Saturday, October 17, 2009

Isang bukas na liham para kay Erna

Erna,



Nagkasabay tayo kanina sa jeep. Sumakay ako sa SM, at 'yon nga nasa harapan kita, kasama mo ang isang babaeng nakaputi din. Hindi ka pa pala graduate. Bakit kaya? E, sabay naman tayong nag-grade 5.




Wait, natatandaan mo pa ba ako? Classmate tayo nung grade 5 nga. Ito yung panahong nauso ang telebert-telebert tuwing lunch break. Lumaban tayo sa speech choir. Binali ni Mam Aguiluz ang Mongol dahil sa galit. At siyempre yung panahong pinagburda tayo ng disenyo sa unan.


Sabi nila, tomboy ka daw. Pa'no ba naman, laging nakabuka mga binti mo pag nakaupo. Buti na lang mahaba ang checkered mong palda. Minsan naka-dekwatro ka pa.Ang iksi din ng buhok mo, parang gupit na panlalake. Hindi ka rin kasi sumasali sa trade ng stationery namin. Ikaw lang yata sa lahat ng mga babae ang walang collection. 


Pero kahit na ganun, di ako naniwala na tomboy ka. Naalala ko pa yung pares mo ng gintong hikaw. Sabi ko sa kanila, "May tomboy ba na naghihikaw?" At saka, ang kinis-kinis kaya ng balat mo, daig pa ang mga nangitim na mga classmate natin dahil sa kakalaro sa initan. Pwede kang commercial model ng lotion o sabon. 


Nasabi kong pusong babae ka talaga dahil sa galing mong magburda. Ikaw yata ang binigyan ng ninety-five ni Mam Aguiluz dahil sa napakalinis at pantay-pantay na burda mo ng pulang-pulang rosas sa puti mong tela. Gusto ko nga sanang magpaturo sa'yo, kaso nahihiya ako. Karamihan kasi ng mga kaibigan mo e mga lalake. Baka di mo ko pansinin.


Pagkatapos ng grade 5, di na ulit tayo naging magkaklase. Ba't ka ba lumipat? Siguro nag-private school ka. Mukha ka kasing mayaman.


Biruin mo, kanina lang ulit tayo nagkita ulit mula nang maging kaklase kita nung grade 5. Kahit mahaba na ang buhok mo, nakilala pa rin kita Erna. Maputi ka pa rin. Nakahikaw. Ang ganda mong tingnan sa puting-puting unporme. Natatawas lang ako kasi, bahagya ka lang tumangkad nang huli kitang makita. Ang tulis ng itim mong sapatos ah. Hindi mo na rin ibnubuka ang mga binti kapag nakaupo, di gaya dati. 


Babaeng-babae ka na nga kung pumustura, pero bakit nakapulupot ang kaliwa mong kamay sa bewang ng katabi mo. Bestfriend mo? Maganda din siya katulad mo.. At nakasandal pa ulo niya sa balikat mo. Naghinala ako.


Tinang ka kong kausapin ka. Mangungumusta lang. Malay mo, maalala mo pa 'ko. Pero, knowing you, baka magmukha lang akong tanga. Tinitingnan ko kayo, pero di ka man lang tumingin sa direksyon ko. Mabilis ka ba talagang makalimot? Haay...


Bumaba na siya.  Hinalikan mo siya sa labi. Awww! Totoo nga.


Mas lalo akong nahiya. 
Lalo akong nawalan ng lakas ng loob na kausapin ka. Sana man lang nasabi ko na mula pa nung grade 5 tayo, crush na kita.


Ang iyong dating kaklase,
Rowena


Tuesday, October 13, 2009

Para kay M na may E

Tinakot mo kami kanina.

















May kasunduan tayo, ‘di ba?







Ang sikreto mo, sikreto ko rin.







Ganun din naman ako sa’yo.















Pero, bakit ‘di mo sinabi na may E ka pala.















Kinausap ka ni Sir.







Lagi ka kasing lumiliban.







Palaging bakante ang katabi kong upuan.















Tinakot mo talaga ako kanina.















Pero, tamang tiyempo ka.







Buti na lang ‘di pa umaalis si ma’m.







Ano kaya kung tayo-tayo lang?















