January 29, 2010 nang magfile ako, kasama sina Kim at RV sa PRC-Ever sa may Recto. Doon na nagsimulang bumilis ang tibok ng aking puso tuwing mababanggit ang LET. Sino bang hindi kakabahan, e major TEST ng buhay 'yon e. Mala-UPCAT nang konti ang feeling. Ang pinagkaiba lang, kung sakaling di ako pumasa ng UPCAT, pwede pa akong kumuha ng PUPCET o test sa PNU (na pareho ko namang hindi kinuha), e sa LET, kapag di ko naipasa, no choice kundi umu-LET.
Bago ako magpatuloy, magti-thank you muna ako sa lahat ng taong nagpakita/ramdam ng suporta at nagsama sa akin sa kanilang mga personal prayer time. Salamat sa lahat ng college friends, co-teachers, blockmates, orgmates, high school buddies at siyempre sa aking pamilya. Thank you housemates dahil isang linggo akong nagbuhay-don dahil may excuse ako para bawasan ang pagtulong sa mga house chores at matulog, este, magreview hanggat gusto ko. Salamat sa pampi-pressure :)
Salamat kay RV na nagpahiram ng hiniram niyang LET reviewer at nagturo sa akin ng probability, permutation at ilang EDRE concepts. Sa iyo din Shawie, na nagpahiram ng PNU reviewers na mukhang espesyal daw dahil PNU almuna ka :)
Anyway, back to the LET thing.
Hindi ko na-receive ang letter ko from PRC na mag-iinform sana kung saang lupalok ako magti-test. Buti na lang meron sa Internet. Thanks PRC! Salamat sa pag-a-assign sa akin sa San Andres, Malate, Manila. Hindi naman pala siya gano'n kalayo mula sa San Jose del Monte, Bulacan. Kinailangan ko lang umalis sa bahay ng 3:30 para nasa Aurora Quezon Elementary School na ako by 6:30 a.m. Mama ko ang nag-insist na umalis ako nang ganon kaaga. So quarter to five pa lang, nasa Quiapo na ako. Nag-pancakes na lang ako sa Jollibee Recto habang naghihintay na magbukas ang MRT. Nakakatuwa dahil ang daming nakaputi na may dalang plastic envelope.
Bago magsimula ang exam, e di nag-fill out kami ng forms, something na matagal ko nang hindi nagagawa. Akala ko hindi ako magkakamali. Patapos na e...dun pa ako nagkamali ng punit ng answer sheet. Dapat pala isa-isa lang. E, ako, tatlong answer sheets agad ang tinanggal. So, alam na, kapag hindi lumabas name ko sa list of passers, na-invalidate ang test ko. (H'wag naman sana.) Pero feeling ko, di naman yun major mistake, kasi yung code sa tatlong answer sheets ay iisa lang for one examinee.
LET BLOOPER: Sabi ng proctor, mag-pray daw muna kami. She asked a nun-examinee to read a prayer printed in a short bondpaper na 12 Arial Black yata ang font. It was supposed to be a solemn communication with God, pero nung basahin na ni Sister X ang part na "Lord, help those who will take the Nursing Licensure Examination", nawala ang concentration ko, pati na rin siguro yung iba. Humirit pa si Sister X ng "Make them nurses who heal blah blah". Wala na. After we said Amen, nag-comment yung proctor. "Ay, pang-nurse pala yon."
There are three sets of test for those BEEd majors--general education, professional education and content courses. 150 questions per subject. Ang haba ng time na binigay. From 8:30-1:30 general educatio at professional education. 2:30-6:30 content courses naman. Hindi ko na-consume ang lahat ng oras (which is favorable sa mga proctors). 11:45 at 4:00 ako natapos.
Pinakamahirap yung content courses. Professional at general education, so-so. Sumakit nang sobra ang ulo ko matapos ang 6 consecutive typographical errors sa Filipino at math part ng content courses. Walang salungguhit, kulang ng choices, walang operations, pare-parehong options.
Ini-expect ko na pang-gradeschool ang content ng CONTENT COURSES, dahil nga BEEd major ako/ actually Reading major), tapos bigla na lang may 3rd year at 4th year Math. At dahil waterloo ko ang science, nahirapan din ako. May mga common sense questions naman. Kailangan lang gamitin ang analytical skills. Effective din ang elimination method lalo na kapag di ko alam ang sagot.
Sa prof ed, may mga subjects na wala man lang ni isang tanong na lumabas, like LAWS/mga batas. Nag-rush pa naman ako sa pagmememorize.
May part pala sa LET na nangako kami na hindi magle-leak ng mga questions. So, hindi ko pa naman siguro naba-violate yon. Anyway, isang buwan pa ng anxiety o kawalan ng peace of mind (?) dahil sa susunod na buwan pa ang result. I-ta-try ko na lang na huwag munang isipin ang LET at magpapakalunod sa trabaho this summer. Basta, sabi ko kay Lord, magiging masaya ako, anu't ano pa man ang regalo niya sa akin :)
P.S. Salamat pala kay Kim na taga-UP din at 169 batch mate ko. Dahil sa kanya, may nakausap ako during the lunch break.
Sana 100% passing rate ng Diliman :)
Hello there! I have two current giveaways on my blog. I was hoping you would want to join.
ReplyDeletePlease feel free to visit them:
Follow Me Philippines Giveaways!
Summer Swimsuit Giveaway
Thank you very much! Hope to see you soon.
Good Luck sa LET. :)
ReplyDeleteBEEd din ako!
...for sure papasa ka, UP ka pala e. :)
@jessa, thanks :) By faith, I'll pass.
ReplyDeleteGod bless you Teacher Jessa.