Monday, January 2, 2017

Para Kanino Ka Nagsusulat

Binalikan ko ang ilang entries ko no'ng nagsisimula pa lang ako sa pag-ba-blog. Laugh trip.

Sinulat ko talaga ang mga 'yon? Lahat ng kadramahan at kakornihan ay nakakangilo sa pakiramdam. Nakakahiya, pero nakakapagpalakas ng loob ding mabasa kung paano ka mag-isip sa panahon ng iyong kabataan. May pagbabago sa mga prinsipyo at perspektibo--ibig sabihin, may pinagkakatandaan.

Nakakaloko ang mga pa-deep na tayutay. Natatawa pa rin ako sa aral na aral kong English grammar.

Pero, nagpapasalamat ako na nagsipag ako dati sa pagsusulat--may nagbabasa man o wala. Nagsusulat pala tayo minsan para sa ating mga sarili--para mas maintindihan natin ang ating mga sarili, hindi man sa kasalukuyan kundi sa hinaharap.



Kaya, Bes, padayon lang.