*this is just one of the many supernatural things that I experience. There are so many ordinary miracles around us. We just have to open our supernatural eyes.

Sunday School Teacher J


Who would've thought that I'd be a Sunday school teacher? Sino? Sino? God did.

Now, I know why I am an elem.educ-english major. His plans for me are little by little getting clearer. No more regrets on why I chose educ over BS math or any other "seemingly prestigious courses". (I have nothing against non-educ majors.)

Thank you Cornerstone Christian Church Kids Staff Ministry for the warm welcome :) I love the detailed lesson plans (LPs). I enjoy ministering to kids and "fellowshipping" (I forgot how to say it) with my co-teachers. This is all for the glory of God.

Firstfruits

I've been hearing preachings about "Priority of Giving" in our church for two consecutive weeks. Here's the priority of giving that the pastor shared:

1. Tithes

2. Offering

3. First Fruit

4. Mission Offering


I'm a bit familiar with numbers 1,2 and 4. I've read and heard some info about them. Number 4 is an entirely new schema to me. According to Wikipedia, First Fruits are a religious offering of the first agricultural produce of the harvest. In classical Greek, Roman, Hebrew and Christian religions, the first fruits were offered to the temple or church. First Fruits were often a primary source of income to maintain the religious leaders and the facility. Beginning in 1966 a unique "First Fruits" celebration brought the Ancient African harvest festivals that became the African American Holiday, Kwanzaa.


So, how is it relevant to my life? For the past 5 months, I've started giving my tithes (which is kinda late 'cause I've heard about this truth several years ago). With my two part-time jobs namely--tutoring a Tsinoy kid from Binondo, and assisting in my beloved UP Reading Dept., I am earning a considerable amount of money from which I deduct my tithes. ( I thank God for giving me these jobs. )


I was fascinated with the idea of giving one's first fruits. It's really a great way of honoring God for all the blessings he has given us. It's also a way of entrusting him your finances. On the 1st week of January, God placed in me a desire to give my first fruit. So what's my first fruit? I asked." My salary for this week's tutorial? But, if I give everything, how could I survive the week without asking allownce from my mom?"

The third week came, and still I haven't decided what to give as my first fruit. During the Sunday of that week, the pastor clarified that first fruit could mean the first increase that you get this year or your first salary...it really depends on your faith. After hearing that, I was still clueless.


The next day, I went to Binondo for tutorial. When I was about to leave and ask my salary for that session. My tutee's mom asked me if I could spend another hour with his other son. Before I could answer her, the thought of giving my first fruits struck me. That was it! Eureka.


2 hours + 1 hour = 3 hours


I was on the verge of tears (of joy) when I went out of their condo. God really knows the desires of my heart.

Bawal na Gamot


Paborito ko raw ang kantang 'to nung bata (mga 5 taong gulang)pa ako, ayon kay nanay. Hindi ko alam kung na-rehab ako o kung anong ilegal na gamot ang kinaadikan ko. Pero, napatunayan kong totoo nga ang kanyang claim, nang mapakinggan ko ang napaka-amateur na recording (ko) noong 1993 sa bahay namin sa Cabalawan, Magsaysay, Misamis Oriental.

Bukod sa Bawal na Gamot, may track din ng "Nasaan ang Liwanag" na kanta pa rin ni Willy Garte. Ginamit ko pa nga ang kantang yon sa ulat namin sa EDSP 101 (Intro to Sped). Napaniwala ko ang mga kaklase ko na bulag 'yong batang kumakanta. Hahaha!

Pag niloob ng pagkakataon, i-a-upload ko ang album ko :)

*tama ang hinala ko na may talento talaga ako sa pagkanta.

Bawal na Gamot (Willy Garte)

Bawa't yugto ng sandaling halos 'di ko alam
Naglalakbay ang diwa sa ligayang nakamtan
Gamot na bawal ay ayaw ko nang tigilan
Hinahanap-hanap ko at inaasam

O, kay sarap ng buhay
Kung siya'y aking nalalanghap
Akala ko ang mundo ay wala nang katapusan
At nang ako ay magising sa kasalanang nagawa
Kinabukasan ko ay nawala

Chorus:

Pangarap ko'y 'di maabot
Dahil sa bawal na gamot
Labis ko nang pinagsisihan
Ang aking kamalian

Instrumental:

O, kay sarap ng buhay
Kung siya'y aking nalalanghap
Akala ko ang mundo ay wala nang katapusan
At nang ako ay magising sa kasalanang nagawa
Kinabukasan ko ay nawala

Repeat Chorus

84 kami sa section namin



Nagtapos ako sa isang general public high school sa Bulacan. Ang maliit naming paaralan ay napapaligiran ng mga palayan. Sa kanan naman ay isang dugyuting ilog ang dumadaloy. "Ilog Baho" nga ang tawag namin dahil sa nakakasukang amoy nito kapag nagpapakawala ng dumi ng hayop ang mga slaughter houses at poultries sa ibabaw. (Nung 2nd year ako, isinumpa ko ang ilog na yon nung umapaw ito at nakarating sa ilang silid-aralan.)

