Monday, September 8, 2008
Ako sa mundo ng Panitikang Pambata
Agad na pumasok sa isip ko ang aking mga librong pambata. May kakaibang kasiyahang idinudulot sa akin ang mga aklat na iyon. Dinala ko si Pilong Patagu-tago ni Kristine Canon. Kinakabahan ako habang ipinapaliwanag kung bakit ito ang dala ko. Matapos ang pautal-utal na pag-i-Ingles ay pinilit nila akong magkuwento. Ginawa ko naman.
Sa pamamalagi ko sa Kolehiyo ng Edukasyon, partikular na sa Dept. of Reading Education, hindi ko na namalayan na unti-unti na pala akong nangongolekta ng librong pambata.
Nagsimula ang paglalakbay ko sa mundo ng Panitikang Pambata noong makapakinig ako ng mga pagkukuwento ng Alitaptap Storytellers sa programang Wan Dey, Isang Araw na ibino-broadcast sa 702 DZAS.
Wala pa ako sa kolehiyo nang una kong marinig si Dr. Luis Gatmaitan bilang host ng programa. Sinabi ko sa sarili ko noon, na gusto ko ring magpasaya ng mga bata sa paraan ng malikhaing pagkukuwento.
Sa pangalawang taon ko sa kolehiyo, nagpalit ako ng kurso. Mula secondary education patungong elementary education. Naimpluwensyahan ako ng mga Reading majors mula sa UP Educators' Circle at syempre pa sinusugan ito ng umuusbong na pagkahilig ko sa panitikang pambata.
Mas naging makulay ang paglalakbay ko nang kunin ko ang kursong EDR 121-Children's Literature ni Prof. Portia P. Padilla. Dagdag pa ang EDR 110 at EDLR 101 na siya rin ang guro. 4 na oras at 30 minutong siya ang kasama namin (4 kaming PPP majors nung semestrong yon.)
Sa EDR 121 ko nakilala sina John Newbery, R. Caldecott, Tito Doc, Tuko, Pilo, at kung sino-sino pa. Nakapasok ako sa mundong walang kasing tingkad ang kulay. Dito, napaigting pa lalo ang pagnanasa kong maging "advocate" ng panitikang pambata.
Bukod pa sa mataas na marka (na sobrang nagpapasalamat ako) na nakuha ko, isa sa 'di ko malilimutang karanasan sa mundo ng panitikang pambata ay ang pagsali ko sa 3rd Alitaptap Inter-College Storytelling Competition.
Sa patimpalak na iyon ay unti-unting nalupig at nilulupig nina Pilo at ng kanyang mga kaibigan ang takot ko sa pagharap sa maraming tao. Laking pasasalamat ko sa paggabay ng mga taga-Alitaptap at syempre nina Ate Michelle (na siyang nagkampeon), Kuya Miko at syempre ni T. Portia.
Noong nasa workshop kami bago ang kompetisyon, nagtanong si Sir Nolo Silayan, pangulo ng Alitaptap, kung ano bang meron kami na magpapanalo sa amin. Karaniwang sagot ng iba ay--may background ako sa theater, naging parte na ako ng mga productions...yada yada.
Samantalang ako, "advocacy lang po yung sa akin". Naks! Galing sa puso ang sagot ko. Walang pag-iimbot at may buong katapatan. Pero sabi ni Sir Nolo, hindi sapat ang "passion", dahil isa yung kompetisyon. Tama naman siya. Pero, "passion" pa rin ang namamayaning motibasyon ko.
Hindi naman ako binigo ng "passion" ko. Kahit papaano ay naiuwi ko ang ikalawang puwesto.
May iba pang nakakatawa at nakakatuwang kuwento noong araw ng kompetisyon sa World Trade Center. (Abangan na lamang sa susunod kong post.)
Matapos ang patimpalak, nadagdagan ang tiwala ko sa sarili--na kaya ko ring maging magaling na kwentista sa mga bata. Hindi ko na hinihindian ang mga imbitasyon ng pagkukuwento gaya na lamang ng mga seminar sa aming kolehiyo. Naging estratehiya ko na rin ito sa pagsisimula ng ulat sa klase. At isang libangan ko na ang pagbabahagi ng kuwento sa mga pinsan ko na walang sawang pinapaulit-ulit ang kuwento ni Pilo, Tuko, Raquel, Og at ng mga kabarkada nila.
