"Ang haraya ay
ang pagliliwaliw ng isip, samantalang ang harayat ay ang pagliliwaliw sa BundokArayat."
Sa wakas ay natupad na
ang pangarap kong umakyat ng bundok bilang isang lakwatsero.
Ako sa una kong akyat. |
Mapalad ako at Arayat
ang unang bundok na naitala ko sa aking kasaysayan. Punung-puno ng mga 'di
malilimutang karanasan at tanawin ang inuwi ko pagkababa ng Arayat.
Add caption |
Madaling araw ng
Linggo nang umalis kami sa isang bus terminal sa EDSA-Cubao. Bilang sabik ako
sa unang akyat, alas-dos pa lang ay nasa terminal na ako kahit alas-kwatro na
kami umalis. (Php 102.00 ang pamasahe hanggang SM Pampanga.) Kahit mabilis ang
biyahe, ay marami kaming napagkwentuhan ni Ninang Mars mula sa mga tsismis na
bumabalot sa panitikang pambata hanggang sa planong pag-i-storytelling sa
bundok.
Pre-climb (photo courtesy of Sir Bogart Toledo) |
Pagkababa ng SM, dapat
ay sumakay ng dyip papuntang Magalang (Php 35.00) at mula sa bayan ay sumakay
ng traysikel papuntang jump-off sa Barangay Ayala (Php 70/100.00 kada
traysikel) . Pero dahil bihira pa ang dumaraang dyip, napagdesisyunan namin na
patusin na ang alok na ihatid kami ng van sa jump-off mismo. Medyo napamahal
nga lang kami (Php. 140.00). Pero,sulit naman ang ibinayad sa tulin at lamig ng
van. Nabawasan na rin nang ilang kilometro ang paglalakad mula Barangay Hall
papuntang paanan ng bundok. (Aral: Magdala ng ekstrang pera.)
Mahaba-habang lakaran
din ang Arayat. Inabot kami ng humigit-kumulang na 13 oras. Nagsimula kami ng
bandang 7:15 ng umaga, at nakababa (na)ng 9:30 ng gabi. Bakit ang tagal? Bakit
nga ba?
1.
Kailangang
sulitin ang libreng malinis na hangin.
2.
Hindi
p'wedeng palagpasin ang magagandang tanawin.
Dapat laging handa ang kamera.
3.
Masarap
magpiknik at magsiyesta sa North peak.
4.
Sadyang
mahirap akyatin/gapangin/babain ang matatarik, masasalimuot at madudulas na
daan.
5.
Kailangang
maghintayan at magtulungan. Kung di mo 'to kayang gawin, mag-solo climb
ka na lang.
May mga Stations of the Cross na madadaanan sa mga unang kilometro. |
Ang kapatagan ng Pampanga |
Hindi mailap ang ilang mga paru-paro sa tuktok . |
Siya rin ba 'to? |
Ang mala-Amazon River na Ilog ng Pampanga. |
Bilang baguhan, marami
akong natutunan tungkol sa mountaineering.
1.
Ang
mga terminong push, proceed,
traverse, assault, take five, trail running, day hike, junction, sweeper,
waterproofing, social at headlamp.
2.
Ang
mga pangalan ng mga bundok sa Pilipinas. Ang mga naaalala ko mula sa mga
kwentuhan nila ay Arayat, Manalmon, Balagbag, Pulag, Batulao, Makiling, Pico de
Loro at Cristobal.
3.
Natuto
akong magbasa ng trail signs. Hanapin lamang ang magkakapatong na
tatlong bato o 'di kaya naman ang mga laso sa mga puno na p'wedeng wrapper
ng tsitsirya, masking tape o totoong laso. Kapag nasa sangandaan
(junction), piliin ang mas malinis na
daan.
4.
Magsuot
ng leggings o damit na may mahabang sleeves.
5.
Ma'am at Sir ang tawagan ng mga mountaineers
sa isa't isa.
Pinakamahirap na
bahagi ng Akyat-Arayat:
North-South Peak trail. Ang rappelling sa 90 degrees na bato nang walang gamit
na lubid.
