Thursday, November 4, 2010

Day 7

Day 7 na ng panandaliang bakasyon na tinatawag na sembreak.



Langit itong maituturing para sa mga estudyante. Paraiso naman para sa mga gurong katulad ko.



Bago magsimula ang sembreak, iginuhit ko sa hangin ang plano para sa susunod na 11 araw ng kalayaan. Anim na araw para sa pagrerelax at lima naman para sa mga trabahong dapat tapusin.



At matapos ang pitong araw, panay pagrerelax lang ang ginawa ko. Haha. Ang sarap kaya.



Ang sarap magpakabata sa paglalaro ng Plants Vs. Zombies, Chuzzle, Peggle, Bejeweled ( haha).



Nakatapos din ako ng isang nobela--ang The Twenty-one Balloons ni William Pene du Bois. At kasalukuyang binabasa ang e-book form ng The Graveyard Book ni Neil Gaiman.



At naisip ko, isa nga talaga akong procastinator. Aware ako sa bagay na yan. May mga bagay na dapat gawin, pero, pinagpapaliban. Pero, gagawa at gagawa ako ng paraan para matapos ko ang dapat tapusin bago pa matapos ang sem break.

No comments:

Post a Comment