Mas natakot siguro ako.















Paumanhin sa aking pagtulala







Pagbibingi-bingihang







Kunwa-kunwarian.















Natakot ako.















Hindi sa panginginig mo.







Hindi sa paghandusay mo.







Hindi sa pangingisay mo.















Mas natakot ako















Sa mga luha mo.







Sa mga hikbi mo.







Sa mga titig nila sa’yo.















Sana sinabi mo sa ‘kin na may E ka pala.







Hayaan mo M







Kakausapin ko sila.















M pumasok ka na.

Monday, October 12, 2009

This is the Truth

This Is The Truth



This Is The Truth



If you turn things upside down



You can’t hope for your life to change



I would be lying to you if I said that



You have a great future ahead



That you can recover from your past mistakes



That your life could be filled with joy



That your children could be safe and healthy



More than anything you must know



Human beings can not accomplish these things



And I am convinced of this because I know you



All you are capable of is failure



You have made a complete mess of your life and



I refuse to believe under my circumstances that



You can turn things around in the coming years



You may think your life is bad now but



There’s more to come you have only destiny



And whether you like it or not



This is what is real



I am the Lord your God



You should know I believe exactly the opposite





Note: Now Please start reading from below to above, You’ll see the Truth.



_________________________________________________________________________

Taken from: http://johanesnjoto.com/?p=3



I am reposting this verse which has been circulating in the world wide web simply because I am amazed with the message that it carries and the structure of the sentences. God! The person who made this was really inspired by Him.

Saturday, October 10, 2009

Bigayan ng Report Card

Kahapon ang unang pagkakataon na nakasalamuha ko ang mga magulang ( at yaya) ng aking mga mag-aaral bilang ako ang taga-payo ng kanilang mga anak.



Hindi ko ikakailang dinaga ang aking dibdib. Maraming p'wedeng mangyari sa apat na oras na paghihintay sa kanila sa nagyeyelong kuwarto namin.



Parent-Teacher Conference din ang nasabing araw. Kaya ito ang panahong maaari silang mangumusta tungkol sa mga anak nila. Kadalasang tanong nila ay "Kumusta naman po ang anak ko?", "May problema po ba kayo sa kanya?", "May mga suggestion po ba kayo para mas sipagin siya na mag-aral?"



Pinaghandaan ko ang araw na 'yon. Inayos ang maliit naming kuwarto--ang mga disenyong tsart, upuan, mga art projects nila, upuan, libro, at mga school supplies na iniwan sa paaralan.



Isa sa mga 'di ko malilimutang paghahanda ay ang pagpapasulat sa mga bata sa pisara ng kanilang mensahe para sa kanilang mga magulang.(Bisitahin ang aking multiply account para sa mga larawan.) Ang mga larawan sa baba, ay sumasalamin sa mga damdamin at katangian ng mga bata, ng kanilang relasyon sa kanilang mga magulang at sa katangian na rin ng mga magulang.



May mga batang madadrama. Humihingi ng kapatawaran dahil minsan ay binibigyan ng alalahanin ang mga magulang. May isang batang hindi magrereklamo kung paluin man siya dahil mabababa ang marka niya. May isang naglagay ng "I love you".



May mga batang nais ng premyo. Humihingi ng blow out dahil sa magagandang grado. Marami ang humihiling na sana ay "proud" si mommy o daddy sa nakuha nilang mga marka.



Sa pangkalahatan, masasabi kong naibuhos ng mga bata sa maliit na espasyo sa pisara ang kanilang mga pagmamahal sa kanilang mga magulang. Ang aktong pagsusulat nila mismo ay tanda ng kanilang pagsisikap upang makapagbigay ng kasiyahan sa kanilang mga magulang na walang pagod na naghahanap-buhay upang mapagkalooban sila ng magandang edukasyon.



Natutuwa ako dahil sa ganitong paraan, nasisiyahan din ang ang mga magulang. Makita ko lang ang ngiti nila matapos suriin ang sulat ng anak, masaya na rin ako. At siyempre nabawasan ang tsansa nila na makipagkuwentuhan sa akin.



Kailangang umisip ulit ako ng pakulo sa susunod na bigayan ng report card.