Hindi kagandahan ang aming paaralan. 'Di katulad ng mga national high schools at mga private school sa aming division. Ngunit kahit nahuhuli kami pagdating sa pisikal na aspeto ng paligsahan, di naman kami nagpapahuli sa mga academic competitions. Lagi kaming kampeon sa Division Press Conference at laging may umaabot na mag-aaral sa National level PressCon. Nakakakopo rin ng puwesto ang aming diyaryong "Ang/The Pintig" kahit sa national level pa.

Masasabing overcrowded na ang aming paaralan. Noong 4th year ako, 84 kami sa aming klase. Kami ang star section at kami ang pinakamarami. 50 plus lang ang mga upuan at priority pa ang 40 plus girls, kaya, mapalad ang mga lalaking maaga kung pumasok. (Minsan nga, nagpapasalamat ako kapag may mga absent.) Take note: di kalakihan ang kuwarto namin, dahil inagaw ng ilang teachers ang 1/4 nito upang gawing faculty room.

Dahil 84 kami at sa sahig nakaupo ang mga lalaki (o mga babae minsan), kinakailangang naka-footrug ang mga tao at laging magfo-floorwax ang cleaners. Kahit halos katumbas na namin ang 3 o 4 na sections sa ibang paaralan, 'di naging sagwil ang aming bilang upang maging malapit kami sa isa't isa. Kahit na may kanya-kanyang grupo gaya ng Ice Candy Company, Chainlink, Pollyana, etc, solido kami bilang isang klase. Natuto pa rin kami kahit na hirap ang aming mga guro dahil nga ang dami namin at maingay pa minsan.

Sa araw ng aming pagtatapos, napuno ng iyakan, yakapan at tawanan ang mga piktyuran. Naghiwa-hiwalay na kami. May mga nag-aral, nagtrabaho, nag-asawa at tumambay.

Dahil na-miss ko agad ang 83 kong kaklase, gumawa agad ako ng friendster account at group upang magkasama-sama kami ulit.

Makalipas ang halos apat na taon mula nang kami'y magtapos, nagkaroon kami ng isang medyo pinagplanuhang reunion noong Dec.29 sa Lourdes Grotto Church . (Hindi kasi sapat ang semestral get-together dahil pare-parehong tao rin naman ang pumupunta.) Bagamat 28 lang ang nakarating, dahil may kanya-kanyang gawain at dahilan ang iba, hindi ko akalaing magiging ganoon kasaya ang pagsasama-sama namin.



Hindi mapapalitan ng magarbong venue o masarap na pagkain ang presensya ng bawat isa. Ang mga kuwento, ngiti, tawanan, kantyawan, rebelasyon, kadramahan at pagkakaibigan na sinariwa at pinagtibay noong araw na 'yon ay mananatiling buhay sa puso ng bawat isa. Amen.

3-Ilog

I'll be teaching 34 UPIS third graders this semester, for my practicum. It would surely be a tough semester with the Grade 3 Section Ilog. Just like any other grade-schoolers, my students are noisy, perky and pesky at the same time, restless and cute :)

During my week-long observation, one student cried because she lost in a Math game. I found out that she was the "top 1" in the last quarter. The one who won was the "top 2". So I guess, there some kind of 'competition' going on.

There are also some students who seem to have 'ADHD'. (I better do some more observation and quries.) Prof. Tandoc, my supervising teacher, told me that classroom management has always been a challenge to her. She's right. One student even admitted to me that he compares himself to a parrot, because he's talkative. He even asked me to spell t-a-l-k-a-t-i-v-e.

However, they are so sweet. ( I guess, another new-teacher-sickness symptom ) You know the feeling when they greet you as you pass by them, or when they see you along the hallway? Or when they exert much effort when you just asked them to write their nickname in a small sheet of paper? (the font, the sketches, the colorful markers, the outline)

It really makes you feel so important and valuable as a person. I am hoping against hope that I would survive this semester. So help me God.

Raketero

This semester, I found myself so busy with my two part-time jobs and a new "monkey business".

