Wednesday, May 30, 2012

LVM < Philippines





In almost 24 years, these are the Philippine provinces where I
  • have lived
  • often go
  • have been once or a few times
  • was just passing through
  • have not set foot
Wow! I've been to all three island groups. Thanks to the solo Bulacan-Misamis Oriental trip I had last December--traveling by land via Philtranco bus for a very affordable fare. (2k-something pesos but would cost you a lot og body pain.) A 48-hour adventure which I haven't blogged about.

Why travel from Bulacan to Misamis Oriental?

Our family used to live in Misamis Oriental until I was five. When we moved to Bulacan, we rarely go back to our province during holidays or vacations. So I have become more Bulakenyo than a MisOr native. But now that my parents have decided to stay in Misamis Oriental for good, we are visiting them on a more regular basis.

I have visited/passed through all the provinces in Central Luzon  when I was in high school. Bulacan, Aurora, Bataan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija and Zambales. That's the advantage of being picked by your school to compete in different tilts (e.g. Schools Press Conference, Science Fair).

I've realized that traveling expenses were not really part of our family/personal budget. Traveling is for the may-kaya. Not true. Disagree. There are different ways to travel for free (e.g. representing your school in regional/national competitions) or on a low-budget (day hikes in nearby mountains like Mt. Balagbag in Rizal/Bulacan).


Luzon: RSPC days along the coast of Aurora--facing
the Pacific Ocean

Visayas: San Juanico Bridge

Mindanao: Family Traverse at Mt. Tigkatao--mountain
shared by Misamis Oriental and Agusan del Norte


Now that my itchy feet are 'moving mountains and pavements, I foresee a more colorful traveling map in the coming years.

Traveling is more fun in the Philippines.


Thank you Sir Eugene Villar for this interactive map.



Monday, May 28, 2012

Postcards From Mt. Balagbag

Solo climbing is more fun in Mt. Balagbag.


Para Kay J,
Salamat sa mga ganitong tanawin. Nakakapawi ng pagod.



Para Kay Mama at Papa,

Safe naman palang akyatin ang Balagbag nang mag-isa. Sana sa susunod
na bundok, kasama ko na kayong dalawa.

Para sa Apat na Bagong Kakilala,

Sana makasama ko kayo sa iba pang mga paglalakbay.

Para sa mga Turista,

Nakakapagod mamulot ng basura ng iba. P'wede bang magdala kayo
ng sariling garbage bag sa susunod ninyong punta sa Karahume?

Para Kay Sierra Madre,

Anong sikreto mo? May itinatago ka nga bang mga desaparesidos?

Para Kay Balagbag,

Ang sarap mong akyatin. Magpatangkad ka pa ha.

Para kay Otso-otso,

Sana 'wag kang magbabago.

Para sa Batang nasa Larawan,

Nakakaantok manood ng photo shoot, ano?

Para sa Taong-bayan,

H'wag mag-iwan ng basura sa falls. Bawal umihi  sa tubigan.
Bawal rin isulat sa mga bato ang pangalan ng nobya gamit ang pintura.

Para Kay Rocky River,

Buti na lang 'di ako nagpaa.

Para sa mga susunod na magso-solo climb,

Kayang-kaya n'yo 'to!

Sunday, May 20, 2012

Arayat: Ang Unang Aray



"Ang haraya ay ang pagliliwaliw ng isip, samantalang ang harayat ay ang pagliliwaliw sa BundokArayat."

Sa wakas ay natupad na ang pangarap kong umakyat ng bundok bilang isang lakwatsero. 
Ako sa una kong akyat.

Mapalad ako at Arayat ang unang bundok na naitala ko sa aking kasaysayan. Punung-puno ng mga 'di malilimutang karanasan at tanawin ang inuwi ko pagkababa ng Arayat.

Add caption

Madaling araw ng Linggo nang umalis kami sa isang bus terminal sa EDSA-Cubao. Bilang sabik ako sa unang akyat, alas-dos pa lang ay nasa terminal na ako kahit alas-kwatro na kami umalis. (Php 102.00 ang pamasahe hanggang SM Pampanga.) Kahit mabilis ang biyahe, ay marami kaming napagkwentuhan ni Ninang Mars mula sa mga tsismis na bumabalot sa panitikang pambata hanggang sa planong pag-i-storytelling sa bundok.

