Kasalukuyan kong binabasa ang librong In the Name of Honor na ibinigay ng isang dating guro. Required reading daw to sa EDLR 101, nakalimutan ko na kung ano'ng course description, basta tungkol sa development of language and reading ang kursong 'yon. Naintriga ako. No'ng panahon naman namin, not a very distang past pa naman, ay di kami ni-require na magbasa ng kung anong nobela.
Tungkol ito kay Mukhtaran Bibi, isang Pakistani na ginahasa ng mga kalalakihan mula sa isang tribo ng mas mataas na caste bilang paraan ng pagbabalik-dangal sa kanilang "nasirang" karangalan. Biktima si Mukhtaran Bibi ng balikong tradisyon sa lugar nila kung saan oppressed ang mga kababaihan. Natutunan ko sa librong 'to kung gaano kalala ang sitwasyon sa mga lugar kung saan 'di pantay ang trato sa mga kababaihan at kung ano'ng maaaring mangyari (to the extreme level) sa mga tao, especially sa mga kababaihan, na hindi naturuang bumasa't sumulat--basic skills para tawaging literate ang isang tao.
To cut it short, sa halip na magpakamatay si Mukhtaran at mag-dwell sa kahindik-hindik na nakaraan, naisawalat niya sa mundo ang kanyang karanasan. Salamat sa midya, sa mga NGO at mga women's right activist. Exciting 'yong part na unti-unti niyang inaabot ang HUSTISYA. (Hindi ko na i-dedetalye.) Sa huli, nakapagpatayo siya ng isang paaralan sa kanilang lugar (first school for the girls) sa pag-asang sa pagkatuto ng mga kabataang babae at lalaki, unti-unting mabubuksan ang nakapinid na pag-iisip ng kanyang mga kababayan ukol sa pagkakapantay-pantay at edukasyon.
Habang binabasa ko 'to, parang kidlat na bumabalik sa aking gunita ang mga eksena sa pelikulang Mga Munting Tinig na pinagbidahan ni Alessandra de Rossi. Katulad ng lugar kung saan nadestino si Alessandra, hindi din gano'n kalaki ang pagpapahalaga sa edukasyon ng mga magulang ng mga mag-aaral ni Mukhtaran. Pero kung drama at drama lang rin ang pag-uusapan, mas mapapaiyak ka sa karanasan ni Mukhtaran. Naging mitsa siya ng isang malaking women's right movement sa Pakistan at sa mundo. Isa siyang inspirasyon sa libo-libong kababaihan na inabuso/inaabuso ng isang lipunang nagpapauto sa mga baluktot na paniniwala.
Salamat kay Mukhtaran Bibi at sa marami pang mga munting tinig na bumubilong sa isip ng marami na huwag puro pansariling pakikibaka ang atupagin. Na p'wede rin namang tumulong kahit isa ka sa mga nangangailangan ng tulong.
Showing posts with label education. Show all posts

Sunday, May 8, 2011
Saturday, May 15, 2010
Waiting is...
Whoooh!
I was hoping that the PRC would be posting the April 2010 result today. It's been almost a month of sudden palpitation when thoughts of the exam result would cross my mind.
My LET-directed life is still hanging by a thread. I still don't know if the careless mistake that I made has totally ruined my LET result. I was in a haste when we were told to detach the answer sheets. The proctor instructed us to detach only the last page, what I did was the superlative--all three pages.
A co-Reading major confessed that she also made the same exact mistake a year ago. (Reading majors think alike just like great thinkers.) And lo and behold, she surpassed the test. I hope my fate goes with hers. And I do have faith that God would give the desires of my heart.
So, here comes another week of letting-my-thoughts-meander feats just to avoid the anxiety of waiting for the exam result.
"Father into Thy hands I commend the exam's result".

Saturday, October 10, 2009
Bigayan ng Report Card
Kahapon ang unang pagkakataon na nakasalamuha ko ang mga magulang ( at yaya) ng aking mga mag-aaral bilang ako ang taga-payo ng kanilang mga anak.
Hindi ko ikakailang dinaga ang aking dibdib. Maraming p'wedeng mangyari sa apat na oras na paghihintay sa kanila sa nagyeyelong kuwarto namin.
Parent-Teacher Conference din ang nasabing araw. Kaya ito ang panahong maaari silang mangumusta tungkol sa mga anak nila. Kadalasang tanong nila ay "Kumusta naman po ang anak ko?", "May problema po ba kayo sa kanya?", "May mga suggestion po ba kayo para mas sipagin siya na mag-aral?"
Pinaghandaan ko ang araw na 'yon. Inayos ang maliit naming kuwarto--ang mga disenyong tsart, upuan, mga art projects nila, upuan, libro, at mga school supplies na iniwan sa paaralan.
Isa sa mga 'di ko malilimutang paghahanda ay ang pagpapasulat sa mga bata sa pisara ng kanilang mensahe para sa kanilang mga magulang.(Bisitahin ang aking multiply account para sa mga larawan.) Ang mga larawan sa baba, ay sumasalamin sa mga damdamin at katangian ng mga bata, ng kanilang relasyon sa kanilang mga magulang at sa katangian na rin ng mga magulang.
May mga batang madadrama. Humihingi ng kapatawaran dahil minsan ay binibigyan ng alalahanin ang mga magulang. May isang batang hindi magrereklamo kung paluin man siya dahil mabababa ang marka niya. May isang naglagay ng "I love you".
May mga batang nais ng premyo. Humihingi ng blow out dahil sa magagandang grado. Marami ang humihiling na sana ay "proud" si mommy o daddy sa nakuha nilang mga marka.
Sa pangkalahatan, masasabi kong naibuhos ng mga bata sa maliit na espasyo sa pisara ang kanilang mga pagmamahal sa kanilang mga magulang. Ang aktong pagsusulat nila mismo ay tanda ng kanilang pagsisikap upang makapagbigay ng kasiyahan sa kanilang mga magulang na walang pagod na naghahanap-buhay upang mapagkalooban sila ng magandang edukasyon.
Natutuwa ako dahil sa ganitong paraan, nasisiyahan din ang ang mga magulang. Makita ko lang ang ngiti nila matapos suriin ang sulat ng anak, masaya na rin ako. At siyempre nabawasan ang tsansa nila na makipagkuwentuhan sa akin.
Kailangang umisip ulit ako ng pakulo sa susunod na bigayan ng report card.

Subscribe to:
Posts (Atom)