First job: Dakilang Tutor
Every Saturdays and Mondays, from 4 to 6 pm, I teach a 5-year old Chines-Filipino who studies in St. Jude Catholic. His place is in Binondo, at the 11th floor of Chinatown Steel Tower. And I live in San Jose del Monte City, Bulacan. Imagine the long and boring hours of travel. But the pay is good, so its worth the sweat. Dont ask me how much. It's more of reading activities/games/worksheets.

Second job: UP Dept of Reading/ T. Portia's Library Assistant
This is the best department/place for student assistants. Coz your tummy would never be empty here and your purse too. There's always food in the fridge. Plus, the faculties always treat us. Plus, you get to meet the godesses and demi-godesses. Plus, you grow intellectually. And be friends with your co-s.a.'s

Monkey business: BUY and SELL
Before, it was good books that I sell. But I realized, that they're priceless. So, for a while, I stop letting them go, and instead, prepared a room for them in our house. So now, I'm into school supplies. From colored papers to markers. Name it and I will buy it and sell it to you. As long as I've got cash in-hand. Cheaper than the ones in National Bookstore. Divisoria goods, so expect the price to be relatively pocket-friendly. (haha, shameless plugging again)

Should you be interested, contact me :)

Paboritong Teksbuk


Bilang sabik sa paggamit ng silid-aklatan, unang araw pa lang ng pasukan ay nanghiram na ako ng libro. Siyempre pa, ang paborito kong WORDS THEIR WAY ni Donal Bear et.al. Reference book ko kasi yun sa private reading tutorial ko. Ang daming pwedeng ipaphotocopy at madaming ideya tungkol sa mga laro-laro at mga ka-ek-ekan sa pagtuturo ng pagbasa.

Kanina ay dinala ko siya para basahin habang nasa sasakyan ako patungong Binondo, kung saan ako nagtuturo. Galing pa ako ng Bulacan.

2:45 ako dumating sa Recto. 4 pa ang turo ko. Kaya naisipan kong kumain muna sa Chowking Isetan Recto. Umorder ako ng petite halu-halo dahil sawang-sawa na ako sa chao fan at tamang-tama ang halu-halo sa meryenda.

Dahil ang tagal-tagal matunaw ng yelo, naisipan kong ilabas si WORDS THEIR WAY at magbasa-basa habang hinahanalo ng kanang kamay ko ang mga tipak ng yelo at kakaramput na mga sangkap ng halu-halo.

Inabot ako ng 35 minuto para maubos ang isang malukong ng halu-halo na puro sabaw naman talaga. Agad kong binitbit ang bag ko para sumakay patungong Divisoria, at saka maglalakad patungong Chinatown Steel Tower.

Habang nagpapakalunod sa mabahong amoy ng paligid ay bigla kong naalala si WORDS THEIR WAY. Nasaan siya? Tiningnan ko sa dalawang bag na dala ko. Wala. Anong oras na? 3:40. Dapat wala pang 4 nasa condo na ako. Babalik ba ako ng Isetan? H'wag na lang. Di naman yun mawawala dun.

Napakapositibo ko. Kumanta pa ako ng mga papuring awitin para kumalma at h'wag masyadong mag-alala. Nanalangin ako habang binabagtas ang mataong kalye ng Divisoria. Lord, hindi yun mawawala. Mahal yun, Lord at mahirap mahanap sa Pilipinas.

Kwinento ko sa tutee kong 5 taong gulang ang tungkol kay WORDS THEIR WAY. Lagot daw ako kay WORDS THEIR WAY. Siguradong papagalitan niya daw ako pag nagkita kami ulit.

6 ng gabi, habang nasa dyip at papuntang Isetan, nanalangin ulit ako. Naitabi sana yun ng isang service crew. Inensayo ko na rin ang sasabihin ko sa mga crew. Ah, excuse me Miss, I was here at around 3, blah blah blah. Binalak kong mag-English para agad mapansin ako at maasikaso agad. Pero pagdating ko sa Chowking, kinalimutan ko na yung ganung mentalidad.

Pinagpasa-pasahan ako ng mga cashier at crew, hanggang may lumabas na crew at bitbit si WORDS THEIR WAY. Nag-uumapaw ang kaligayahang nadama ko nang mga sandaling iyon. Agad akong nagpasalamat sa Diyos. Ang bilis niyang sumagot ng panalangin.

outlet

Bukod sa pakikipag-usap kay Lord, ang pagba-blog na nga yata ang ikalawang outlet ko kapag sagad-sagaran na ang ang mga emosyon sa puso ko. Kakaiba ang ginhawa kapag naging salita ang lungkot, hinanakit, kapaitan, kagalakan at panghihinayang.

