Habang nasa dyip kasama ang ilang kaibigan, napag-usapan ang isang magandang babae sa LRT na naka-spaghetti straps, at confident sa pagpapakita ng kanyang ma-kremang kili-kili dahil sa mainit na panahon at sa bagong lagay na deodorant.
Nauwi ang tawanan sa isang linguistic activity. Isa na namang serendipitous experience.
Na-curious tuloy kami sa mga salitang nauulit.
Nag-isip kami ng mga halimbawa--may gitling o wala.
kili-kili bukong-bukong mga balbal na katawagang pang-katawan (pribado)
tuktok siksik bilbil
liblib kuko (pwede na rin) dibdib
pokpok hithit ting-ting
Well, sinubukan naming mag-analyze. Siguro, safe kung sasabihin na ang mga salitang nauulit ay kargado ng positibo o negatibong pagpapakahulugan. At dahil nauulit nga, mas mabigat ang kahulugan nila kumpara sa ibang mga anyo ng salita. Mas may emphasis o diin kasi pag nauulit ang isang pantig o salita mismo.
Karamihan ng mga salitang balbal na terminong pang-katawan ay kargado ng mga negatibong pagpapakahulugan. Halimbawa na lamang ang kili-kili--na laging kadikit ang mga terminong putok, anghit, black underarms at maitim. Mga negatibong bagay ang naiisip natin kung nababanggit ang kili-kili.
Isa pang halimbawa ay ang bilbil. Tinuturing ng marami na makasalanang taba ang bilbil. Negatibo na naman. Kaya nga nauso ang mga negosyo nina Dra. Belo at ni Mr. Calayan.
Idagdag pa natin ang mga katawagang balbal sa mga pribadong bahagi ng tao. Isang taboo pa din ang paggamit sa kanila sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan.
Hanggang dito na lang muna. 'Pwede ka ring magbahagi ng iyong mga halimbawa, hypothesis at mga interpretasyon.
No comments:
Post a Comment