Err.
Enter kadramahan. Mabeberdeng acacia ng Acad Oval. Pasok hangin. Ihulog ang mga dahon ng acacia. I-stretch ang kamay at saluin ang mga nahuhulog na berde at dilaw na dahon. Loser. Wala ka na namang nasalo.
Talo ka sa isang scrabble game kanina sa lexulous. Di ka man lang umabot sa top 5 sa blitz. Tinamad kang magreview para sa exam mo this Sunday. Gusto mong mag-top pero, feeling mo hindi mangyayari. (Nah, where's your faith?) Kasi naman, di ka nakakapagreview nang maayos. lagi kang nadidistract ng mga unwanted thoughts. Lagi kang nag-o-online. As if naman, may sarili kayong connection sa bahay. As if may sarili kayong PC. As if marami kang perang pang-rent.
Haha. Ang ambitious lang talaga.
So magtuturo ka pa rin next year sa dati mong tinuturuan. Nakakatawa lang kasi binawi mo yung resignation letter na binigay mo. Kasi naman, di masyado pinag-iisipan ang mga desisyon.
Rash. Pero in all fairness, excited ka pa ring magturo. You realized na boring ang buhay kung walang pressure from work. Kung walang ginagawa. Feeling mo isa kang professional bum.
Ang dali mong magbago ng mga plano. Ngayon, gusto mong magturo sa public school. Maya-maya, gusto mong magtrabaho sa US (kahit hindi teacher). Pera. Pera-pera na nga lang ba ang buhay?
Enter Stacie Orrico: There's gonna be more to life...
Haaayy.. ang dami mo pang bigas na kakainin. Feeling mo mature ka na mag-isip. Pero based on what's happening in your life, you're like a teenager who gambles on anything that catches his interest.
Errr. There's more work to be done. There's much weight to lose. Kaya h'wag bumitiw sa mga pangarap sa buhay. Do not let the world dictate your actions. At isiping maiigi ang consequences ng bawat action na gagawin.
At huwag ring bitter. Treat everyone as if they are better than you (which is true, in one aspect or another).
At huwag ding magpaapekto sa mga labels sa'yo ng mga tao sa paligid. Only you and you're God know what's in the core of your heart.
So cheer up, young lad. Huwag syaangin ang oras sa mga bagay na walang kapararakan. At huwag rin namang hayaan na hindi ma-enjoy ang mga biyaya ng Diyos :)
Every once in a while, i-checkpoint ang puso.
No comments:
Post a Comment