Bagama't nakakailang minsan, dahil ang iba naman talaga sa mga contacts ko ay di ako kilala nang lubusan, nilalakasan ko pa rin lang ang loob ko. Hindi ko ibig na makialam sila sa buhay ko. Hindi rin ako masasaktan kung hindi nila pansinin ang isinulkat ko.

Para sa akin, ang pag-ba-blog ay therapeutic, lalo na sa mga tulad kong mahilig sa mga letrang nagiging salita. Ang mga salitang hindi ko mabigkas ay nabibigyan ng porma.

Kaya paumanhin kung madaming madadramang entry sa site ko.

bakit 1.25?

Nabigla ako nang makita ko ang grade ko sa isang subject.
Nahirapan ako nang sobra sa exam, at di ganun kataas ang naging resulta nito.

Pero bakit 1.25 pa rin ang marka ko?

Pakiramdam ko, hindi ito ang nararapat na marka ko. Ang pagkakatanda ko 1.75 ang binigay kong marka sa sarili sa evaluation form.

Pero "wala" akong magagawa. Hindi pa ako nakakarinig ng kaso ng isang estudyanteng nagreklamo dahil mas mataas ang grade na nakuha niya kaysa sa inaasahan.

Sa kabilang banda, nakokonsensya pa rin ako, dahil guro rin ako :(

sana huling semestre ko na ito bilang undergrad

hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sigurado kung huling semestre ko na ito sa unibersidad.
hindi pa ako nagpapa-evaluate kay ate glo.
pero ayon sa aking self-evaluation, 16 units na lang ang kailangan ko.

educ 180
educ 181
cw 140
GE (MST-EEE 10)

sana ay walang aberyang maganap. sana maasikaso ko na ang mga defieciencies ko (INCs) bago matapos ang taong ito. sana payagan akong mag 16 units this sem. Lord, take over :)

*nagpapasalamat naman ako't nakuha ko na ang mga desired subjects ko through crs. hindi ako pinalad na makapag e-prerog kahapon dahil REGULAR student pa rin ang status ko sa form 5a. Nasayang ang 3 oras na paghihintay sa LArch 1. 2 oras sa Bio 1. 2 oras na paglilibot sa Physics pav para sa physics 10, NIGS para sa Geol 1, CS Audi para sa STS.

desperado e.

Ang Una Kong Kuwento

Sa wakas ay natupad na din ang pangarap ko sa sarili na makalikha ng isang kuwentong pambata. Ikatlong pagtatangka ko na 'to at buti naman ay nagtagumpay ako.

Sa unang dalawang "kuwento" ay bigla na lamang akong tumitigil sa kalagitnaan ng pagsasalaysay. Nakokornihan, nabababawan at napapangitan sa mga pinagsusulat ko. Iyong unanng kuwento, hindi ko na maalala kung saan ko nilagay yung draft. Iyong pangalawa, lukut-lukot na at nakikipagsiksikan sa mga readings ko at retaso ng ultrabrites.

Kakaiba ang karanasan ko sa paghabi ng una kong ganap na kuwento. Nakasakay ako sa bus na Santrans, galing ng Bulacan patungo ng Recto. Habang nasa NLEX at pinagmamasdan ang malawak na mga palayan ay bigla kong naisip ang isang 'to. Malinaw na malinaw ang gusto kong takbo ng kuwento. Kaya naman agad akong kumuha ng 1/index card at HBW bolpen. Kahit na lagpas-lagpasan sa mga asul na linya ang mga letra ay pinlit ko pa ring isahod ang mga dumadaloy na ideya sa papel na 'yon.

May naghagis pa ng paputok sa bandang upuan ko nung nasa Caloocan na kami.

Pagdating ko ng Recto, 'di pa rin tapos ang kuwento. Pinahinog ko pa lalo sa isipan ko. Linggo, nilimliman ko pa rin. At nitong umaga lang ay nakipagtulungan ako sa kapatid kong si Apple, 12 taong gulang. Binasa ko sa kanya ang mga naisulat ko at hiningi ang kanyang opinyon. Napilit ko siyang maging taga-sulat ng karugtong ng kuwento.

Bago pa magtanghalian ay buo na ang kuwento pinakaaasam ko. Habang papunta ulit ako ng Recto ay binasa ko ang first draft na parang kinalahig ng siyam na manok ang pagkakasulat.

