Tuesday, February 17, 2009

Ano ba ang achivement sa Filipino?

Hindi ko maisip ang eksaktong salitang Tagalog para sa achievement.

Mga Tagumpay? Mga Nakamit? Gantimpala? Hindi ko alam, pero tungkol 'to sa mga ganun.

Kagabi ay hiniling ako ng isang kakilala na magbigay ng talaan ng mga "achievements" ko. Para umano sa pagpapakilala sa akin sa kanilang programa. Magkukuwento ako sa kanilang paaralan kasi.

Wala akong maisip masyado. Isasama ko ba ang mga parangal ko nung elementarya noong hayskul? Ang mga paligsahang napagwagian ko? Sasabihin ko bang naging pinakamasunurin ako noong Grade 4? Na kampeon ako sa word factory noong second year high school?

Korni naman siguro kung pati 'yong mga yon babanggitin ko pa. Dapat 'yung bagu-bago. Mga karangalang nakamit ngayong kolehiyo. Nakapagtala ako ng ilang mga bagay.

1. Pagiging 4th year standing na Reading major sa up diliman.
-bihira lang ang kumukuha ng kursong BEEd CA (english). sa batch namin 3 lang kami, at ako lang ang 4th year standing.
-isang prestihiyosong departamento ang napasukan ko. Pinakamagaling sa lahat ng pinakamagagaling ang mga propesor dito.

2. Pagkakamit ng ikalawang puwesto sa 3rd Alitaptap InterCollege Storytelling Competition (ito lang yung related sa event na dadaluhan ko )

3. Pagiging "commuter". Nakakayanan ko ang polusyon ng Metro manila, trapik ng lansangan at tagtag ng daan sa araw-araw na pagbiyahe ko mula San Jose del Monte City, BUlacan patungong UP Diliman. Magdadalawang taon na akong biyahero.

4. Nakikita ko nang personal ang mga paborito kong manunulat/ilustrador/kwentista sa mundo ng Panitikang Pambata. Nakakapagpapirma at nakakapagpalitrato kasama sila
-(mga manunulat) Tito Dok, Rene Villanueva, Grace Cheong, Augie Rivera, Kristine Canon, Dina Ocampo, Portia padilla, Lina diaz-de rivera at marami pa
-(ilustrador) jomike tejido, leo alvarado, beth parrocha-doctolero, frances alcaraz, ruben de jesus
-(kwentista) zarah gagatiga, michelle alcaraz, ate phoebe, sir nolo, ate cha at marami pang alitaptap

5. Tinuturing ko ring achievement ang pagkakahanap ng magagandang libro sa mga booksale branches sa metro manila. Kakaiba ang galak ko kapag nakakabili ako ng mga prestihiyosong libro sa murang halaga :) Ilan sa magagandang libro na nakita, binili at binenta ('yong ilan) ko na ay ang mga ss:
- Shel Silverstein's Where the Sidewalk ends
-Tuesday
-newbery medal and honor books
-caldecott medal and honor books
-madeleine l'engle books
-robert james waller books


Ngayon, hindi ko lang alam kung mababanggit ang mga 'yon sa pagpapakilala sa akin. Basta, ang mga 'yan aytinuturing kong mga "achievements', ano mang sabihin ng iba.

No comments:

Post a Comment