Saturday, June 23, 2012

Si Mt. Makiling at ang Limpak-limpak na mga Limatik*

*Hindi ito pamagat ng isang aklat-pambata. At mas lalong hindi ito pambata.

I. Araw ng Kalayaan. 
(photo courtesy of Karina Cenidoza)

Habang ang karamihan ng mga guro ay naghahanda para sa unang araw ng pasukan kinabukasan, ako naman ay naghahanap ng inspirasyon sa kabundukan at nakipaghabulan sa mga limatik--isang uri ng linta--sa Makiling.

II. FC

Ang FC ay para sa

a. Freedom Climb--ang tawag sa mga pag-akyat ng bundok mula June 9-12. Iba't ibang bundok sa Pilipinas ang nabibisita ng mga lakwatserong Pilipinong bitbit pa ang watawat ng Pilipinas para plus points sa props.

b. Feeling Close--na mga limatik. Friendly crawling creatures.

III. Limatik

Mas masarap ang pagliliwaliw sa bundok kung may kaunting aksyon. Ano ba naman ang mabawasan ng ilang cubic centimeter (cc) ng dugo sa pinakanatural na paraan?


IV. Kaibigan

Sa paulit-ulit na pagkapit/ pag-angkas/ pang-aakit ng mga limatik, kaibigan na ang turing ko sa kanila. Sa simula, mandidiri ka pala talaga. Pipitikin mo talaga sila at babasbasan ng sandamakmak na alkohol, pero sa bandang huli, matatanggap mo na rin na ikaw ang turista sa mundo nila. Kaya naman, huwag nang OA sa reaksyon.Ang pinakamatalik kong kaibigang limatik ay 'yong isang muntik na akong halikan.

(photo courtesy of http://www.ivanlakwatsero.com/)

Bukod sa mga limatik, may mga (luma at) bagong mga kaibigan ang nakasama sa traverse na ito mula Sto. Tomas, Batangas hanggang UP Los BaƱos.

V. Pambihira

Bukod sa mga limatik, maraming mga pambihirang bagay at karanasan ang iniwan sa akin ng Makiling.


Ang hamog na walang sawang nagbigay ng turbo-cool level na lamig


Ang payapang tanawin na ito ng Batangas
Ang totoong pitcher plant
Ang mala-bayabas na bulaklak


Ang marikit na bulaklak sa tuktok ng bundok
Ang mura-na-masarap-pa na kainan--Sulyaw






VI. Sulit

Kinabukasan, saka ko lang naramdaman ang mga lumalagutok na mga kasu-kasuan at pangangalay ng mga kalamnan. Pero, natabunan ang mga ito ng kasabikan ko na magkuwento tungkol sa Makiling (habang nag-iinat-inat).
Peak 3 Tree Shot
VII. Paanyaya

Kaya naman, pangarapin mo na rin ang MakTrav (Makiling Traverse). Siksik at kumpleto sa adventure pero hindi nakakabutas ng bulsa. P'wede mo pang i-trail run ang daan papuntang UPLB. Nararamdaman ko na babalik-balikan ko 'tong bundok na 'to. Masuwerte ang mga taga-UPLB dahil kapit-bahay lang nila si Makiling.

Para sa budgetary at itinerary, maaasahan mo ang mga kuwento nina

a. Pinoymountaineer at
b. Batang Lakwatsero

Ano pang hinihintay mo? Akyat na!

Saturday, June 2, 2012

A Birthday Post

Being sober on my birthday has been an annual observance. I have always been dead serious on this special day. This is the day where my introversion surges up. I choose to be alone doing nothing but look back on the past year, reflect, meditate and laze around. Today, I am given premium me-time.
Right, tiger?


Prior to this day, I planned of doing things(e.g. giving books to one public school class, joining a clean-up drive in the mountains, volunteering for ATD) in the tradition of Mother Teresa, Efren Penaflorida and Anna Oposa. But that plan is put on hold for the mean time. Not today. Maybe tomorrow or next week.

Because I can't be/ am not my usual outgoing self today, I made sure that I had my fill of things I am passionate about the previous day. Segurista lang!

June 2. 2nd Balagbag day hike.
(L)Rock climbing by the lovely Kaytitinga Falls in Montalban, Rizal.
(R) Pitching in at Balagbag Elementary School's annual Brigada Eskwela.


Today, God reminded me that there is indeed a time for everything. A time for solo and group climbs. A time to be thrilled to bits, a time to be sober. A time for others and a time for my self.


Falls and Peaks. Perfect!


Thank you family, FB, high school, college, friends for the greetings. Thank you Mama and Papa for the classic 'everything'. Thank you Lord for this life.


P.S.

Btw, I am now 24. Seriously.