Natuwa ulit ako.

at natapos din ang 1st sem ko

whew. isang napakahabang biyahe ng semestreng nagdaan.
malubak.matagtag. delikado.

nahulog pa nga si carl wyeth 140 at muntikan pang isama sina epifanio d. romualdez 169 at penelope ingrid 100. buti na lang at matiyaga-tiyaga sila sa pagkapit :)

malapit na akong dumating sa aking destinasyon. Kailangang galingan ang pagsakay at magtiwala lang sa nagmamaneho:)

Where The Sidewalk Ends


by Shel Silverstein

Got this book last Thursday!
For only P65.00, I repeat, sixty five pesos, in Robinsons Nova Booksale Booksale.

Mainggit kayo :)

Si Lolang Lakwatsera

Pasintabi sa mga hindi nakakaalam ng mga lugar na babanggitin ko.

9:30, sumakay ako ng dyip sa SM Fairview, pauwi ako ng Bulacan. (Lagi naman)

No'ng nasa Tungkong Mangga na ako, napansin ko ang isang matandang babae na may hawak-hawak na tungkod na nakaupo sa pinakahulihan ng dyip. Siguro ay 65 taong gulang na siya. Maputi na ang lahat ng mga buhok. Nakadaster (nang bonggang-bongga), with matching bandana pa. At kapit na kapit siya sa bakal na katabi niya.

Medyo kaskasero ang drayber at napakalakas magpatugtog ng mga remixed songs kahit alas-nuwebe na ng gabi at ayaw buksan ang lahat ng ilaw sa loob ng dyip.

Nag-aalala ako kay lola dahil kaharap ko siya. kahit medyo abala ako sa pagbabasa ng mga tula ni Shel Silverstein ay iniisip ko pa rin ang kalagayan ni lola.

Baka bigla siyang mahulog.
Baka makatulog siya at lumapas sa babaan niya.
Baka malabo na mata niya at di niya alam na nasa bahay na siya ng drayber.

Bakit naman kasi gabing-gabi na ay nasa lakwatsahan pa rin si Lola? Tsk tsk tsk.

Sa wakas ay nagsalita siya no'ng malapit na siya sa bababaan niya. Salamat, buhay siya. Nagsasalita, at mukhang malakas pa. Malinaw ang paningin dahil alam niyang malapit na siyang bumaba. Pagkakataon ko na 'to upang tumulong at magpakamaginoo.

Tumayo si lola. Nakakurba ang likod. Inaabot niya ang bakal na hawakan na nasa tabi ko. Nahihirapan siya. Inalalayan ko siya. Hinawakan ko ang kanyang "kulubuting" kamay na pilit inaabot ang bakal na hawakan. Pero, teka, bakit parang naninigas si lola?

Nagpupumiglas. Wala naman akong balak kidnapin siya.

"Huwag mo akong hawakan, 'di ko maabot yung hawakan", pagalit na sambit ni lola habang tangan-tangan ko ang kaliwang kamay niya.

Ay, kaya naman pala. Kaya naman pala niya. Napahiya yata ako kay lola.

Ang Kendi ni Manong

May dalawang kakaibang karanasan ako kahapon sa mga dyip na nasakyan ko. Tinuturing ko silang kakaiba dahil hindi naman sila araw-araw nagaganap sa bihay-pasahero ko.

Una ay tungkol sa kendi. Sumakay akosa Philcoa ng dyip papasok ng UP Campus. Umupo ako sa estribo ('yong hlihang upuan, malapit sa labasan at sakayan). Nagbayad ako ng sampung pisong barya. Medyo, matagal ang sukli. Hindi ako papayag na walang sukli, P1.50 rin yon. "di ko na mapigil sarili ko, kaya tinanong ko na si Manong Driver na medyo maputi na ang buhok.

"Sukli ho ng ten?" Walang sagot.
"Sukli ho ng sampu?"
"Sandali lang ha." Dapat pala sampu, at hindi ten.

Inabot ng mga katabi ko ang sukli. "Bakit sila napapangiti?" Isip-isip ko. Nang makarating sa akin ang sukli ko, isang maruming piso at HALLS na kendi ang tumambad sa akin. Napangisi ako. Naisip ko ulit, "Magkano ba ang HALLS na 'yon? P1.00o P.50? Gawin daw ba akong bata.

"Pasensya na wala na akong barya", dagdag pa ni manong.

*dahil sa pangyayaring yan, naaala ko yung nasa misamis oriental pa ako. Tuwing Pasko at nangangaroling kami ng mga amigo nako, hindi barya o perang papel ang binibigay sa amin, kundi mga prutas gaya ng saging, guyabano, mangga at iba pa. Pati rin maraming-maraming kendi gaya ng Tarzan, Snow Bear at White rabbit.


