Tuesday, February 19, 2008

Kaya ko rin palang Maging SpEd teacher



last saturday, i volunteered in the PWD day (project nova) event organized by the Diocese of Novaliches. Our class, EDSP 124 was encouraged to join, kasi T. Lutze and other SPED professionals would be doing an infromal assessment.

I was assigned as room guard, but on the day itself, they asked me to be the storyteller in the waiting area. Buti na lang, I'm always prepared, dala ko sa handbag ko sina Pilo, Mia at Mrs. Magalit.

Akala ko parang Batino lang yung day na yun. (Batino is a special school in Katipunan) Nakapagkuwento na rin kasi ako dun. But NO. Halu-halo na ang mga batang kasama ko. Sabi sa papel na nakapost sa room namin: Waiting Area for children with ADHD,Autism, LD, MR. (di ako nagli-label ha.) Grabe. may mga kasama akong schoolmates at classmates sa room pero feeling ko ako yung pinaka-entertainer ng mga bata.

Naka-4 na stories yata ako na tig-20 minutes. Nakakapagod sa lalamunan pero ang saya. May mga kids na laging nang-iinterrupt, yung iba alam na ang kuwento, may tayo nang tayo.

Nung tapos na yung story, naglaro naman kami ng sasara ang bulaklak (so kanta na man ako para i-lead sila) Naging Hari din ako ah, at kumembot at umikot-ikot. Yung isang kid, si Jen, napagod na iba naman daw. So nagpractice naman kami ng mga Christmas songs--Sa May Bahay at Jimbel bells. Pati Lupang Hinirang (take note:tumayo kami at inilagay ang kanang kamay sa dibdib.

Tinuruan ko rin sila ng Siopao exercise. tapos nagkaroon kami ng mini-program. may kumata ng Bituing Walang Ningning, sing and dance ng Boom tarat2x, adududu, papaya, at marami pa.

nakipaglaro din ako ng mataya-taya sa magkaptid na Lester at Raffy. Cool. Isa sa mga di ko malilimutang karansan ay yung may isinulat sa pisara si Raffy, bago pa kami maghabul-habulan. Tiningnan niya yung nametag ko, binasa niya. tapos habang nakikipagkuwentuhan at kulitan ako sa ibang bata, may isinulat siya sa pisara. Tinawag niya ako at pinabasa niya sa 'kin.

Si Kuya Jer
son ay mabait.

Di masyado maganda ang sulat, nasa unang baitang si Raffy. Napangiti ako, pati na rin ang puso ko (aw!). Talaga? Totoo ba ito? Natuwa naman ako. Kaya sobrang nalungkot ako nung kuhanin na sila ng mama nila (gusto kong may mangilid na luha).

marami pa 'kong magagandang karanasan kasama ang mga bata, pero baka napapagod na kayong basahin. kaya hanggang dito na lang. Nagmamahal.

No comments:

Post a Comment