Aminin mo man at hindi, kabado ka. Paano kung iluwa ng makina ang balota mo? Paano kung hindi gumana ang powers mo na baguhin ang takbo ng kasaysayan sa pamamagitan ng isang piraso ng papel ?Paano kung may ibang umangkin ng pangalan mo ? Paano kung hindi mo mahanap ang precinct mo (na dati akala mo ay precint, as in presinto) ?
Kahit na nakinig ka nang mabuti sa voter's education sa telebisyon at radyo. (Nakabisado mo na nga yata ang kanta ng Sexbomb mula intro hanggang extro with matching giling), dinadaga pa rin ang dibdib mo. Pero sa loob mo, inaalo mo ang sarili mo at pinapayuhang maging kalmado. First time mo e, normal lang ang ganyang pakiramdam.
Kaya gumising ka nang maaga, thirty minutes bago sumapit ang alas-siyete. Naglakad ka dahil naniniwala ka sa kapangyarihan ng ehersisyo. Nagsuot ng pulang polo (bilang suporta sa ihahalal mong pangulo). Nagbaon ng panyo at payong (na sobrang nakatulong habang pumipila.
Habang papalapit ka sa pamantasang pinagdarausan ng eleksyon, bumulong ka ng isang taimtim na panalangin para sa bansa ( na minsan mo lang ginagawa). Nakasalubong mo rin sa daan ang iba't ibang mukha ng mga kandidato, at sinabihan mo silang, "Sana 'wag kang magtatangkang mandaya". Sana rin ay narinig ka nila kahit pa mga plastik at papel lang sila.
Nabuwisit ka sa mga taong namimigay ng sample ballot. Bawal na ýon 'di ba? Pero di ka man lang naglakas-loob na sawayin sila. Sabi mo lang, "Mayroon na ako niyan" kahit ang totoo kodigo lang ang gawa mo. Pero may punto ko, dagdag basura lang kasi ýong ipanamimigay nila. At saka di ka naman bumoboto nang straight, at informed vote ang ika-cast mo.
No'ng papasok ka na sa silid na hinanap mo ng kulang-kulang ten minutes, namukhaan mo ang isang guro sa paaralang pinasukan mo no'ng high school, kabilang siya sa BEI. Tinawag ka pa niya. Jefferson. Kahit 'di naman talaga ýon ang pangalan mo. Bigla kang nag-daydream. "I wish, I wish with all my heart, sana may special treatment ako kagaya ni ___________". Ambisyoso!
After almost 5 minutes, natapos ka rin sa pagshi-shade. Naglub-dub-lub-dub ang puso mo nang makita na tumagos ang marker sa likod ng balota mo. Pero di ka nagpahalata na kinabahan ka. Tumayo ka na at nakalimutang dalhin ang pseudo-ballot secrecy folder papunta sa PCOS machine. Sinubuan ang makinang hayok sa boto at crinoss mo ang mga daliri mo.
Matapos ang mga limang segundo siguro, kinausap ka ng piping makina.
"Congratulations! Your vote has been registered."
Dinumihan mo ang kanang hinlalaki at ipinunas sa malinis na papel at nagpa-kyutiks ka sa isang nail specialist na isang impressionist. Kinapos ka sa budget so isang daliri lang ang
Paglabas mo, marami na'ng customer ang naghihintay na magpakyutiks din.
Haaay...ang sarap bumoto.
No comments:
Post a Comment