Hiyang-hiya naman ako sa blog na ito na halos siyam na buwan nang nakatengga.
Hustisya!
Lumipas ang mga araw, linggo at buwan na hitik naman ng mga kasulat-sulat na mga pangyayari ngunit hindi man lang ako nag-atubiling itala sa espasyong ito.
Nakalimutan kong isulat ang mga bago sa buhay ko.
Na naglakas-loob akong iwanan ang pagtuturo sa isang pribadong paaralan kung saan sumusobra pa sa sapat ang aking natatanggap buwan-buwan, kung saan de-aircon ang mga classroom, kung saan mababait naman talaga ang mga mag-aaral, kung saan nahubog ang aking 'maayos-ayos' na pagtuturo.
|
Ang mga huli kong nakasama sa Intermediate Level na pinaglagian ko ng limang taon. |
Na napadpad ako sa Dagupan nang halos dalawang buwan (Abril-Mayo) para pag-aralan kung paano maging guro sa pampublikong paaralan. Sa Dagupan ko nakilala ang mga kapwa Pilipinong naniniwala na ang classroom ay ang pandayan ng mga pangarap. Na sa pamamagitan ng pagtuturo ay natutulungan mo ang bansang ito. Sa Dagupan ko naranasang mamuhay sa tabing-dagat.
|
Mga co-teachers sa aming Dagupan Practicum |
|
Mga co-fellows na napadpad sa Hundred Islands |
Na natupad ang hiling at pangako ko sa isang sanaysay ko sa Educ 100 (Intro to Phil. Educational System) na makapagturo sa pampublikong paaralan. Limang taon ko ring ipinagpaliban ang hamon na ito. At matapos ang taun-taong pagka-unsyami ng planong mag-resign, nagkatotoo na nga. Salamat sa
Teach for the Philippines sa pagkakataong maging bahagi ng pagkilos para sa ikabubuti ng bansang ito.
|
Nakaw na sandali sa Gregorio Del Pilar ES |
Na ngayon ay sa BiƱan, Laguna ako namamalagi kasama ang limang teacher-fellows mula sa TFP. Na pinasok ng magnanakaw ang bahay namin at tinangay ang apat na gulang kong bag. Na isang traysikel na lang ang layo ng bahay sa paaralang aking pinagtuturuan. Na may kapit-bahay kaming matandang babae na feeling ko ay may crush sa akin (asyumero lang dahil sa kanyang mga nakakapanindig-balahibong titig). Na ang may-ari ng bakeshop na malapit sa amin ay Julie at laging may small talk tuwing bumibili kami sa kaniya.
|
Ang mga makakasama ko sa two-year fellowship |
Na nasanay na ako sa pabagu-bagong teaching loads at nakakapanibagong kultura ng public school. Laking pasalamat ko sa naging pundasyon ko sa mga dati kong paaralan.
|
Kuha mula sa aming Reading Program class--kuwentong Carancal |
Na nagkatotoo na ang mga hinabing pangarap ko noong ako ay nasa high school na makapag-coach para sa school press conference. May bonus pang pagti-train ng speech choir. Pareho namang nanalo ang mga tinuruan ko, sa awa ng Diyos. Na kahit hindi ko pinangarap ay nakapagbahagi na ako nang dalawang beses sa isang training para sa mga kapwa ko guro sa aming paaralan (kahit na nangangatog ang mga joints ko sa kaba).
|
Ang naging habihan ng aming pangarap saloob ng apat na buwan |
Na bukod sa mga kaibigang guro, may mga nakilala akong mga kaibigan mula sa Christ-Commissioned Fellowship sa Sta. Rosa at tuwing Martes ay nakakakuwentuhan ko sila. Na nagamit ko na ulit ang naipon kong mga Ingles nang magturo ako sa Sunday School ng CCF.
|
Ang mga ka-D-Group ko tuwing Martes |
Na sa dinami-rami ng mga pagbabagong ito, hindi ko namamalayan na unti-unti na palang ipinakikita ng Diyos ang kanyang engrandeng plano sa buhay ko.
Tiwala lang daw.