Pre-climb
(photo courtesy of Sir Bogart Toledo)

Pagkababa ng SM, dapat ay sumakay ng dyip papuntang Magalang (Php 35.00) at mula sa bayan ay sumakay ng traysikel papuntang jump-off sa Barangay Ayala (Php 70/100.00 kada traysikel) . Pero dahil bihira pa ang dumaraang dyip, napagdesisyunan namin na patusin na ang alok na ihatid kami ng van sa jump-off mismo. Medyo napamahal nga lang kami (Php. 140.00). Pero,sulit naman ang ibinayad sa tulin at lamig ng van. Nabawasan na rin nang ilang kilometro ang paglalakad mula Barangay Hall papuntang paanan ng bundok. (Aral: Magdala ng ekstrang pera.)

Mahaba-habang lakaran din ang Arayat. Inabot kami ng humigit-kumulang na 13 oras. Nagsimula kami ng bandang 7:15 ng umaga, at nakababa (na)ng 9:30 ng gabi. Bakit ang tagal? Bakit nga ba?

1.       Kailangang sulitin ang libreng malinis na hangin.
2.       Hindi p'wedeng palagpasin ang magagandang tanawin.  Dapat laging handa ang kamera.
3.       Masarap magpiknik at magsiyesta sa North peak.
4.       Sadyang mahirap akyatin/gapangin/babain ang matatarik, masasalimuot at madudulas na daan.
5.       Kailangang maghintayan at magtulungan. Kung di mo 'to kayang gawin, mag-solo climb ka na lang.

May mga Stations of the Cross na madadaanan
sa mga unang kilometro.


Ang kapatagan ng Pampanga

Hindi mailap ang ilang mga paru-paro sa tuktok .
Siya rin ba 'to?

Ang mala-Amazon River na Ilog ng Pampanga.

Bilang baguhan, marami akong natutunan tungkol sa mountaineering.

1.       Ang mga terminong  push, proceed, traverse, assault, take five, trail running, day hike, junction, sweeper, waterproofing, social at headlamp.
2.       Ang mga pangalan ng mga bundok sa Pilipinas. Ang mga naaalala ko mula sa mga kwentuhan nila ay Arayat, Manalmon, Balagbag, Pulag, Batulao, Makiling, Pico de Loro at Cristobal.
3.       Natuto akong magbasa ng trail signs. Hanapin lamang ang magkakapatong na tatlong bato o 'di kaya naman ang mga laso sa mga puno na p'wedeng wrapper ng tsitsirya, masking tape o totoong laso. Kapag nasa sangandaan (junction),   piliin ang mas malinis na daan.
4.       Magsuot ng leggings o damit na may mahabang sleeves.
5.       Ma'am at Sir ang tawagan ng mga mountaineers sa isa't isa.


Pinakamahirap na bahagi ng Akyat-Arayat: North-South Peak trail. Ang rappelling sa 90 degrees na bato nang walang gamit na lubid.
(photo courtesy of Sir Bogart Toledo)

Paboritong ulam ng karamihan (kasama na ang aso sa North peak): manok

Pinakanakaka-panic na pagkakataon: Nang biglang bumuhos ang ulan at pababa pa lang kami

Pinakabuwis-buhay na kuha: Ang jumpshot sa ibabaw ng bato kahit bangin na ang nasa likod nito.
(photo courtesy of Sir Ivan)


Good Samaritan Awardee: Si Ate Marlyn at ang kanyang pamilya (mga kasapi ng Back to Christ Foundation) na nagpatuloy sa amin sa compound nila.  Pinaligo kami at nag-alok na ihatid kami ng trak nila pabalik ng bayan ng Arayat.

Php 10.00 ang bayad sa pagligo.
Php 60.00 ang pamasahe sa trak.
Back to Christ compound

Earth Saver Awardee: Si Ma'am Jay na kinarir ang pamumulot ng mga botelya at plastic wrappers. Nakaka-inspire kaya tumulong na rin ako paminsan-minsan.
Isang bagsak para kay Ma'am Jay!
(photo courtesy of Mars Mercado)

Light Packer Awardee: Si Sir Ivan, ang batang lakwatsero. Kumusta naman ang body bag na dala at ang mapaghimalang kalo?