*so ang aral sa anekdotang ito, magbaon ng maraming-maraming kendi. Para kung sakaling wala ka ng barya ay kendi ang ipambayad :)

Mr. Overtime



Nagulat at napangisi ako noong Sabado nang lapitan ako ni Dr.Dina Ocampo at kumustahin.

"Kumusta na si Mr. Overtime?"

May bagong palayaw na pala ako. "At paano naman nalaman ni Teacher Dina na ako si Mr. Overtime?" isip-isip ko. Ah, baka nabanggit ni T. Hazelle, 169 prof, yung pangyayari nung individual demonstration teaching ko.

Ika-25 ng Setyembre, muntik ko nang maitawid ang naantala kong straight teaching. Walang tulog. Pagod ang katawan at puso. Pati ang aking kaluluwa ay nababagabag. Ngunit pinilit kong humarap sa I-Agila nang nakangiti at animo'y maayos ang lahat. Puno ang pitaka, malalim ang pagtulog, busog ang tiyan, magaan ang puso.

Bagamat hindi ko na-ensayo ang aking banghay-aralin, buong tapang kong itong ibingay kay T.Hazelle, bahala na.

2:40 ng hapon. Halata sa pananalita ko na nangangapa ako. 'Di ko maapuhap ang susunod na pangungusap kaya pasulyap-sulyap ako sa papel na nasa paanan ko.

Lumipas ang ilan pang sandali at babasahin ko na ang kuwento ni "Strega Nona". Ipinakita ko ang pabalat ng aklat sa mga bata. Maya-maya ay may nagkumento.

"I think that's boring."

Kalmado ko syang sinagot. "Okay, you'll find later if this story is boring or not." Hindi ako pwedeng mainis o magalit, 'yon ang opinyon niya e. At bata 'yon. Ngunit sa aking palagay ay hindi "boring" ang istorya ni Strega Nona. Hinanapan ko pa nga ng nota ang ilang mga linya at kinanta sa harapan. Basahin ni'yo na lang nang mapatunayan.

At sa katapusan ng kuwento, nahimok ko sila sa paniniwalang hindi "boring" ang istorya namin noong hapong iyon at ang nalalabi pa naming oras.

Napansin ni T. Hazelle, Doc, at T.Ysa na masaya ang mga bata sa mga inihanda kong gawain. Batid ko ang kagalakan sa kanilang "kumikislap" na mga mata, matatamis na ngiti at halakhakan. Sana ganoon din katindi ang saya na nararamdaman ko. Sana ay kayang lunurin ng kanilang kagalakan ang aking pagdadalamhati.

4:30. Natapos na ang GOLD plan ko. Wala na akong oras. 120 minuto na akong nagsalita, naglakad-upo, nagdikit, naggupit. Hindi ko natapos sa loob ng 2 oras ang 4 prongs. Natira ang TS plan na pinagpuyatan ko.

Kasalanan ko. 'Di ko binantayan ang oras. Salamat na lang at 'di namalayan ng mga bata na uwian na. Pagod na rin naman ako.

Nagdaan ang isang linggo, bumalik ako ng UPIS at tinapos ang sinimulan ko.

"Mr.Overtime" nga ako.

Ano ba ang achivement sa Filipino?

Hindi ko maisip ang eksaktong salitang Tagalog para sa achievement.

Mga Tagumpay? Mga Nakamit? Gantimpala? Hindi ko alam, pero tungkol 'to sa mga ganun.

Kagabi ay hiniling ako ng isang kakilala na magbigay ng talaan ng mga "achievements" ko. Para umano sa pagpapakilala sa akin sa kanilang programa. Magkukuwento ako sa kanilang paaralan kasi.

Wala akong maisip masyado. Isasama ko ba ang mga parangal ko nung elementarya noong hayskul? Ang mga paligsahang napagwagian ko? Sasabihin ko bang naging pinakamasunurin ako noong Grade 4? Na kampeon ako sa word factory noong second year high school?

Korni naman siguro kung pati 'yong mga yon babanggitin ko pa. Dapat 'yung bagu-bago. Mga karangalang nakamit ngayong kolehiyo. Nakapagtala ako ng ilang mga bagay.

1. Pagiging 4th year standing na Reading major sa up diliman.
-bihira lang ang kumukuha ng kursong BEEd CA (english). sa batch namin 3 lang kami, at ako lang ang 4th year standing.
-isang prestihiyosong departamento ang napasukan ko. Pinakamagaling sa lahat ng pinakamagagaling ang mga propesor dito.