(photo courtesy of Sir Bogart Toledo) |
Paboritong ulam ng
karamihan (kasama na ang aso sa North peak): manok
Pinakanakaka-panic
na pagkakataon: Nang biglang bumuhos
ang ulan at pababa pa lang kami
Pinakabuwis-buhay na
kuha: Ang jumpshot sa
ibabaw ng bato kahit bangin na ang nasa likod nito.
(photo courtesy of Sir Ivan) |
Good Samaritan Awardee: Si Ate Marlyn at ang kanyang pamilya (mga
kasapi ng Back to Christ Foundation) na nagpatuloy sa amin sa compound
nila. Pinaligo kami at nag-alok na
ihatid kami ng trak nila pabalik ng bayan ng Arayat.
Php 10.00 ang bayad sa
pagligo.
Php 60.00 ang pamasahe
sa trak.
Back to Christ compound |
Earth Saver Awardee: Si Ma'am Jay na kinarir ang pamumulot ng
mga botelya at plastic wrappers. Nakaka-inspire kaya tumulong na
rin ako paminsan-minsan.
Isang bagsak para kay Ma'am Jay! (photo courtesy of Mars Mercado) |
Light Packer Awardee: Si Sir Ivan, ang batang lakwatsero.
Kumusta naman ang body bag na dala at ang mapaghimalang kalo?
Feeding Program
Specialist: Si Ma'am/ Ninang Mars
na walang sawang namimigay ng mga kung anu-ano mula sa bitbit niyang sari-sari
store. Runner-up si Ma'am Rax.
Official Photographer: Si Sir Migs at ang kanyang de-lenteng
kamera.
Pinakamakwento at
pinakamabirong Mountaineer(s): Si
Sir Nino at Sir Bogart. Biruang walang pikunan.
Pinakabatang
Mountaineer: Si Sir Christian at
ang kanyang mga tattoo sa magkabilang braso.
Pinakadyaheng sandali: Ang putik na walang sawang kumakapit at
nagpapabigat sa sapatos.
Pinakanakakakabang
pagkakataon: Ang night trek
na sinabayanng mga nakakabahalang mga ingay ng kalikasan.
Dapat walang takot sa dilim. |
Pinakanakakainis na
parte ng bundok: Ang
mga basura at mga bakas ng mga vandals sa mga bato
Pinakamabagal na
sandali: 'yong sandaling kita mo na ang mga ilaw sa kabayanan
at dinig mo na ang mga sasakyan, pero wala ka pa ring makitang kalsada.
Pinakabanyagang
nakasalubong: Ang mga Pranses na naka-shorts at spaghetti straps
(photo courtesy of Maam/Ninang Mars (in pink)) |
Sa kabuuan, hindi ako
binigo ng Akyat-Arayat. Tinumbasan ng bundok na ito ang kasabikan ko para sa
mga bagay na kakaiba. Hinigitan pa nga. Kinabukasan, kahit na nahuli sa trabaho
at masakit ang mga kasu-kasuan, wala ni isang sandali na pinagsisihan ko ang
pagpasok sa ganitong tunguhin sa buhay. Kahit ang pagsalampak sa gitna ng
Victory Liner.
Para sa mga nangangarap na umakyat rin sa unang pagkakataon, ang unang hakbang ay ang pagkakaroon ng mga kaibigan/kakilala na mahilig rin dito.
Salamat Ninang Mars sa pagsama sa akin at sa paghahanap ng mga mababait na freelance mountaineers na nakasabay natin.
(photo courtesy of Sir Migs Siena) |
Ikalawang hakbang ay ang paghahanda ng sarili. Itsek ang badyet ng pag-akyat. Itsek ang kalusugan. Itsek ang mga gamit na kakailanganin.
At ang huli, alamin ang lugar na pupuntahan. Alamin ang mga suggested itinerary. Magbasa ng mga blog comments ng mga nauna na. Matuto sa karanasan ng iba.
Hayan! Handa ka na!
(photo courtsey of Sir Bogart) |
ayos ah. bilis. haha.
ReplyDeletecongrats sa first climb mo sir. astig, major climb agad.
congrats jerson!
ReplyDeletecheers to more climbs!
see you on the trails. :)