Feeding Program Specialist: Si Ma'am/ Ninang Mars na walang sawang namimigay ng mga kung anu-ano mula sa bitbit niyang sari-sari store. Runner-up si Ma'am Rax.

Official Photographer: Si Sir Migs at ang kanyang de-lenteng kamera.

Pinakamakwento at pinakamabirong Mountaineer(s): Si Sir Nino at Sir Bogart. Biruang walang pikunan.

Pinakabatang Mountaineer: Si Sir Christian at ang kanyang mga tattoo sa magkabilang braso.

Pinakadyaheng sandali: Ang putik na walang sawang kumakapit at nagpapabigat sa sapatos.

Pinakanakakakabang pagkakataon: Ang night trek na sinabayanng mga nakakabahalang mga ingay ng kalikasan.
Dapat walang takot sa dilim.

Pinakanakakainis na parte ng bundok: Ang mga basura at mga bakas ng mga vandals sa mga bato

Pinakamabagal na sandali:  'yong sandaling kita mo na ang mga ilaw sa kabayanan at dinig mo na ang mga sasakyan, pero wala ka pa ring makitang kalsada.

Pinakabanyagang nakasalubong: Ang mga Pranses na naka-shorts at spaghetti straps

(photo courtesy of Maam/Ninang Mars (in pink))

Sa kabuuan, hindi ako binigo ng Akyat-Arayat. Tinumbasan ng bundok na ito ang kasabikan ko para sa mga bagay na kakaiba. Hinigitan pa nga. Kinabukasan, kahit na nahuli sa trabaho at masakit ang mga kasu-kasuan, wala ni isang sandali na pinagsisihan ko ang pagpasok sa ganitong tunguhin sa buhay. Kahit ang pagsalampak sa gitna ng Victory Liner.

Para sa mga nangangarap na umakyat rin sa unang pagkakataon, ang unang hakbang ay ang pagkakaroon ng mga kaibigan/kakilala na mahilig rin dito.

Salamat Ninang Mars sa pagsama sa akin at sa paghahanap ng mga mababait na freelance mountaineers na nakasabay natin.

(photo courtesy of Sir Migs Siena)

Ikalawang hakbang ay ang paghahanda ng sarili. Itsek ang badyet ng pag-akyat. Itsek ang kalusugan. Itsek ang mga gamit na kakailanganin.

At ang huli, alamin ang lugar na pupuntahan. Alamin ang mga suggested itinerary. Magbasa ng mga blog comments ng mga nauna na. Matuto sa karanasan ng iba.

Hayan! Handa ka na!

(photo courtsey of Sir Bogart)


Sosyal Climbing for Beginners


Kamakailan lamang ay umakyat ako ng bundok sa unang pagkakataon bilang isang enthusiast. (Hindi muna mountaineer.) Naimbita lamang ako ng isang kaibigang matagal-tagal na ring "namumundok". (Salamat Ninang Mars).

Bago pa man ang araw ng pag-akyat ay naalala ko ang isang variation ng It's More Fun in thePhilippines meme.


Malalim kung susuriin ang pakahulugan sa akin ng larawan sa itaas, kaya daanin na lang natin sa isang pagsusulit.

  I.            Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

(1) Bakit nagiging status symbol ng mga burgis ang mountaineering?

A.      Dahil siguro mahal ang mga trekking equipment.
B.      Dahil mas cool umakyat ng bundok kaysa magpapawis sa gym.
C.      Dahil mas astig ang Facebook  profile pic at cover photo kung panoramic ang view.
D.      Lahat ng nabanggit.

(2) Bakit kailangang Ingles ang gamiting wika sa karamihan ng mga travel blogs?

A.      Dahil mas maraming mayamang Inglesero ang interesado sa mountaineering.
B.      Dahil mas maaabot mo ang mga turistang banyaga.
C.      Dahil hindi gano'n kasosyal kung Filipino ang medium.
D.      Wala sa nabanggit.

Mainam rin na paminsan-minsan ay nagiging cynical at kritikal tayo sa mga bagay-bagay na pinapasok natin.   Nararapat na usisain, isa-isahin at linawin sa sarili ang mga dahilan kung bakit natin ginagawa ang isang bagay. Hindi mo maaaring i-label ang isang tao nang hindi mo sinusuri ang mga intensyon niya.

