Monday, April 25, 2011
What Weh Means
Tatay na ako. Technically, ako na ang kuya/tatay / guardian / (insert default roles) ng isang 21-year old bachelor, 15-year old na dalagita at ng 2-year old naming si Rokia na nagluluksa pa rin yata sa pagkamatay ng dalawa niyang tuta.
Hindi naman bago sa akin ang ideya ng pagiging parent. Sa dalawang taon ng pagiging class adviser ng mga fourth graders, makailang ulit na rin akong tinawag na second parent, uncle, Daddy, Lolo( dahil sa patse ng puting buhok) at kung minsan Kuya ( na tawag nila sa mga janitorial staff). So I guess that's God's way of preparing me for this more arduous task.
At nasa'n ang tatay at nanay namin?
Nasa Misamis Oriental na sila kasama ang bunso namin. Sa isang liblib na baryo sa Barangay Cabalawan kung saan may 8,987 na nagtatayugang puno ng niyog, 740 ektaryang taniman ng mais, mani, talong,okra at 5,053 na alagaing manok,baboy, baka,kambing,kabayo at sigben. In short, nasa totoong Farmville sila. At kagaya ng Farmville, fictional lang ang mga numbers na sinabi ko.
Pero ang fact! Sanay na akong ma[hi]walay (Uy! Pagbabagong morpoponemiko) sa mga mahal sa buhay. Two years din akong nag-dorm/dumorm sa Narra Residence Hall--the only all-male dormitory in UP Diliman. Sige na i-qualify natin. Narra--the only all-biologically-male dorm in UPD. Fact, may Gumamela wing sa Narra in contrast to the wing Selda Tres. Pero, every weekend naman umuuwi ako sa aking San Jose del Monte, mahal kong bayan, 'di kailanman kita malilimutan primarily para mag-uwi ng labada at makasama ang pamilya ko.
Ngayon, kami na ang sagot sa labada namin. Pero in reality, ang dalagita namin ang magiging head laundry girl. Mapapraktis na namin ang lahat ng naituro sa amin ng mga titser, mga kaibigan at ng mga magulang. Ito na ang reality show na huhubog sa amin upang mas maging matatag, mas madiskarte at mas nagtitiwala sa Panginoon. It's a big leap of faith for our parents to leave us behind. (Pero sa US nga 'di ba, 18 years old pa lang, tini-train na to be independent. At ang mga witch sa Japan, like Kiki, pagtungtong ng trese kailangang umalis for a year at i-train ang sarili somewhere.)
It's a great responsibility. And it's also a proof that they trust and believe in us. That we have the power to be responsible individuals. So, with great power comes great responsibility. Wala na akong maisip e.
Anyway, sabi ng Nanay ko bago siya umalis--magpakabait daw ako. Pressure. Ang nasabi ko lang,
"Weh?"
Ang bait ko 'di ba?
But seriously, "weh" means Yes, I'll be a good brother, father, guardian rolled into one. May mga hang-ups pa din pero I promise that I won't let them down. Magsisimba na rin ako at sasali sa Praise and Worship team para 'di kunin ni Lord ang aking talent for hmmmm...singing. Ipa-practice ko rin ang authority vested upon me para mag-advise sa mga magpapasaway na kapatid o aso. "Weh" also means, Oo, ayaw mo kabalaka magpada ko ug kwarta para sa atong gipanday na balay ( don't worry, I'll be sending you some money for our house construction).
Weh = taking turns in doing the dishes and laundry + feeding the dog (and the neighbour's dogs); preparing meals--half-cooked, cooked, overcooked -laziness and the dreaded "mamaya na" habit.
The coolest of all wehs is this. I'll be blogging about our whereabouts every once in a while. Parang report lang.
And lastly, "weh" means Yes, we will miss you ,kahit luluwas kayo sa kabihasnan twice a month para mag-ym o FB chat tayo, and "weh" sana December na para magpa-Pasko tayo diyan sa Cabalawan.
P.S.
Ate and David, i-enjoy n'yo ang Washington.
Mama, Papa and Aaron, iligo n'yo kami sa Cabalawan River.
Jez at Apple, ano na?
Rokia, bantayan mo ang bahay.
Jerson,magpakabait ka. I-enjoy ang single life at ang multiple labels.
P.S. 2
Lord, take over.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Go, Jers! Kayang-kaya mo 'yan!:)
ReplyDeleteayan na ang simula ng pressure kay jerson hehe ayaw mo nun, wala pa man din pero parang nagpapraktis ka na magka pamilya? kaya mo yan :)
ReplyDelete