Noong araw na dinala ko si Pilo sa CW 140 class ko, naging madamdamin ang pagpapaliwanag ko kung bakit mahalaga sa akin ang mga kinokolekta kong libro. May mas malalim pa na pinag-uugatan ang pagkahilig ko sa kanila.
Tuesday, February 19, 2008
On Dropping
I'm not gonna drop EDR 251.
A second life was granted
Things are now falling into their proper places
Thanks Teach!
"There is hope."
Attack of the K
waahhh...inaatake na naman ako ng katamaran
napaka-unproductive ko ngayong semester na ito. kinakabahan na ako. lagi na akong nali-late sa mga klase ko. minsan napapa-absent..sa lahat ng classes...naka-liban na ako.
ang saklap. hindi to maaari..pano na ang scholarship (pressure)?...last month, sinabi ko sa nanay ko na mag-awol muna ako...akala niya nagbibiro lang ako...pero...sa sarili ko..gustung-gusto ko na talaga...para kasing di pa nakakarecover ang utak ko sa pressure nung nakaraang semester...
kung tutuusin kakayanin ko ang mga subjects, kung magsisipag lang ako kagaya last sem...feeling ko..maibuhos ko na ang lahat nung 1st sem...at di pa ako nakakarecharge.
feeling ko (na naman) kahit may mag-abuloy sa akin ng 1 Gig na kasipagan, e wala na ring maitutulong dahil ...its too late...ilang araw na lang bakasyon na..
.wala akong masyadong exams...puro paper (my weakness)...field works..
.ano bang nangyayari sa kin? napaka-pessimist ko na...nakakalungkot...
Hindi ako masaya sa mga nangyayari..pero, bakit wala pa rin akong ginagawa para baguhin ang sitwasyon?
Pathetic. Ang hirap ng ganito.
Kaya ko rin palang Maging SpEd teacher
last saturday, i volunteered in the PWD day (project nova) event organized by the Diocese of Novaliches. Our class, EDSP 124 was encouraged to join, kasi T. Lutze and other SPED professionals would be doing an infromal assessment.
I was assigned as room guard, but on the day itself, they asked me to be the storyteller in the waiting area. Buti na lang, I'm always prepared, dala ko sa handbag ko sina Pilo, Mia at Mrs. Magalit.
Akala ko parang Batino lang yung day na yun. (Batino is a special school in Katipunan) Nakapagkuwento na rin kasi ako dun. But NO. Halu-halo na ang mga batang kasama ko. Sabi sa papel na nakapost sa room namin: Waiting Area for children with ADHD,Autism, LD, MR. (di ako nagli-label ha.) Grabe. may mga kasama akong schoolmates at classmates sa room pero feeling ko ako yung pinaka-entertainer ng mga bata.
Naka-4 na stories yata ako na tig-20 minutes. Nakakapagod sa lalamunan pero ang saya. May mga kids na laging nang-iinterrupt, yung iba alam na ang kuwento, may tayo nang tayo.
Nung tapos na yung story, naglaro naman kami ng sasara ang bulaklak (so kanta na man ako para i-lead sila) Naging Hari din ako ah, at kumembot at umikot-ikot. Yung isang kid, si Jen, napagod na iba naman daw. So nagpractice naman kami ng mga Christmas songs--Sa May Bahay at Jimbel bells. Pati Lupang Hinirang (take note:tumayo kami at inilagay ang kanang kamay sa dibdib.
Tinuruan ko rin sila ng Siopao exercise. tapos nagkaroon kami ng mini-program. may kumata ng Bituing Walang Ningning, sing and dance ng Boom tarat2x, adududu, papaya, at marami pa.
nakipaglaro din ako ng mataya-taya sa magkaptid na Lester at Raffy. Cool. Isa sa mga di ko malilimutang karansan ay yung may isinulat sa pisara si Raffy, bago pa kami maghabul-habulan. Tiningnan niya yung nametag ko, binasa niya. tapos habang nakikipagkuwentuhan at kulitan ako sa ibang bata, may isinulat siya sa pisara. Tinawag niya ako at pinabasa niya sa 'kin.
Si Kuya Jer
son ay mabait.
Di masyado maganda ang sulat, nasa unang baitang si Raffy. Napangiti ako, pati na rin ang puso ko (aw!). Talaga? Totoo ba ito? Natuwa naman ako. Kaya sobrang nalungkot ako nung kuhanin na sila ng mama nila (gusto kong may mangilid na luha).
marami pa 'kong magagandang karanasan kasama ang mga bata, pero baka napapagod na kayong basahin. kaya hanggang dito na lang. Nagmamahal.