*Hindi ito pamagat ng isang aklat-pambata. At mas lalong hindi ito pambata.
I. Araw ng Kalayaan.
Habang ang karamihan ng mga guro ay naghahanda para sa unang araw ng pasukan kinabukasan, ako naman ay naghahanap ng inspirasyon sa kabundukan at nakipaghabulan sa mga limatik--isang uri ng linta--sa Makiling.
II. FC
Ang FC ay para sa
a. Freedom Climb--ang tawag sa mga pag-akyat ng bundok mula June 9-12. Iba't ibang bundok sa Pilipinas ang nabibisita ng mga lakwatserong Pilipinong bitbit pa ang watawat ng Pilipinas para plus points sa props.
b. Feeling Close--na mga limatik. Friendly crawling creatures.
III. Limatik
Mas masarap ang pagliliwaliw sa bundok kung may kaunting aksyon. Ano ba naman ang mabawasan ng ilang cubic centimeter (cc) ng dugo sa pinakanatural na paraan?
IV. Kaibigan
Sa paulit-ulit na pagkapit/ pag-angkas/ pang-aakit ng mga limatik, kaibigan na ang turing ko sa kanila. Sa simula, mandidiri ka pala talaga. Pipitikin mo talaga sila at babasbasan ng sandamakmak na alkohol, pero sa bandang huli, matatanggap mo na rin na ikaw ang turista sa mundo nila. Kaya naman, huwag nang OA sa reaksyon.Ang pinakamatalik kong kaibigang limatik ay 'yong isang muntik na akong halikan.
Bukod sa mga limatik, may mga (luma at) bagong mga kaibigan ang nakasama sa traverse na ito mula Sto. Tomas, Batangas hanggang UP Los Baños.
V. Pambihira
Bukod sa mga limatik, maraming mga pambihirang bagay at karanasan ang iniwan sa akin ng Makiling.
VI. Sulit
Kinabukasan, saka ko lang naramdaman ang mga lumalagutok na mga kasu-kasuan at pangangalay ng mga kalamnan. Pero, natabunan ang mga ito ng kasabikan ko na magkuwento tungkol sa Makiling (habang nag-iinat-inat).
VII. Paanyaya
Kaya naman, pangarapin mo na rin ang MakTrav (Makiling Traverse). Siksik at kumpleto sa adventure pero hindi nakakabutas ng bulsa. P'wede mo pang i-trail run ang daan papuntang UPLB. Nararamdaman ko na babalik-balikan ko 'tong bundok na 'to. Masuwerte ang mga taga-UPLB dahil kapit-bahay lang nila si Makiling.
Para sa budgetary at itinerary, maaasahan mo ang mga kuwento nina
a. Pinoymountaineer at
b. Batang Lakwatsero
Ano pang hinihintay mo? Akyat na!
I. Araw ng Kalayaan.
(photo courtesy of Karina Cenidoza) |

(photo courtesy of http://www.ivanlakwatsero.com/) |
Bukod sa mga limatik, may mga (luma at) bagong mga kaibigan ang nakasama sa traverse na ito mula Sto. Tomas, Batangas hanggang UP Los Baños.
V. Pambihira
Bukod sa mga limatik, maraming mga pambihirang bagay at karanasan ang iniwan sa akin ng Makiling.
Ang hamog na walang sawang nagbigay ng turbo-cool level na lamig |
Ang payapang tanawin na ito ng Batangas |
Ang totoong pitcher plant |
Ang mala-bayabas na bulaklak |
Ang marikit na bulaklak sa tuktok ng bundok |
Ang mura-na-masarap-pa na kainan--Sulyaw |
VI. Sulit
Kinabukasan, saka ko lang naramdaman ang mga lumalagutok na mga kasu-kasuan at pangangalay ng mga kalamnan. Pero, natabunan ang mga ito ng kasabikan ko na magkuwento tungkol sa Makiling (habang nag-iinat-inat).
Peak 3 Tree Shot |
Kaya naman, pangarapin mo na rin ang MakTrav (Makiling Traverse). Siksik at kumpleto sa adventure pero hindi nakakabutas ng bulsa. P'wede mo pang i-trail run ang daan papuntang UPLB. Nararamdaman ko na babalik-balikan ko 'tong bundok na 'to. Masuwerte ang mga taga-UPLB dahil kapit-bahay lang nila si Makiling.
Para sa budgetary at itinerary, maaasahan mo ang mga kuwento nina
a. Pinoymountaineer at
b. Batang Lakwatsero
Ano pang hinihintay mo? Akyat na!
sayang last year kasama dpat ako sa freedom climb kaso ngksakit ako.. dko pa nmemeet ang mga limatik... wag naman sna... *scary :(*
ReplyDeletewoot. congrats sa maktrav! astig ka tlga mag-kuwento, parang lesson plan lang..
ReplyDeletekitakits ulit sa susunod na climb teacher jerson.
Miss Gelai, masaya naman kasama ang mga limatik sa katagalan.
ReplyDeleteSir Ivan, naku, napakahusay rin ng iyong komprehensibong mga posts :) kita-kits sa kabundukan!
bakit ngayon ko lang ito nabasa? ahahaha. maraming salamat sa pag-imbita sa akin sa Maktrav! sa uulitin. :)
ReplyDelete