Sunday, May 20, 2012

Sosyal Climbing for Beginners


Kamakailan lamang ay umakyat ako ng bundok sa unang pagkakataon bilang isang enthusiast. (Hindi muna mountaineer.) Naimbita lamang ako ng isang kaibigang matagal-tagal na ring "namumundok". (Salamat Ninang Mars).

Bago pa man ang araw ng pag-akyat ay naalala ko ang isang variation ng It's More Fun in thePhilippines meme.


Malalim kung susuriin ang pakahulugan sa akin ng larawan sa itaas, kaya daanin na lang natin sa isang pagsusulit.

  I.            Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

(1) Bakit nagiging status symbol ng mga burgis ang mountaineering?

A.      Dahil siguro mahal ang mga trekking equipment.
B.      Dahil mas cool umakyat ng bundok kaysa magpapawis sa gym.
C.      Dahil mas astig ang Facebook  profile pic at cover photo kung panoramic ang view.
D.      Lahat ng nabanggit.

(2) Bakit kailangang Ingles ang gamiting wika sa karamihan ng mga travel blogs?

A.      Dahil mas maraming mayamang Inglesero ang interesado sa mountaineering.
B.      Dahil mas maaabot mo ang mga turistang banyaga.
C.      Dahil hindi gano'n kasosyal kung Filipino ang medium.
D.      Wala sa nabanggit.

Mainam rin na paminsan-minsan ay nagiging cynical at kritikal tayo sa mga bagay-bagay na pinapasok natin.   Nararapat na usisain, isa-isahin at linawin sa sarili ang mga dahilan kung bakit natin ginagawa ang isang bagay. Hindi mo maaaring i-label ang isang tao nang hindi mo sinusuri ang mga intensyon niya.

II.            Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan nang walang pag-iimbot at nang  buong katapatan. Isulat ang kasagutan sa ayos ng talata na may limang pangungusap. Huwag kalimutang banggitin ang social philosophy na swak sa tanong.

(3) Social climber ka ba? Bakit /hindi? Kailan pa?

(4) Magbigay ng limang telltale signs na nagiging social climber na ang isang tao at balikan ang ikatlong tanong. Nagi-guilty ka na ba?

(5) Ano ang pinagkaiba ng sosyal na mahirap at sosyal na mayaman? Meron nga ba?


Kapag sinabi bang social climber, heto ba agad ang depinisyon:

social (mountain) climber

(plural so·cial climb·ers)
noun
somebody seeking social advancement: somebody who tries to rise in status by associating with people of a higher social class (disapproving)

Microsoft® Encarta® 2009. © 1993-2008 Microsoft Corporation. All rights reserved.

Hindi ba p'wedeng,

A.    Mas mahal lang si Inang Kalikasan kaysa kay pusong-bato na mall?
B.    Ini-internalize lang ang Back to Nature peg ni Ralph Waldo Emerson?
C.    Pinapalakas lang si puso at mga daluyan ng dugo?
D.   Gusto lang pulutin ang mga basura ng mga naunang umakyat?
E.    At iba pang palusot.

Bonus question: Kung magiging bundok ka, alin at bakit?


No comments:

Post a Comment