Tuesday, February 17, 2009

Ang Kendi ni Manong

May dalawang kakaibang karanasan ako kahapon sa mga dyip na nasakyan ko. Tinuturing ko silang kakaiba dahil hindi naman sila araw-araw nagaganap sa bihay-pasahero ko.

Una ay tungkol sa kendi. Sumakay akosa Philcoa ng dyip papasok ng UP Campus. Umupo ako sa estribo ('yong hlihang upuan, malapit sa labasan at sakayan). Nagbayad ako ng sampung pisong barya. Medyo, matagal ang sukli. Hindi ako papayag na walang sukli, P1.50 rin yon. "di ko na mapigil sarili ko, kaya tinanong ko na si Manong Driver na medyo maputi na ang buhok.

"Sukli ho ng ten?" Walang sagot.
"Sukli ho ng sampu?"
"Sandali lang ha." Dapat pala sampu, at hindi ten.

Inabot ng mga katabi ko ang sukli. "Bakit sila napapangiti?" Isip-isip ko. Nang makarating sa akin ang sukli ko, isang maruming piso at HALLS na kendi ang tumambad sa akin. Napangisi ako. Naisip ko ulit, "Magkano ba ang HALLS na 'yon? P1.00o P.50? Gawin daw ba akong bata.

"Pasensya na wala na akong barya", dagdag pa ni manong.

*dahil sa pangyayaring yan, naaala ko yung nasa misamis oriental pa ako. Tuwing Pasko at nangangaroling kami ng mga amigo nako, hindi barya o perang papel ang binibigay sa amin, kundi mga prutas gaya ng saging, guyabano, mangga at iba pa. Pati rin maraming-maraming kendi gaya ng Tarzan, Snow Bear at White rabbit.


*so ang aral sa anekdotang ito, magbaon ng maraming-maraming kendi. Para kung sakaling wala ka ng barya ay kendi ang ipambayad :)

No comments:

Post a Comment