Thursday, August 19, 2010

Tatlong Diyona

Dahil sa isang patimpalak sa Facebook--tulaan sa FB, nalaman kong (kahit papaano ay) kaya ko ding magpaka-makata. Narito ang tatlong diyona na nakatha ko sa "ningning ng karimlan". (Hindi ba Meralco?)





#1 Sipilyo



Wala kang pinag-iba,

'Sang bulaang propeta,

Pangako'y panay bula.

 

#2 Anino



Sino ang mas mapalad?

Ang tunay o ang huwad?

Ang lihim o ang lantad?

 

#3 Gabi



Gasera'y 'yong sindihan,

Iguhit mo ang buwan,

Sa ningning ng karimlan.

 

 



Saturday, August 14, 2010

Soup # 1

walang duda

ito'ng araw na 'yon

na

wala kang paki

alam sa ruta ng

d

y

i

p

na sinasakyan

na nakikilipad ka

sa mga

i

b

o

n

g

lagalag

na

wala kang maisip

na panghihinayang



hangga't may papel at

s e n s i l y o

sa 'yong kalupi

patuloy kang magpa

pailanlang

kung saan ka man dalhin

ng kutserong inaararo ang daan



maiiisip mo

ito ang araw na 'yon

walang duda



walang takot

na makikipag

sapalaran

walang takot

na ngingitian ang bawat maka

salubong



bukas-tengang makikinig

sa ku

wen

tu

han

ng mga ka ta bi



makikihikbi

makikingiwi



wari'y walang

hanggan

ang lakbayin

wari'y masaya ka

kahit 'di mo alam

ang iyong

r

u

t

a



sa bawat ungol

ng makina

tuwing

titili ang busina

kada may

papara

muli mong maa

alala



ito'ng araw na 'yon

walang duda

Vagrant

Vagrant

Slippers, purse, coffee

Driven, happy(ly), aimless

Mumbling, stumbling, crumbling

Where are you now?

Will I ever find you?