Matagal ko ring hinintay ang kursong ito. Sophomore pa lang yata ako, gusto ko nang mag-169. Nahalina ako sa pagmamasid sa mga kaibigang naggugupit-gupit, nagkukulay-kulay, nagdidikit-dikit. Wow! Parang, ang saya nito.
Tungkol saan ba ang Edr 169? Teaching Beginning Reading. Cool! Gusto ko yan!
Akala ko ganu'n lang. Hanggang marinig ko ang kanilang mga kwentuhan at huntahan.
"Haggard, wala pa akong tulog. Namamaga na kamay ko kakagupit ng mga stencils."
"Pangatlong revision na 'to. Ilan pa kaya? (tinutukoy ang lesson plan)
"Ubos na allowance ko for next week, pautang pambili Ultrabrites."
"Naku, 'di pa rin nagpaparamdam partner ko, demo na namin bukas."
Ilang lamang yan sa mga classic 169 lines. Parang challenging. Gusto ko pa rin mag-169.
Matapos ang 2 taon, 169 na ako. Sa simula, payapa ang paglalayag. Dumating ang mga alon. Midterm exams. Report sa ibang subjects. Papers sa CW 140. Ubo. Sipon. Sore throat. Zero balance.
Ayun, gumegewang-gewang na ang barko. Dagdagan mo pa ng "kaunting" problema sa mga kagrupo (trio na kami ngayon) at sa sarili.
O, di ba sabi mo gustung-gusto mo nang mag-169? Ano ka ngayon?
Haay...malalagpasan ko rin 'to. Sabi nga ni Rona, ganyan talaga pag nasa 169 ride ka. Hindi mo alam kung paano mo maitatawid. Pero, anu't ano pa man, magagawa mo. Mahirap maipaliwanag kung paano, pero, oo, kaya mo.
Siya nawa. Unang demo sa I-Agila mamaya. Gold ang bahaging ituturo ko.
Wala pang dalawang oras ang tulog ko. Kahapon ko lang natanggap ang final plan ko. Kagabi, habang nasa aircon bus, pauwi ng Bulacan...naggugupit-gupit ako ng materials. Mga makukulay na isda at ibang hayop sa dagat. 36 na life-size sea animals ang natapos ko. Nilagay ko ang mga bondpaper sa bintana, isiniksik ko lang. Mukha lang naman akong "tanga" kasi di nila nauunawaan ang pinaggagawa ko. Nagtitinginan pati yung mga pasahero ng ibang bus at dyip. Dedma lang. Kailangan kong imaximize ang oras ko.
Basta.Gagalingan ko pa. Matagal ko rin 'tong hinintay.
No comments:
Post a Comment