Saturday, January 30, 2010

Second-hand Books

Ninety-percent of my books are second-hand ones.



Hindi ko inakalang magiging kolektor ako ng mga aklat, higit pa lalo ay mga pambata.



Galing ako sa pamilyang hindi bumibili ng libro. No'ng grade 1 ako, may lalaking nag-aalok ng mga libro ng mga alamat sa klase namin. Lahat kami ay namangha sa makukulay na pabalat. Binigyan pa kami ng order slip na kailangang ibigay kinabukasan. Kaunti lang yata sa amin ang bumili. Karamihan ay nakibasa na lang sa katabing may kopya ng Si Langgam at Tipaklong at Ibong Adarna at iba. Isa ako sa kanila. Wala kasi kaming ekstrang pera para sa libro. Pagkain, renta, pamasahe, baon ang umuubos sa kita ni Tatay.



Noon kasi, mahal ang libro. Noon kasi, hindi pa sikat ang mga tindahan ng second-hand books.

Ngunit nang madiskubre ko ang Booksale Booksale, nag-iba ang pananaw ko sa pagbili ng libro. Hindi pala kailangang maging mapera para mahalin nang lubusan ang pagbabasa. Kaunting barya at mala-higanteng pag-ibig sa pagbasa ang kailangan upang maging bibliophile.



Madami-dami na din akong naipong libro sa bahay at sa silid-aralan. Sa mahigit dalawandaang libro ko, Php 250.00 yata ang pinakamahal at Php 5.00 naman ang pinakasulit.



Hindi ako nahihiyang sabihin na second-hand ang mga libro ko. Pinagyayabang ko pa nga sila lalo na kung bestseller o award-winning ang nabili ko. Idagdag mo pa ang presyo.



Sa mga susunod na araw ay ilalabas ko ang mga larawan (lang at hindi na ang presyo) nila.

No comments:

Post a Comment