Tuesday, February 17, 2009
Para kay Conrado Macapulay Jr. na Nagpa-iyak sa Akin (RIP)
Sabi mo sa akin, sumulat o mag-blog lang ako kapag nag-uumapaw ang emosyon ko.
Hindi ko agad sinunod ang payo mo. Sorry ha.
Pero alam mo naman na may natitira pa rin akong pagmamahal sa mga letra't salita,
Di nga lang kasingtingkad ng sa iyo.
Alam mo ba na mula Buzzing Bees
Pintig sa Nagkakaisang Tinig, TIP Voice ay iniidolo kita?
Pinagyabang pa kita sa mga kakilala
Lalo na nung may write-up tungkol sa 'yo sa PDI
Pati UN-sponsored essay writing contest ba naman kasi, umariba ka!
Sabi mo sa akin, hiraman kita ng libro sa Main Lib.
Sagot ko naman "Sige ba!". Ikaw pa, kapatid na turing ko sa'yo.
Nabanggit mo nga na magkakarugtong na ang bituka nating lima
Ako. Ikaw. Si Joan, Alex at Krsna.
Pero , bakit humiwalay ang iyong bituka?
Sabi mo sa akin, mukhang nagbabago na ang trend sa mga beauty pageant.
Akalain mo? Sa dating babading-bading na si Maui
Ay uusbong ang isang maginoong Conrado.
Nagbiro ka pa nga na lamang ka sa talino,
Kaya nakopo mo ang titulong TIP male Model Student.
Pero,paano na sa susunod na taon?
Sinong magpapasa ng korona?
Paano na sa susunod na Linggo?
Sino nang kasama kong magsimba sa Cornerstone?
Sino nang makakakuwentuhan ko tungkol sa kung anu-ano?
No'ng Linggo, tinupad mo ang sinabi mo.
Dumating ka ng maaga para kamo makapagkwentuhan tayo.
(Pero, sorry ka, mas maaga pa rin ako sa 'yo.)
Alam mo ba na habang nakataas ang kamay mo,
Pikit ang mga mata at nakikipag-usap sa Kanya, sinulyapan kita.
Nababahala kasi ako na baka nabo-bored ka na.
Pero nung makita kong taimtim Kang nakikipag-usap sa Kanya,
Napangiti ako.
Gustung-gusto kong isipin na magkikita tayo ulit sa piling Niya.
Ang mahigit sampung taon ng pagkakaibigan na pinagsaluhan natin
Ay hindi sapat.
Marami pa akong gustong ikuwento.
Ililibre pa kita sa McDo.
Ipapabasa ko pa sa 'yo 'yung mga sinulat ko.
Susunduin pa kita minsan sa TIP sa Casal, 8:30.
Magsasabay pa tayo sa air-con bus.
Hindi ba yun naman ang gusto mo? (Mapili ka talaga.)
Maghahanap pa tayo ng lugawan at bibili ng tokneneng.
Sabay pa nating kakantahin ang "Hanging by a Moment With You".
Yun lang naman ang alam ko sa mga default songs mo tuwing videoke.
Iimbitahin pa kita sa 'small group' na pupuntahan ko.
Itutuloy pa natin ang mga ginuhit nating pangarap.
Magiging chemical engineer ka sa isang malaking planta.
At magtuturo naman ako sa mga bata.
Pupuntahan pa kita sa bahay ninyo.
Ipapagising kita sa mama kahit natutulog ka pa.
Hihintayin pa kitang maligo, magbihis.
Ipapatikim mo pa sa akin yung mga luto mo, kahit maalat minsan.
Pang-ikalabing tatlong taludtod na 'to, pero magulo pa rin ang istraktura ng tula ko para sa 'yo.
Ginulo mo ang isip ko Conrado.
Hindi ka man lang kasi nagsasabi na may nararamdaman ka na dyan sa puso mo.
Sana naikwento mo man lang kung bakit ka natumba minsan sa kasilyas ni'yo.
Kagabi, habang tinatanaw kita sa kahon mo,
nainis ako sa 'yo (pinaiyak mo kasi ako)
nagsorry ako sa 'yo (pinaiyak mo kasi ako)
nagpasalamat ako sa 'yo (pinaiyak mo kasi ako).
Nawa, sa higit isang dekada ng pagsasama natin.
Mula Bana-Bana Kids, Buzzing Bees
Hanggang Pintig,Ice Company, at tayong lima nina Alex, Joan at Krsna...
Naramdaman mo ang pagmamahal ko.
Hanggang sa muli kapatid, kaibigan!
Magkikita din tayo.
At tandaan mo, 'pag nagtama ulit ang ating mga mata,
Ako pa rin ang kaibigan na nakilala mo nung Grade 3 tayo.
P.S.
Alam ko nagrema sa'yo yung message nung Sunday.
"We are only one-third natural and two-thirds supernatural."
Alam ko nalagpasan mo na ang reyalidad...ang natural.
Walang pagsidlan ang saya ko no'ng unang dalo mo sa Cornerstone.
Salamat kaibigan at kapatid ko.
Nawa ay maligaya ka kasama ang Cornerstone natin.
Huwag kang makakalimot ha.
Si Jerson ito, laging magmamahal sa 'yo kaibigan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Full of emotions..
ReplyDelete:)
love it...
thanks uinen :) btw, is conrado our common friend?
ReplyDelete