II.            Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan nang walang pag-iimbot at nang  buong katapatan. Isulat ang kasagutan sa ayos ng talata na may limang pangungusap. Huwag kalimutang banggitin ang social philosophy na swak sa tanong.

(3) Social climber ka ba? Bakit /hindi? Kailan pa?

(4) Magbigay ng limang telltale signs na nagiging social climber na ang isang tao at balikan ang ikatlong tanong. Nagi-guilty ka na ba?

(5) Ano ang pinagkaiba ng sosyal na mahirap at sosyal na mayaman? Meron nga ba?


Kapag sinabi bang social climber, heto ba agad ang depinisyon:

social (mountain) climber

(plural so·cial climb·ers)
noun
somebody seeking social advancement: somebody who tries to rise in status by associating with people of a higher social class (disapproving)

Microsoft® Encarta® 2009. © 1993-2008 Microsoft Corporation. All rights reserved.

Hindi ba p'wedeng,

A.    Mas mahal lang si Inang Kalikasan kaysa kay pusong-bato na mall?
B.    Ini-internalize lang ang Back to Nature peg ni Ralph Waldo Emerson?
C.    Pinapalakas lang si puso at mga daluyan ng dugo?
D.   Gusto lang pulutin ang mga basura ng mga naunang umakyat?
E.    At iba pang palusot.

Bonus question: Kung magiging bundok ka, alin at bakit?


Wednesday, May 9, 2012

So What's New?

Tihee! I'm back. But that doesn't mean that my self-imposed writing hiatus is over.

There are just so many things that happened in the past weeks. The bottled up experiences can't be held back anymore. School. Work. Social life. So here you go with the unnecessary updates.

March 

The school year ended with a bang! I just survived the most challenging school year. The managerial (Is that what you call it?) posts really made me go the extra mile as a teacher. I've told my previous level coordinator that being a plain subject teacher/class adviser is what I really dreamt of so I wanted it that way for the rest of my career. (Yeah, I sounded so mediocre.) But with the turn of events, I was promoted as a subject coordinator and the OIC of our level. And that was the beginning of the downfall of my sanity. Haha! Good thing that the other coordinators were there to guide me. Up to now, I am still in disbelief that I am fit for the job. Anyway, I've done my utter best to live up to the expectations of my superiors. And, of course, for the students.
This is so me, except that I won't sit on my books.
(photo courtesy of T.Ruth)

The best part of the school year: Seeing my pupils bloom; moderating a book club; witnessing the graduation of my first advisory class; landing a spot in the dance and speech choir competition; having my own table in the faculty room.

The challenging parts: Scouting movement (It really isn't for me.); Hosting a graduation ceremony; editing speeches; being a good example to your subordinates; dealing with people who are difficult to deal with.

April

The highlight of this month is the soul-nourishing work for All Together In Dignity (ATD) Fourth World Philippines' Festival of Learning. For two consecutive Saturdays, I have lived the dreams I had woven when I was still in UP: to



Volunteering for ATD gave me the illusion(?) that I have given back to the people. That I am not doing UP a disservice. The venues of the activities were so far from where I lived. That was the only challenge I hurdled. Three hours of travel time was no joke, especially on a summer day. But hey, if the prize is seeing the slightest smile of the kids when they hear your tell stories, then, bring it on summer sun.

Day 1- Intimate storytelling along the PNR train tracks.
(photo courtesy of Ms. Tracy Cruz)

Day 2-Performance/ Impromptu storytelling along the road
going to Nagtahan Bridge (photo courtesy of Ms. Tracy Cruz)

One thing that made me want to volunteer again in ATD's next activities is the people behind the group. Kuya Guy is so accommodating. Answering all my directions-related questions when my instincts led me to Paco Church. Ate Anne, Susan and Sana made each volunteer feel at home. I really felt their passion for service. Ms. Tracy is a blessing for the commuter me. Those free rides saved me from getting lost again in Manila. Laine and Janela would agree with me on that.


I may have not gone to the beach this summer. But without second thoughts, I have posted on my FB that: Solb na ang summer ko. Thanks ATD for this new experience! My summer has never been this so productive. Bonus na lang if I get to do this again:

Punta Fuego shore

Happy summer everyone!