2. Pagkakamit ng ikalawang puwesto sa 3rd Alitaptap InterCollege Storytelling Competition (ito lang yung related sa event na dadaluhan ko )

3. Pagiging "commuter". Nakakayanan ko ang polusyon ng Metro manila, trapik ng lansangan at tagtag ng daan sa araw-araw na pagbiyahe ko mula San Jose del Monte City, BUlacan patungong UP Diliman. Magdadalawang taon na akong biyahero.

4. Nakikita ko nang personal ang mga paborito kong manunulat/ilustrador/kwentista sa mundo ng Panitikang Pambata. Nakakapagpapirma at nakakapagpalitrato kasama sila
-(mga manunulat) Tito Dok, Rene Villanueva, Grace Cheong, Augie Rivera, Kristine Canon, Dina Ocampo, Portia padilla, Lina diaz-de rivera at marami pa
-(ilustrador) jomike tejido, leo alvarado, beth parrocha-doctolero, frances alcaraz, ruben de jesus
-(kwentista) zarah gagatiga, michelle alcaraz, ate phoebe, sir nolo, ate cha at marami pang alitaptap

5. Tinuturing ko ring achievement ang pagkakahanap ng magagandang libro sa mga booksale branches sa metro manila. Kakaiba ang galak ko kapag nakakabili ako ng mga prestihiyosong libro sa murang halaga :) Ilan sa magagandang libro na nakita, binili at binenta ('yong ilan) ko na ay ang mga ss:
- Shel Silverstein's Where the Sidewalk ends
-Tuesday
-newbery medal and honor books
-caldecott medal and honor books
-madeleine l'engle books
-robert james waller books


Ngayon, hindi ko lang alam kung mababanggit ang mga 'yon sa pagpapakilala sa akin. Basta, ang mga 'yan aytinuturing kong mga "achievements', ano mang sabihin ng iba.

Ako sa mundo ng Panitikang Pambata

Noong pangalawang araw ng pagkikita sa klase kong CW 140, pinadala kami ng bagay na para sa amin ay interesante.

Agad na pumasok sa isip ko ang aking mga librong pambata. May kakaibang kasiyahang idinudulot sa akin ang mga aklat na iyon. Dinala ko si Pilong Patagu-tago ni Kristine Canon. Kinakabahan ako habang ipinapaliwanag kung bakit ito ang dala ko. Matapos ang pautal-utal na pag-i-Ingles ay pinilit nila akong magkuwento. Ginawa ko naman.

Sa pamamalagi ko sa Kolehiyo ng Edukasyon, partikular na sa Dept. of Reading Education, hindi ko na namalayan na unti-unti na pala akong nangongolekta ng librong pambata.

Nagsimula ang paglalakbay ko sa mundo ng Panitikang Pambata noong makapakinig ako ng mga pagkukuwento ng Alitaptap Storytellers sa programang Wan Dey, Isang Araw na ibino-broadcast sa 702 DZAS.

Wala pa ako sa kolehiyo nang una kong marinig si Dr. Luis Gatmaitan bilang host ng programa. Sinabi ko sa sarili ko noon, na gusto ko ring magpasaya ng mga bata sa paraan ng malikhaing pagkukuwento.

Sa pangalawang taon ko sa kolehiyo, nagpalit ako ng kurso. Mula secondary education patungong elementary education. Naimpluwensyahan ako ng mga Reading majors mula sa UP Educators' Circle at syempre pa sinusugan ito ng umuusbong na pagkahilig ko sa panitikang pambata.

Mas naging makulay ang paglalakbay ko nang kunin ko ang kursong EDR 121-Children's Literature ni Prof. Portia P. Padilla. Dagdag pa ang EDR 110 at EDLR 101 na siya rin ang guro. 4 na oras at 30 minutong siya ang kasama namin (4 kaming PPP majors nung semestrong yon.)

Sa EDR 121 ko nakilala sina John Newbery, R. Caldecott, Tito Doc, Tuko, Pilo, at kung sino-sino pa. Nakapasok ako sa mundong walang kasing tingkad ang kulay. Dito, napaigting pa lalo ang pagnanasa kong maging "advocate" ng panitikang pambata.

Bukod pa sa mataas na marka (na sobrang nagpapasalamat ako) na nakuha ko, isa sa 'di ko malilimutang karanasan sa mundo ng panitikang pambata ay ang pagsali ko sa 3rd Alitaptap Inter-College Storytelling Competition.

Sa patimpalak na iyon ay unti-unting nalupig at nilulupig nina Pilo at ng kanyang mga kaibigan ang takot ko sa pagharap sa maraming tao. Laking pasasalamat ko sa paggabay ng mga taga-Alitaptap at syempre nina Ate Michelle (na siyang nagkampeon), Kuya Miko at syempre ni T. Portia.

