Showing posts with label personal experience. Show all posts
Showing posts with label personal experience. Show all posts

Tuesday, April 19, 2011

The Joy of Power-reading


I've never read or heard of the term power-reading before. I have googled it to no avail. So I guess it's safe to say that I'm the one who coined this word. Linguistic intelligence, com'on.
Di ko naman talaga alam ang legalities ng pag-ko-coin ng word.

Power-reading. I got the idea from it's relative power-tripping which means a self-aggrandizing action undertaken simply for the pleasure of exercising control over other people.

What I mean by power-reading (hyphenated ah), is simply the act of reading way beyond

a. the no. of pages that you read in a day, say double or triple or n times the no. of pages that you usually peruse.

b. the usual no. of words you read per minute. When I'm not power-reading, I utter every word as if the character has possessed me. The emotions. The accent. The oozing passion. But when I power-read, I read with my eyes, sometimes mumbling the words as if I'm cursing someone under my breath. Pero dapat f na f (feel na feel) pa rin ang bawat eksena sa kwento.

You are power-reading if you have experienced any of the following:

a. you skip meal/s once, twice because you're so engrossed with the book/character/plot/idea of reading

b. you deprive yourself of sleep (who cares if the story is worth the nausea the next day, yung tipong 2-3 hours lang ang tulog mo :)

c.related to point B: you sleep with the author beside you. I mean the author of the book you are reading. and you brag about it in your fb status. and you even call it one-night stand with __________. regardless of the gender of the author. Wag nang magdeny.

d. you crave for more of the story/author's other stories once the last chapter is over.


When do people power-read?

a. When they have very limited time for pleasure reading. Restricted by the amount of time spent in the office. Kahit nasa bus/jeep/fx ay nagbabasa. Dim light or broad day light.

b. when they need to return the book to their friend. when the overdue penalty is beyond a hundred bucks.

c when they really, really,really,really,really,really,really,really,really,really,really like the story. At egzoited na for the climax or the resolution.

Who should power-read?

You.

So get up, pick a book, read and live.

Happy power-reading!

P.S. This post is inspired by The Hunger Games trilogy and Bette Bao Lord's In the Year of the Boar and Jackie Robinson. Both are present power-reading subjects.


Monday, May 10, 2010

Pasok sa Banga!

Dumating na ang araw na pinakahihintay mo. Magagamit mo na ang kapangyarihang ibinibigay ng isang demokratikong pamahalaan. Matapos ang ilang buwan ng kalituhan at pag-aagam-agam, magkakasukatan na.



Aminin mo man at hindi, kabado ka. Paano kung iluwa ng makina ang balota mo? Paano kung hindi gumana ang powers mo na baguhin ang takbo ng kasaysayan sa pamamagitan ng isang piraso ng papel ?Paano kung may ibang umangkin ng pangalan mo ? Paano kung hindi mo mahanap ang precinct mo (na dati akala mo ay precint, as in presinto) ?



Kahit na nakinig ka nang mabuti sa voter's education sa telebisyon at radyo. (Nakabisado mo na nga yata ang kanta ng Sexbomb mula intro hanggang extro with matching giling), dinadaga pa rin ang dibdib mo. Pero sa loob mo, inaalo mo ang sarili mo at pinapayuhang maging kalmado. First time mo e, normal lang ang ganyang pakiramdam.



Kaya gumising ka nang maaga, thirty minutes bago sumapit ang alas-siyete. Naglakad ka dahil naniniwala ka sa kapangyarihan ng ehersisyo. Nagsuot ng pulang polo (bilang suporta sa ihahalal mong pangulo). Nagbaon ng panyo at payong (na sobrang nakatulong habang pumipila.



Habang papalapit ka sa pamantasang pinagdarausan ng eleksyon, bumulong ka ng isang taimtim na panalangin para sa bansa ( na minsan mo lang ginagawa). Nakasalubong mo rin sa daan ang iba't ibang mukha ng mga kandidato, at sinabihan mo silang, "Sana 'wag kang  magtatangkang mandaya". Sana rin ay narinig ka nila kahit pa mga plastik at papel lang sila.



Nabuwisit ka sa mga taong namimigay ng sample ballot. Bawal na ýon 'di ba? Pero di ka man lang naglakas-loob na sawayin sila. Sabi mo lang, "Mayroon na ako niyan" kahit ang totoo kodigo lang ang gawa mo. Pero may punto ko, dagdag basura lang kasi ýong ipanamimigay nila. At saka di ka naman bumoboto nang straight, at informed vote ang ika-cast mo.



No'ng papasok ka na sa silid na hinanap mo ng kulang-kulang ten minutes, namukhaan mo ang isang guro sa paaralang pinasukan mo no'ng high school, kabilang siya sa BEI. Tinawag ka pa niya. Jefferson. Kahit 'di naman talaga ýon ang pangalan mo. Bigla kang nag-daydream. "I wish, I wish with all my heart, sana may special treatment ako kagaya ni ___________". Ambisyoso!



After almost 5 minutes, natapos ka rin sa pagshi-shade. Naglub-dub-lub-dub ang puso mo nang makita na tumagos ang marker sa likod ng balota mo. Pero di ka nagpahalata na kinabahan ka. Tumayo ka na at nakalimutang dalhin ang pseudo-ballot secrecy folder papunta sa PCOS machine. Sinubuan ang makinang hayok sa boto at crinoss mo ang mga daliri mo.



Matapos ang mga limang segundo siguro, kinausap ka ng piping makina.



"Congratulations! Your vote has been registered."



Dinumihan mo ang kanang hinlalaki at ipinunas sa malinis na papel at nagpa-kyutiks ka sa isang nail specialist na isang impressionist. Kinapos ka sa budget so isang daliri lang ang nadumihan nakulayan.



Paglabas mo, marami na'ng customer ang naghihintay na magpakyutiks din. Tiningnan Tinitigan mo sila, at sabi ng isip mo, "Next time, gumising kayo nang maaga. Pero ok lang ýon, hanggang alas-siyete pa naman pila."



Haaay...ang sarap bumoto.