Showing posts with label life. Show all posts
Showing posts with label life. Show all posts

Friday, October 31, 2014

Status Quo

Hiyang-hiya naman ako sa blog na ito na halos siyam na buwan nang nakatengga.

Hustisya!

Lumipas ang mga araw, linggo at buwan na hitik naman ng mga kasulat-sulat na mga pangyayari ngunit hindi man lang ako nag-atubiling itala sa espasyong ito.

Nakalimutan kong isulat ang mga bago sa buhay ko.

Na naglakas-loob akong iwanan ang pagtuturo sa isang pribadong paaralan kung saan sumusobra pa sa sapat ang aking natatanggap buwan-buwan, kung saan de-aircon ang mga classroom, kung saan mababait naman talaga ang mga mag-aaral, kung saan nahubog ang aking 'maayos-ayos' na pagtuturo.
Ang mga huli kong nakasama sa Intermediate Level na pinaglagian ko ng limang taon.


Na napadpad ako sa Dagupan nang halos dalawang buwan (Abril-Mayo) para pag-aralan kung paano maging guro sa pampublikong paaralan. Sa Dagupan ko nakilala ang mga kapwa Pilipinong naniniwala na ang classroom ay ang pandayan ng mga pangarap. Na sa pamamagitan ng pagtuturo ay natutulungan mo ang bansang ito. Sa Dagupan ko naranasang mamuhay sa tabing-dagat.

Mga co-teachers sa aming Dagupan Practicum

Mga co-fellows na napadpad sa Hundred Islands
Na natupad ang hiling at pangako ko sa isang sanaysay ko sa Educ 100 (Intro to Phil. Educational System) na makapagturo sa  pampublikong paaralan. Limang taon ko ring ipinagpaliban ang hamon na ito. At matapos ang taun-taong pagka-unsyami ng planong mag-resign, nagkatotoo na nga. Salamat sa Teach for the Philippines sa pagkakataong maging bahagi ng pagkilos para sa ikabubuti ng bansang ito.

Nakaw na sandali sa Gregorio Del Pilar ES
Na ngayon ay sa BiƱan, Laguna ako namamalagi kasama ang limang teacher-fellows mula sa TFP. Na pinasok ng magnanakaw ang bahay namin at tinangay ang apat na gulang kong bag. Na isang traysikel na lang ang layo ng bahay sa paaralang aking pinagtuturuan. Na may kapit-bahay kaming matandang babae na feeling ko ay may crush sa akin (asyumero lang dahil sa kanyang mga nakakapanindig-balahibong titig). Na ang may-ari ng bakeshop na malapit sa amin ay Julie at laging may small talk tuwing bumibili kami sa kaniya.

Ang mga makakasama ko sa two-year fellowship
Na nasanay na ako sa pabagu-bagong teaching loads at nakakapanibagong kultura ng public school. Laking pasalamat ko sa naging pundasyon ko sa mga dati kong paaralan.

Kuha mula sa aming Reading Program class--kuwentong Carancal
Na nagkatotoo na ang mga hinabing pangarap ko noong ako ay nasa high school na makapag-coach para sa school press conference. May bonus pang pagti-train ng speech choir. Pareho namang nanalo ang mga tinuruan ko, sa awa ng Diyos. Na kahit hindi ko pinangarap ay nakapagbahagi na ako nang dalawang beses sa isang training para sa mga kapwa ko guro sa aming paaralan (kahit na nangangatog ang mga joints ko sa kaba).

Ang naging habihan ng aming pangarap saloob ng apat na buwan
Na bukod sa mga kaibigang guro, may mga nakilala akong mga kaibigan mula sa Christ-Commissioned Fellowship sa Sta. Rosa at tuwing Martes ay nakakakuwentuhan ko sila. Na nagamit ko na ulit ang naipon kong mga Ingles nang magturo ako sa Sunday School ng CCF.
Ang mga ka-D-Group ko tuwing Martes

Na sa dinami-rami ng mga pagbabagong ito, hindi ko namamalayan na unti-unti na palang ipinakikita ng Diyos ang kanyang engrandeng plano sa buhay ko.

Tiwala lang daw.




Wednesday, May 4, 2011

On Bourgeoisie and Selfishness

I had a memorable conversation with a former professor about career, life and other people last Tuesday.

It was the afternoon when she asked me to come over and put some order on her piles/tons of children's books. (She has more children's books than our college library's Childre's Book Section.) Good thing another former student assistant of her came by and helped me.

At five, we called it a day of tiresome sorting, shelving and sorting again (I had to devise a system). Of course, it wasn't for free (haha), 'though I would still have done it without getting anything in return. Teacher gave me her copy of

(an earlier edition of this one)

which I think every Reading teacher/major should have.

Then we headed to in

Katipunan for their first Super Panalo meals. They (Teacher and ex-co-SA) didn't know that that promo exists. There was something in the carbonara spaghetti and caesar salad that made me more comfortable chit-chatting with them. Way back then, I was this reserved, tight-lipped guy who'd seldom enter into any kind of banter. Some call it insecurity. Others label it as politeness.

But that afternoon, I was a certified FC. Feeling close.
I heard my self talk, not just listen. I listen to their personal accounts on teaching, career and life.

Since I know that they are so incline to children's lit,just as i am, I asked them if they've read

. I was expecting for a vigorous YES to be followed by a series of exchanges about the book's elements. But to no avail.

My teacher, who I look up to in terms of oozing passion for children's lit, mentioned the word BURGIS in her explanation. She doesn't want to go with the flow. The bandwagon failed. I got her point.

I have a very limited mind map of the word BURGIS. I almost equate it to selfishness. Then that afternoon I was pointed back to my



Oo nga naman. Unti-unti nang nadodomina ng mga foreign writers ang Reading list ko.

