Yey! 2011 is here.
Out muna sa mga work-related posts (as if meron) at in sa mga kung anu-anong topics. Feeling ko kasi last 2010,masyado akong trying hard na magpost tungkol sa mga bagay na feeling ko ay magugustuhan ng 2 o 3 kong followers. Ngayon, post lang nang post. Huwag hayaang may idea na hindi naii-share sa iba.
Like kanina,habang nanonood ng Kapuso Mo Jessica Soho, bumalik sa aking alaala ang pangarap na maging part ng isang documentary/magazine show. Tutal mahilig din naman ako sa mga istorya,magbasa,magnet,magtanong, why not maging writer o researcher sa isang show tulad no’n.
Mukhang malabo lang mangyari kasi di naman ako mass com graduate. Pero anyway,pwede pa rin naman akong maging part ng show by sending stories or possible topics to them,ayon sa show mismo.
Hmmm,anong topic kaya ang di pa nila nai-feature? Na magugustuhan ng marami at the same time,makakarelate sila. Ladies and gentlemen,presenting Jerson’s random thoughts:
One
I-feature kaya nila ang mga Filipinos or half-Filipinos na mahilig at magaling gumawa ng cover ng mga kanta ng mga kilalang singers? One good subject is Gabe Bondoc na nakakaraming hits na sa youtube dahil sa napaka-swabe nitong boses,samahan pa ng superb na pagplay ng kanyang acoustic guitar. Sikat ang kanyang version ng Love Story (the guy’s perspective) at kanta ng mgasikat na gaya ni Colbie Caillat, Adele, Justin Bieber, Katy Perry, etc.. May mga duets pa siya with other artists like former AI finalist Ramiele Malubay.
Pasok din sa topic na yan sina JR Aquino at AJ Rafael na kaibigan din ng another AI finalist na si Andrew Garcia. Mga US-based ang mga kababayan nating ‘to. Pwede rin siguro si Darren Criss (siya si Blaine sa Glee) na may mga covers ng Katy Perry songs. For sure, sisikat ‘tong mga to. Sana, hindi lang sa youtube.
Two
Gawa rin sila ng episode about Dyslexia. Feeling ko kasi,maraming tao na hindi pa naiinform or misinform about this learning disability. Very common kasi ang dyslexia sa grade school (well, sa experience ko). At pwede nilang i-feature ang mga teachers or schools like Wordlab School na nag-e-specialize sa mga ganitong LD. Di ko lang sure kung nag-air na sila ng ganitong istorya.
Three
Papanoorin ko rin ang episode kung saan ifi-feature nila ang lahat ng bodies na related sa Phil. Children’s Lit like Kuting (writers), Ang INK (illustrators), Alitaptap (storytellers), mga publishers, PBBY,NBDB. Pwede ring imention ang mga awards na pwedeng makuha ng isang children’s book (e.g. palanca,PBBY, NBA,NCBA). Most parents want their kids to read on their own, kaya sana magka-idea sila about the children’s book industry para hindi lang coloring books at gasgas na mga fairybtales ang bininili nila sa bookstore.
Four
Related sa no.3. Gusto kong malaman kung paano nakukuha ng mga second-hand bookstores ang mga libro nila. Like itong Booksale Booksale.Yong ibang mga libro nila minsan may tatak ng US School Library. Pwede ring ikonek ang napakamahal na tax kapag umorder ka ng libro from other countries. At i-contrast ito sa napaka-budget friendly na books sa Booksale. Pwede ring mag-feature ng iba pang stores like Bookay-ukay sa Teacher’s Village. Kung ayaw ng second-hand bookstores, e’ di yung mga pang-mayamang bookshops.
Scoop din kapag na-explain kung saan nakukuha ng mga tindera sa Morayta at Recto ang sandamakmak na public school textbooks nila, to think na may shortage tayo sa textbooks sa mga public schools.
Five
In ring maituturing angmga nagsusulputang churches sa mga malls, especially sa mga Robinson malls. Sikat ang Every Nation Ministries (Victory) kung saan maraming artista ang umaatend. Punta kayo sa Rob Nova pag Sunday at magugulat kayo sa dami ng churches sa 3rd floor. Usually mga Born Again churches ‘to. Pasok ang topic na ‘to dahil ang mga Pilipino ay likas na maka-Diyos. Obvious ang reason kung bakit sa mall naisip ng mga church leaders. Pero ano kaya ang mga pros and cons? Magkano kaya ang rent? Anu-ano kaya ang mga gimik para mas maging cool ang pagsisimba?
Pwedeng i-konek dito ang mga campus ministries. Usually sa mga universities to. Like sa UP Diliman, sobrang daming religious orgs.
Six
Last na muna ‘to. Bilang mahilig silang mag-feature ngmga taong may odd jobs, gawa pa sila ng marami pang stories. Interbyuhin nila ang mga signboard makers along Regalado Ave. or kung saan pa mang kalsada. One interesting subject ay ang isang nanay na gumagawa ng sign board. Naging cover pa ng isang book ang isang work niya.
Pwede ring pasikatin ang mga nagpi-paint ng white lines sa mga kalsada. Nakaka-curious lang kung kailan at paano nila to ginagawa. For sure,marami pang oddjobs ang di pa naifi-feature.
That’s it.
Yey. Nakapagsulat din. Sana makatulong ang mga ideas na ‘to. Pag may naisip ako, post ko rin dahil ang motto ko for this year:
Walang ideyang masasayang.
No comments:
Post a Comment