Noong nasa workshop kami bago ang kompetisyon, nagtanong si Sir Nolo Silayan, pangulo ng Alitaptap, kung ano bang meron kami na magpapanalo sa amin. Karaniwang sagot ng iba ay--may background ako sa theater, naging parte na ako ng mga productions...yada yada.

Samantalang ako, "advocacy lang po yung sa akin". Naks! Galing sa puso ang sagot ko. Walang pag-iimbot at may buong katapatan. Pero sabi ni Sir Nolo, hindi sapat ang "passion", dahil isa yung kompetisyon. Tama naman siya. Pero, "passion" pa rin ang namamayaning motibasyon ko.

Hindi naman ako binigo ng "passion" ko. Kahit papaano ay naiuwi ko ang ikalawang puwesto.
May iba pang nakakatawa at nakakatuwang kuwento noong araw ng kompetisyon sa World Trade Center. (Abangan na lamang sa susunod kong post.)

Matapos ang patimpalak, nadagdagan ang tiwala ko sa sarili--na kaya ko ring maging magaling na kwentista sa mga bata. Hindi ko na hinihindian ang mga imbitasyon ng pagkukuwento gaya na lamang ng mga seminar sa aming kolehiyo. Naging estratehiya ko na rin ito sa pagsisimula ng ulat sa klase. At isang libangan ko na ang pagbabahagi ng kuwento sa mga pinsan ko na walang sawang pinapaulit-ulit ang kuwento ni Pilo, Tuko, Raquel, Og at ng mga kabarkada nila.

Noong araw na dinala ko si Pilo sa CW 140 class ko, naging madamdamin ang pagpapaliwanag ko kung bakit mahalaga sa akin ang mga kinokolekta kong libro. May mas malalim pa na pinag-uugatan ang pagkahilig ko sa kanila.

Ultimate EDR subject

Matagal ko ring hinintay ang kursong ito. Sophomore pa lang yata ako, gusto ko nang mag-169. Nahalina ako sa pagmamasid sa mga kaibigang naggugupit-gupit, nagkukulay-kulay, nagdidikit-dikit. Wow! Parang, ang saya nito.

Tungkol saan ba ang Edr 169? Teaching Beginning Reading. Cool! Gusto ko yan!

Akala ko ganu'n lang. Hanggang marinig ko ang kanilang mga kwentuhan at huntahan.

"Haggard, wala pa akong tulog. Namamaga na kamay ko kakagupit ng mga stencils."

"Pangatlong revision na 'to. Ilan pa kaya? (tinutukoy ang lesson plan)

"Ubos na allowance ko for next week, pautang pambili Ultrabrites."

"Naku, 'di pa rin nagpaparamdam partner ko, demo na namin bukas."

Ilang lamang yan sa mga classic 169 lines. Parang challenging. Gusto ko pa rin mag-169.

Matapos ang 2 taon, 169 na ako. Sa simula, payapa ang paglalayag. Dumating ang mga alon. Midterm exams. Report sa ibang subjects. Papers sa CW 140. Ubo. Sipon. Sore throat. Zero balance.

Ayun, gumegewang-gewang na ang barko. Dagdagan mo pa ng "kaunting" problema sa mga kagrupo (trio na kami ngayon) at sa sarili.

O, di ba sabi mo gustung-gusto mo nang mag-169? Ano ka ngayon?

Haay...malalagpasan ko rin 'to. Sabi nga ni Rona, ganyan talaga pag nasa 169 ride ka. Hindi mo alam kung paano mo maitatawid. Pero, anu't ano pa man, magagawa mo. Mahirap maipaliwanag kung paano, pero, oo, kaya mo.

Siya nawa. Unang demo sa I-Agila mamaya. Gold ang bahaging ituturo ko.

Wala pang dalawang oras ang tulog ko. Kahapon ko lang natanggap ang final plan ko. Kagabi, habang nasa aircon bus, pauwi ng Bulacan...naggugupit-gupit ako ng materials. Mga makukulay na isda at ibang hayop sa dagat. 36 na life-size sea animals ang natapos ko. Nilagay ko ang mga bondpaper sa bintana, isiniksik ko lang. Mukha lang naman akong "tanga" kasi di nila nauunawaan ang pinaggagawa ko. Nagtitinginan pati yung mga pasahero ng ibang bus at dyip. Dedma lang. Kailangan kong imaximize ang oras ko.

Basta.Gagalingan ko pa. Matagal ko rin 'tong hinintay.