Friday, May 27, 2011

Pagbabagong morpoponemiko G-T

Isang bagong discovery sa akin ang closeness ng letters G at T. related sila in terms of morphophonemic changes.
Narito ang ilang mga halimbawa ng salitang magpapatunay:

a. maGanda-maTanda (Ang weird lang kasi may popular notion na kapag mas bata, mas maganda. Pero baka naman, ibang klaseng kagandahan ang tinutukoy dito, like beautiful mind)

b. maGinoo-maTino (Pwede…)

c. maGunaw-maTunaw

d. palaGi-paraTi (Parang speech defect lang ng mga Japanese na nahihirapan silang ipronounce ang R ba o L?

e. daGok-baTok (may pagka-dyslexic lang dahil sa d at b, reversal nga ba 'to?)

f. hiGad-hiTad (Panalo to! Kasi nga may mga higad na mabuhok, kaya mangangati ka….di ba kapag makati ang isang tao, dini-describe na HITAD o malandi?)

g. magGuro-magTuro (pwede rin….)

h. biloG-biloT (may point ako….niro-roll ang mga bagay tapos nakakaform ka ng cyclinder na may circles sa magkabilang gilid)

i. pantoG-bantoT (same as letter e, wag na nating i-discuss, ang baho e)

j. lupiG-lupiT (related words...pag nalupig o natalo ka, may posibilidad na nakaramdam ka ng kalupitan ng kalaban o ng kapalaran)

I love pagbabagong morpoponemiko :)

P.S.

Nong nag-aaral kami ng dynamics, narinig ko ang term na mezzo (piano and forte) which means moderately soft or loud. In Filipino, medyo malakas o mahina. Gets? Mezzo-medyo. O ha!

No comments:

Post a Comment