Monday, May 28, 2012

Postcards From Mt. Balagbag

Solo climbing is more fun in Mt. Balagbag.


Para Kay J,
Salamat sa mga ganitong tanawin. Nakakapawi ng pagod.



Para Kay Mama at Papa,

Safe naman palang akyatin ang Balagbag nang mag-isa. Sana sa susunod
na bundok, kasama ko na kayong dalawa.

Para sa Apat na Bagong Kakilala,

Sana makasama ko kayo sa iba pang mga paglalakbay.

Para sa mga Turista,

Nakakapagod mamulot ng basura ng iba. P'wede bang magdala kayo
ng sariling garbage bag sa susunod ninyong punta sa Karahume?

Para Kay Sierra Madre,

Anong sikreto mo? May itinatago ka nga bang mga desaparesidos?

Para Kay Balagbag,

Ang sarap mong akyatin. Magpatangkad ka pa ha.

Para kay Otso-otso,

Sana 'wag kang magbabago.

Para sa Batang nasa Larawan,

Nakakaantok manood ng photo shoot, ano?

Para sa Taong-bayan,

H'wag mag-iwan ng basura sa falls. Bawal umihi  sa tubigan.
Bawal rin isulat sa mga bato ang pangalan ng nobya gamit ang pintura.

Para Kay Rocky River,

Buti na lang 'di ako nagpaa.

Para sa mga susunod na magso-solo climb,

Kayang-kaya n'yo 'to!

5 comments:

  1. napakaganda!

    magkita tayo sa trails. o kung saan man. cheers. :)

    ReplyDelete
  2. Kare! salamat!

    may makiling traverse ngayong Sat. Naimbitahan lang ako. Sama ka!

    ReplyDelete
  3. kung wala akong lakad, pasabit ako.

    itext mo ko. :)

    ReplyDelete
  4. Salamat Jere! Yan ang mga huling shots ng aking point-and-shoot.

    ReplyDelete