I just found out that the position I was aiming isn't the one I was thinking.
The post said that they were looking for a Reading Teacher. But, lo and behold, during the interview, I found out that they are looking for a Project Consultant. (By the way, I applied in the world's largest publisher and distributor of children's books). They gave me an overview of the responsibilities of a full-time consultant. And I was overwhelmed.
I said, "Honestly, I don't think I have the enough experiences to do the job."
So I thought I was going home, from Ortigas with a very downcast face. Then suddenly, the guy who interviewed me ('coz there were two of them), who was a former professor in our college, "unethically" (quoting him), asked me if I could work for his reading center. I was flabbergasted.
This is hitting two birds with one stone.
May isa na akong pagpipilian. More to go. Thanks God!
Friday, February 26, 2010
Tuesday, February 23, 2010
Super Lolo
Kailan mo unang nalaman na may putok ka?
Kailan ka unang gumamit ng Rexona?
Parang amoy bulok na bayabas, di ba?
Pag naamoy ng iba, mahihilo sila.
Kanina, nabulabog ang mundo ko.
Pagpasok ko sa klase ng mga batang edad-sampu,
Nagsusumigaw sa baho ang amoy ng b.o.
Inilabas ko agad ang panyo, sabay labas ng kuwarto.
Bumuwelo ako, bago simulan ang pagpapayo.
Bigla ko tuloy naalala ang mga kaklase ko no'ng elementarya na parang may dala-dalang bomba sa magkabilang kili-kili. At puro babae sila. Ang gaganda pa naman no'ng iba. Sayang lang talaga.
Pero sa klase ko kanina, lalaki ang pinagmumulan ng maantot na amoy. Sana lang talaga bukas ay di na siya mangamoy. Pero, sakali man, handa ko siyang bigyan ng deodorant na nasa sachet.

Kapayatan
Malapit nang magtapos ang Pebrero. At ilang araw na lang, magtatapos na naman ang taong pampaaralan. Pero hindi ko pa rin nangyayari ang isa sa mga bagay na inaasahan ko.
Bata pa lang ako, balingkinitan na ang pangangatawan 'ko. Sa minsang pagbabalasa ng mga lumang larawan, walang pinagkaiba ang pigura ng aking katawan ngayon sa hitsura ko limang taon na ang nakakaraan.
Hindi ko alam kung saan ako may deprensya. Hindi naman ako mahirap pakainin. Halos lahat ng ihain sa 'kin, sinusunggaban ko. Pero bakit wala pa ring pagbabago? Wala rin naman akong karamdamang nangangailangan ng medikal na atensyon (sa pagkakaalam ko).
Dati, sabi ng ilang kakilala, dahil daw sa pagiging "schoolaholic" ko. (Do'n sila nagkamali.) Minsan kasi nalilimutan kong kumain (lalo na kung walang makain), lalo na kung maraming dapat tapusing gawain na kailangang ipasa (bilang crammer naman ako). Siguro rin, dahil sa biyahe. Uwian kasi ako sa Bulacan dati. Minsan, nalilipasan ng gutom. Hindi kasi umuubra ang tubig at Presto creams-vanilla falvor na pan(t)aid-gutom habang bumibiyahe.
Kaya nung makagradweyt ako, sinabi ko sa sarili ko na "Jerson, dapat tumaba ka man lang nang konti sa unang trabaho mo. Bilang, may pambili ka na ng pagkain." Mayo nang winika ko yan sa sarili ko.
E, anong petsa na? Pebrero na. Buto't balat lumilipad pa rin ako. Halos lahat ng mga kaibigan na makakita sa akin, walang ibang komento kundi
"Uy, nagda-drugs ka ba?"
"Sinong, fitness instructor mo?"
"Hanger ka ba? I wanna hang-out with you e."
Dati, akala ko, normal lang ang metabolism ng katawan ko. Pero, parang pabilis siya nang pabilis habang tumatanda ako. Pakiramdam ko, wala pa sa limampung porsyento ng sustansya ng kinakain ko, ang nakukuha ng katawan ko. Kakalungkot.
Tapos akala ko, pag naging guro ako, tataba ako. 'Yon pala, hindi. Tiyak na salik din ang "stress" sa pagpayat o pagtaba ng tao. Hindi kaya maubos-ubos ang mga suliranin sa araw-araw ( na normal lang naman). Isang malalim na haaay talaga sa kapayatan ko.
Sa kabilang banda, may mga magagandang naidudulot din naman yata ang kapayatan. Pero wala na akong balak isa-isahin pa.

Subscribe to:
Posts (Atom)