"Nabasa nga nila ang Hunger Games, e' ang

, nabasa na ba nila?", she quipped.

Then a sudden realization dawned on me.
Gosh, for the past two years how many times have I worn my volunteer's hat? How many stories have I read to less fortunate kababayan? How many locally-published books have I bought? How many times have I ignored the laments of

Then, they started suggesting ways on how to lessen the BURGIS in me; how to reach out to our kapwa-Pilipino. Then we sounded too idealistic.

Oh well, better have some ideals than have nothing at all.

Monday, April 25, 2011

What Weh Means



Tatay na ako. Technically, ako na ang kuya/tatay / guardian / (insert default roles) ng isang 21-year old bachelor, 15-year old na dalagita at ng 2-year old naming si Rokia na nagluluksa pa rin yata sa pagkamatay ng dalawa niyang tuta.

Hindi naman bago sa akin ang ideya ng pagiging parent. Sa dalawang taon ng pagiging class adviser ng mga fourth graders, makailang ulit na rin akong tinawag na second parent, uncle, Daddy, Lolo( dahil sa patse ng puting buhok) at kung minsan Kuya ( na tawag nila sa mga janitorial staff). So I guess that's God's way of preparing me for this more arduous task.

At nasa'n ang tatay at nanay namin?

Nasa Misamis Oriental na sila kasama ang bunso namin. Sa isang liblib na baryo sa Barangay Cabalawan kung saan may 8,987 na nagtatayugang puno ng niyog, 740 ektaryang taniman ng mais, mani, talong,okra at 5,053 na alagaing manok,baboy, baka,kambing,kabayo at sigben. In short, nasa totoong Farmville sila. At kagaya ng Farmville, fictional lang ang mga numbers na sinabi ko.

Pero ang fact! Sanay na akong ma[hi]walay (Uy! Pagbabagong morpoponemiko) sa mga mahal sa buhay. Two years din akong nag-dorm/dumorm sa Narra Residence Hall--the only all-male dormitory in UP Diliman. Sige na i-qualify natin. Narra--the only all-biologically-male dorm in UPD. Fact, may Gumamela wing sa Narra in contrast to the wing Selda Tres. Pero, every weekend naman umuuwi ako sa aking San Jose del Monte, mahal kong bayan, 'di kailanman kita malilimutan primarily para mag-uwi ng labada at makasama ang pamilya ko.

Ngayon, kami na ang sagot sa labada namin. Pero in reality, ang dalagita namin ang magiging head laundry girl. Mapapraktis na namin ang lahat ng naituro sa amin ng mga titser, mga kaibigan at ng mga magulang. Ito na ang reality show na huhubog sa amin upang mas maging matatag, mas madiskarte at mas nagtitiwala sa Panginoon. It's a big leap of faith for our parents to leave us behind. (Pero sa US nga 'di ba, 18 years old pa lang, tini-train na to be independent. At ang mga witch sa Japan, like Kiki, pagtungtong ng trese kailangang umalis for a year at i-train ang sarili somewhere.)

It's a great responsibility. And it's also a proof that they trust and believe in us. That we have the power to be responsible individuals. So, with great power comes great responsibility. Wala na akong maisip e.

Anyway, sabi ng Nanay ko bago siya umalis--magpakabait daw ako. Pressure. Ang nasabi ko lang,

"Weh?"

Ang bait ko 'di ba?

But seriously, "weh" means Yes, I'll be a good brother, father, guardian rolled into one. May mga hang-ups pa din pero I promise that I won't let them down. Magsisimba na rin ako at sasali sa Praise and Worship team para 'di kunin ni Lord ang aking talent for hmmmm...singing. Ipa-practice ko rin ang authority vested upon me para mag-advise sa mga magpapasaway na kapatid o aso. "Weh" also means, Oo, ayaw mo kabalaka magpada ko ug kwarta para sa atong gipanday na balay ( don't worry, I'll be sending you some money for our house construction).

Weh = taking turns in doing the dishes and laundry + feeding the dog (and the neighbour's dogs); preparing meals--half-cooked, cooked, overcooked -laziness and the dreaded "mamaya na" habit.

The coolest of all wehs is this. I'll be blogging about our whereabouts every once in a while. Parang report lang.

And lastly, "weh" means Yes, we will miss you ,kahit luluwas kayo sa kabihasnan twice a month para mag-ym o FB chat tayo, and "weh" sana December na para magpa-Pasko tayo diyan sa Cabalawan.

P.S.

Ate and David, i-enjoy n'yo ang Washington.
Mama, Papa and Aaron, iligo n'yo kami sa Cabalawan River.
Jez at Apple, ano na?
Rokia, bantayan mo ang bahay.
Jerson,magpakabait ka. I-enjoy ang single life at ang multiple labels.

P.S. 2

Lord, take over.

Friday, July 2, 2010

I Feel Good

I so miss my weekly dose of senti moments here in blogspot. Work has been eating up most of my time. But unlike last year, which was my prima salvo of teaching, work no longer embitters my hard-days night.



At times, we couldn't explain why certain things are happenings to us--especially the ugly ones. We are tempted to ask God to free us from such things. But when the time comes that we are through with that experience, we soon realize the significance of that event in our growth.



Now, I am executing my tasks as a teacher religiously. I have come in full terms with myself that I am a teacher. That lessons plan are to be done before the actual teaching of the lesson. That keeping a friendly and orderly classroom is possible. That raising your bars high is a blessing in disguise. That pupils look up to you, so you must be a good model to them. That I have to surround myself with individuals who would create a positive impact on my life. That I am created to be of service to others. That with God, burning out is impossible.